MAY 05
Merilyn Frias
Thu 07:43
Merilyn
Bibili na ako rito ng pagkain natin sa canteen sa kabilang kanto ah. Wag ka na bibili
Wag ka muna raw magpractice hanggat di pa nakakakain sabi ng mama mo
✓seen 08:0507:54
Merilyn
Anong gusto mong ulam?
Afritada, igado, caldereta, bicol express, monggo, tinola, tortang talong, at ginisang toge ang pagkain nila rito ngayon.
Sagot agad para makapili ako
Walang pila rito pero baka maya maya meron na kaya magreply ka na agad
Uyyy wag ka muna magpractice.
08:04
Merilyn
Nagmemeditate ka ba ngayon? hawakan mo naman phone mo please kahit ngayon lang
08:06
Merilyn
Ano nang gusto mong bilhin?
08:08
Merilyn
Bahala na nga. Wag kang magrereklamo sa bibilhin ko ah. Wala kang karapatan kahit pera pa to ng magulang mo. Tinanong kita pero di ka sumagot eh
08:15
Merilyn
Pauwi na ako. Caldereta, bicol express, at monngo na lang yung binili ko. Bahala ka na mamili kung anong gusto mo. Tagal mo mag seen.
08:17
Merilyn
May nakita akong rainbow belt dito. Gusto mo ba? Andito lang sa malapit sa resthouse
08:18
Merilyn
Bahala ka bibili ako ng sa akin. Di naman pwedeng magsayang ng pera kaya di ako bibili ng extra. Magpabili ka na lang mamaya kung gusto mo rin
✓seen 08:2008:20
Divina Lexi
Malamang hindi. Sino ba namang baliw ang magkakagusto sa baduy na belt. Tsk
Merilyn
Hala siya. Loka candy kasi yung tinutukoy ko.
Rainbow belts candy
Gusto mo ba?
Bilisan mo ang pagsagot. Paalis na si manong. Dito na rin ako sa tapat ng resthouse.
Divina Lexi
Ano ako bata?
Merilyn
Oo o hindi lang ang sagot divina
Atsaka di lang naman bata ang pwedeng mahilig dito.

BINABASA MO ANG
Hey, Mx. 67! (Part 2)
Science FictionA mystery/thriller epistolary. Sequel of Anonymous (1191212518) The search for Anonymous, also known as 1191212518, continues. Secrets unfold, lies revealed, trust tested, and love grows. Date written: 02/15/22 Date published: 02/25/22 - 04/02/22