DIVINA LEXI
"Vina/ Lider!" rinig kong sigaw ng members ko. Ilang segundo bago nag-sink in sa akin ang nangyari. Narinig ko ang bulungan ng mga tao at ang pag-usog ng ilang mga monobloc chair.
Pagmulat ko, bumungad sa paningin ko si Richan na nakatingin sa akin. Medyo malapit ang distansya namin dahil halos nakayakap pa siya sa akin. Naunang bumagsak ang kaliwang braso ko sa sahig pero hindi ako gaanong nakaramdam ng impact, lalo na sa ulo. Saka ko lang natantong nakadantay pala ang ulo ko sa kanang braso ni Richan.
"Ayos ka lang?" tanong niya at mabagal na binawi ang braso niya. Humiwalay siya sa akin at naunang tumayo bago ilahad ang kamay. I was starstrucked by him. Parang sasabog ang puso ko sa halu-halong emosyon at hindi ako makasagot sa simpleng tanong niya.
Umupo ako ang hinawakan ang dibdib. Kinapos ako ng hininga at nanginig ang katawan ko nang makaramdam ng kaba. Nilingon ko ang stage at nakita ko ang isa sa mga spotlight na bumagsak at nabasag. Kung hindi ako tinulak ni Richan, malamang sumakto iyon sa akin.
Aksidente lang ba 'yon? O merong may pakana sa nangyari?
"Vina, ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Zena kaya napalingon ako sa paligid. Nakita ko sila nina Allan at Cesar na patakbong lumapit sa akin. Sumunod sina Iris at Dante sa kanila at pinalibutan ako. Bago ko pa mapansin, nakaalis na si Richan sa pwesto namin.
Kinagat ko ang labi ko at wala sa wisyong tumango habang naghahabol ng hiningay.
"Manong!" pagtawag ni Mutya sa isa sa mga staff. Mabilis pa sa alas-kwatrong may lumapit sa kaniyang isang lalaking nasa mid-40 ay nakasuot ng asul na uniporme.
"Ma,am."
"Asan yung maintenance?" malakas na tanong ni Mutya at hinilot ang sentido gamit ang kaliwang kamay. May hawak siyang phone sa kanang kamay.
"Tatawagin ko po," tarantang sagot nito at naglakad paalis sa function hall. Sumulyap sa akin si Mutya at binigyan ako ng apologetic loook bago ito sundan.
"Tara, upo muna tayo." Hinawakan ako ni Zena sa kanang braso at inalalayang tumayo. Samantalang binawakan ni Cesar ang kaliwang braso ko at inalalayan din. Umupo muna kaming anim sa bandang likod ng mga special guest.
Wala pang ilang minuto, bumalik sa hall si Mutya dala ang isang basong tubig. May kasama siyang dalawang lalaki. Ang isa ay nakasuot ng itim at parang maintenance at ang isa pa ay may hawak na walis at dustpan.
"Umuwi muna kayo at magpahinga at kami na ang bahala rito. Hindi na natin itutuloy ang rehearsal dahil delikado at baka may magmulfunction na namang gamit. Pasensya na sa abala," puno ng sinseridad na sambit ni Mutya at itinuro ang pinto palabas.
Isa-isang nagsialisan ang mga tao hanggang sa halos kaming anim na lang ang matira sa loob kasama si Mutya. Lumapit siya sa amin at inabot ang baso ng tubig.
"Uminom ka muna. Pasensya talaga sa nangyari."
"Anong nangyari?" tanong ni Dante.
"'Di ko pa rin alam pero hindi yata na-check ng staff namin kung maayos ang lagay ng mga ilaw at gamit. Medyo matagal na rin kasi buhat noong may huling nagrenta rito." Bunaling sa amin si Mutya at tinapik-tapik ang likod ko. "Sige na, umuwi muna kayo. Ipapahatid ko na lang kayo kay Kuya Bert gamit ang van. Ako na ang bahalang tumingin sa nangyari. I-u-update ko na lang kayo pagkatapos.
●●●
"Asan na sila?" bungad kong tanong paggising ko. Nasa kwarto ako ng resthouse ngayon at kakagaling ko lang sa pagtulog. Sabi ko kanina iidlip lang ako pero ngayon parang galing ako sa malalim na pagtulog.

BINABASA MO ANG
Hey, Mx. 67! (Part 2)
Science FictionA mystery/thriller epistolary. Sequel of Anonymous (1191212518) The search for Anonymous, also known as 1191212518, continues. Secrets unfold, lies revealed, trust tested, and love grows. Date written: 02/15/22 Date published: 02/25/22 - 04/02/22