JUN 09 | 00:06
Too much hate for this fvckin' day. Don't wanna talk about it.
Still alive at this point but remains unsure on the next couple of days.
I told merilyn about this journal a while ago. Pati na rin tungkol kay Anonymous kinuwento ko sa kaniya, pero hindi buong detalye. Sinabihan ko siyang 'wag sasabihin sa iba kung ayaw niyang madamay. Pero dahil hindi niya raw makontrol ang frustrations niya kay Anonymous, idinaan niya na lang sa tweet. Ang convincing tuloy na hindi talaga siya si Mx. 67.
Merilyn is still annoying but I had no choice. Sa ngayon ay siya lang ang maaari kong pagkatiwalaan. Pagkatapos ng nalaman ko kina Kath at Dave noon, mas lalo akong nahirapang magtiwala sa iba, lalo na sa mga kaibigan ko.
Tungkol sa tweet ni Merilyn, bahala siya d'yan, wala naman siya gaanong followers kaya parang walang kwenta kahit mag-preach pa siya tungkol sa cyberbullying at tamang asal.
Sinabihan ako ni Merilyn na mag-backout na lang para siguarado. Pero nagmatigas ako. Sabi ko, gusto kong manalo para kung sakaling ito na ang huling sasalihan kong contsest, maging proud sa akin ang mga magulang ko. Idk, hindi na maayos takbo ng utak ko.
In case na may mangyari sa akin,... bahala na kung sinong makapulot nito, but it's probably her since she's thd only one who knew about this except me.
Abt. the case (full details--on my POV only. Can't really remember it well since a year had passed):
● Puno ang studio namin (hanggang 3rd floor) ng iba't ibang personalidad sa Brgy. Alas. TROPANIM, staffs, ilang mga sikat sa iba't ibang larangan (singing, dancing, etc), *queens* of brgy., a few friends, and some random dude. Naghahanda kasi kaming lahat para sa event sa susunod na linggo.
● It happened one random night.
● Medyo patapos na ang mga gawain. Marami nang umalis at hindi ko alam kung sino ang mga natira. Naiwan akong mag-isa sa isang practice room sa studio para magpatuloy sa pag-eensayo. Pagod na sana ako pero hindi ako tumigil dahil sa suot kong body cam. Na-mo-monitor ng mga magulang ko ang ginagawa ko kahit hindi ko sila kasama noong gabing iyon.
● Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko, may biglang kumatok sa pinto at kusang binuksan ito para dumungaw. Si Jino Billones, ang toang na-li-link kay Mutya. Tinanong niya sa akin kung nasaan si Mutya. Ang sabi ko, hindi ko alam. Nasa dulong bahagi ako ng room at nasa kabilang dulo naman siya, sa may pinto. Pumasok siya sa loob at sinabing hihintayin niya na lang daw para kausapin. Nagkibit balikat lang ako at ipinagpatuloy na ang ginagawa.
● Pagkalipas ang ilang minuto, biglang nag-brownout sa studio. Dahil medyo malayo sa akin ang phone kasi nakakabit sa speaker na nasa lapag, hindi ako nakapagbukas ng flashlight. Maski so Jino ay 'di rin nakapag-respond agad sa nangyari. Biglang bumukas ang pinto at nakarinig ako ng maliit na hakbang, halatang maingat. Madilim ang buong paligid pero malinaw kong nakita ang glow in the dark jacket na pagmamay ari ni Mary. Alam kong sa kaniya iyon dahil unique iyon dahil ngz glow in the dark ang disenyong tigre.
● Naglakad siya palapit kay Jino. Hindi ko nakita ang mukha dahil sa kabuuang itim na suot mula ulo hanggang paa. Masyadong mabilis ang pangyayari. Ang alam ko na lang ay ang pag-angat ng kamay at pagkaaninag ko sa matulis na blade ng kutsilyo dahil sa liwanag mula sa bandang kanang kamay. O baka dahi sa mismong likod na bahagi ng glow in the dark jacket, idk. Nagulantang ako nang biglang marinig ang pagsigaw ni Jino. Nakarinig ako ng yabag papalabas pagkatapos. Makalipas ang ilang segundo ay nabuhay na ulit ang kuryente at bumungad sa akin ang duguang si Jino na nakahandusay sa sahig.
● I fainted because of that. I got traumatized for almost a week. Ipinakita ko lang ang footage sa mga pulis at sila na ang nag-imbestiga ng kaso. Si Mary ang itinurong kriminal. Bukod sa wala siyang witness tungkol sa ginagawa niya habang nangyayari ang krimen, napatunayang siya ang kriminal dahil sa ebidensya. Ilang beses niya 'yong itinanggi pero wala siyang abogado kaya wala ring saysay. Besides, malakas ang ebidensya laban sa kaniya. Nakita sa locker niya ang all black outfit kasama ang jacket niya. Tapos ang itinuturong motibo ay ang love interest niya kay Jino.
● That's it. There's no way that I am mistaken about the case. Andoon din naman ang footage kaya madali talagang malaman kung sino ang may salarin. Ewan ko kung aanhin 'yon ni Merilyn dahil wala nang ibang makikita sa footage kahit pa pagbali-baligtarin o paulit-ulit na panoorin.
***
● The footage is hidden in my bear-like flashdrive. In home. Basta sinabi ko na sa kaniya kanina ang mismong taguan. Bahala na siya kung anong gagawin niya roon.
● Not related to the case anymore: Tomorrow is the rehearsal day.
-D. L. Apostol

BINABASA MO ANG
Hey, Mx. 67! (Part 2)
Science FictionA mystery/thriller epistolary. Sequel of Anonymous (1191212518) The search for Anonymous, also known as 1191212518, continues. Secrets unfold, lies revealed, trust tested, and love grows. Date written: 02/15/22 Date published: 02/25/22 - 04/02/22