MAY 29 | 22:40
Walang kwenta lahat, kainis! Na-chat ko na lahat ng potential Mx. 67 pero wala akong makuhang kahit kaunting clue. Nanood na rin ako ng ilang murder films pero pakiramdam ko nasasayang oras ko dahil wala akong kahit anong progreso para mahanap siya.
Dapat kayang hintayin ko na lang ang pagsapit ng contest para malaman? Tutal malapit na rin naman 'yon, wala nang dalawang linggo. Pero paano nga kung totohanin niya ang pagpatay sa akin kapag hindi ako nag-backout? Fvck.
Hindi ko sinama sina Jona at Harvey kasi madalang at wala sila sa resthouse. Si Merilyn naman, ewan ko sa babaeng 'yon. Mukhang hindi naman siya yung tipo ng taong immature na gagawa ng dummy account para lang manakot. Kahit pa ang dami niyang pwedeng motibo para saktan ako. Sa ugali ko pa lang at paraan ng pakikitungo sa kaniya alam kong napipikon na siya.
Maybe it's just a random stranger. O siguro hindi ako marunong makiramdam o kaya walang konekta ang mga tanong ko sa motibo at intensyon nila. Hindi ko na alam. Bahala na. Pero ang dami ko sigurong kasalanan sa kapwa ko kaya ako napaparusahan ng ganito. Pero leche wala pa ring karapatan ang taong iyon para ilagay sa kamay niya ang buhay ko. Kainis talaga!
P. S. Last straw, to tell my parents about this. Baka magsisi ako kapag hindi ko ito sinabi sa kanila.
-D. L. Apostol
***
JUN 07 | 19:50
Update. Hectic ang schedule ng parents ko nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa kanila ang tungkol kay Mx. 67. Pero kinukumusta pa rin nila ako at ang pagsasayaw ko araw-araw. At minsan kapag hindi ako sumasagot sa tawag nila, si Merilyn yung kinakausap nila. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung dapat ko pa sabihin sa kanila dahil hindi na siya nagpaparamdam. Takte siya yata yung kabuteng tinutukoy niya, pasulpot-sulpot.
Mas naging bantay sarado rin ako ni Merilyn nitong mga nakaraang araw dahil sa utos ng mga magulang ko. Hindi tuloy ako makapag-chat kay Harvey. Kainis. Balak kong ibalita sa kaniya ang announcement ni Mutya sa aming lahat kahapon. Magkakaroon daw kami ng rehearsal sa ibang lugar isang araw bago ang mismong contest. Medyo malapit yon sa workplace ni Harvey. Yep, umaasa akong maglalaan siya ng kahit kaunting oras para pumunta at manood sa akin. Kahit hindi sa mismong performance basta makita ko siya. Kahit pa mukhang wala siyang pakialam sa akin. What a fvcking masochist.
-Divina Lexi

BINABASA MO ANG
Hey, Mx. 67! (Part 2)
Science FictionA mystery/thriller epistolary. Sequel of Anonymous (1191212518) The search for Anonymous, also known as 1191212518, continues. Secrets unfold, lies revealed, trust tested, and love grows. Date written: 02/15/22 Date published: 02/25/22 - 04/02/22