抖阴社区

031// Journal

12 2 22
                                    

MAY 09 | 23:22

So I made an importan decision today, as in. It is soooo important for me. Pinag-isipan kong mabuti yung sinabi sa akin ni Allan kaninang tanghali. Yung tungkol pag-alam sa katotohanan kahit masakit. Napagpasyahan kong sundin ang sinabi niya. Being backstabbed is really my weakness. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko 'yon i-ha-handle. Buti sana kung hindi ko kilala yung nam-ba-bash sa akin. Pero kung kilala ko,... ewan ko. Hindi ko ma-imagine kahit na alam kong minsan o madalas naiinis sa akin ang mga kakilala ko at mga malalapit sa akin.

Ayun nga, I decided to message my friends and all potential BSF (bashers) that I can think of. Magkakaiba ang sinabi ko sa kanilang lahat at puro peke. Pero sinabi ko ring marami akong sinabihan kahit hindi naman talaga kasi bawat tao ay magkakaiba ang sinasabi ko. Ang naisip ko kasi, kung may lalabas na isyu tungkol sa akin bukas o sa makalawa, ibig sabihin ay 'yon yung BSF.

Una kong pinadalhan ng mensahe ay si Allan. Sinabi ko sa kaniyang may gusto ako kay Cesar at binabali ko na ang rule namin. He reacted to it. Hindi ko lang alam kung kakalat 'yon sa social media.

So, here's the list:

Zenaida- Sinabi ko sa kaniya na may gusto rin ako kay Richan. Gusto ko naman siya, pero bilang idolo lang. Pero ang sinabi ko kay Zena ay crush na crush ko talaga siya. Nagulat siya at nagtanong kung paano pero mema lang ang sinagot ko. Pabiro pa siyang nagsabi na may "karibal" na raw siya pero sa huli ay sinabi niyang hindi naman sa kaniya si Richan kaya ayos lang. Kaya 'yon ang sinabi ko sa kaniya ay dahil kung basher siya, pwedeng kumalat ang isyu at masabing ahas akong kaibigan.

Cesar- Sinabi kong ayoko nang ibalik si Kath sa grupo (dahil alam kong nag-uusap pa rin sila). Sinabi ko ring mag-duo dance kami ay hayaan na ang grupo. Kung siya man ang basher at ma-i-post sa fb page, baka sabihin nilang masama ang ugali ko.

Iris- I degraded her as a dancer. Syempre hindi 'yon totoo pero hindi niya alam kaya nasaktan siya. Maski ako ayokong sabihin 'yon pero no choice pa ako. Lilinawin ko na lang siguro sa kaniya bukas kung sakaling malaman ko na kung sino si BSF (kung hindi man siya 'yon)., katulad kay Jona na nilinaw ko lang din ang dahilan ng pang-aaway ko pagkatapos ng isyu.

Hindi ako nag-message kay Dante dahil wala akong masabi. At kung meron man, baka seryosohin niya ang sasabihin ko kaya baka hindi ko mabawi kapag nagkataon. Sana lang hindi talaga siya si B. S. F.
Katherine-  Sa totoo lang, isa talaga siya sa pinaghihinalaan ko dahil sa mga sinasabi niya sa iba naming kaibigan. Noong pumunta rin ako sa tea shop, kasama si Jona, alam kong nasa paligid lang siya no'n. Kaya nga ako pumunta sa may plaza dahil gusto kong makasigurado kung siya ang basher o hindi. Nagka-issue kami ni Jona no'n at kasama si BSF sa mga nag-post. 'Di ko alam kung nakita talaga ni BSF ang pangyayari o fake news lang tulad ng ipinapakalat niya nitong mga nakaraang ito. Not sure, though.

Anyways, pagkatapos ng huli naming pag-uusap ni Kath na hindi ganoon kaganda, nag-chat ulit ako sa kaniya at nakipag-ayos. Sinabi niya sa aking wala na raw siyang balak sumali sa grupo at mag-fo-focus na lang muna sa pansarili. Gusto kong itanong ang tungkol sa flashdrive pero hindi ko na itinuloy dahil baka lalong humaba ang usapan. Sinabi ko na lang sa kaniya na kami talaga ng "fan" kong si Dave at ginagamit ko lang siya dahil si Cesar ang gusto. That's weird pero 'yon ang unang pumasok sa isip kong pwedeng gawing isyu. Nanghingi pa ako kuno ng advice sa kaniya sa kung anong dapat kong gawin. Sinabi ko na nanghingi na rin ako ng advice sa iba para hindi obvious.

Richan- Isinali ko lang siya sa potential BSF para makasigurado. Sinabi ko sa kaniyang binabayaran ko judges ng contest para manalo. Ito yata ang pinakamalalang fake news na sinabi ko. Parang itinapon ko ang lahat ng pinaghirapan ko dahil sa sinabi ko.  Nag-seen siya pero hindi nag-reply. Ewan ko lang kung naniniwala siya (pero 'wag naman sana). Pero titingnan ko bukas kung may mag-post na related sa sinabi ko sa kaniya.

Si Dave naman, I unblocked him for now. Sasabihin ko sanang gusto kong makipagrelasyon nang patago sa kaniya kaso sigurado akong mag-iingay siya, gamit man ang identity na BSF o hindi. Baka mahirapan din akong bawiin ang sinabi ko kapag nagkataon dahil pinapakinggan niya lang ang gusto niyang marinig. Kaya ang sinabi ko na lang sa kaniya na kung magkakajowa ako, ayoko ng "love" na endearment. Ang gusto ko ay "darling". I fvckin' cringe pero hinayaan ko. At takte, wala pang isang minuto na sinabi ko 'yon ay 'yon na agad ang tawag niya sa'kin. Ang sarap i-block, kainis! Malaman ko lang talaga kung sino yung BSF, i-bo-block ko na rin siya wala pa mang isang minuto.

Merilyn- sinabi ko sa kaniyang sinungaling akong tao at maraming itinatago kaya 'wag niya akong pagkatiwalaan (kahit malinaw pa sa sikat ng araw na wala talaga siyang tiwala sa akin). Inintriga niya na naman tuloy ako tungkol sa kaso ni Mary. Ayaw pa tumigil hanggang ngayon kahit tapos na ang kaso. Hangga't maaari nga ay ayoko na 'yong balikan dahil naaalala ko ang nasaksihan at medyo naaninag kong pagsaksak kay Jino kahit madilim ang lugar. Fck, it gives me creeps all the time. Plus, mas natakot pa ako dahil baka ganoon din ang mangyari sa akin kapag tinotoo ni Anonymous ang balak niya. Malaman ko lang kung sino si BSF, baka maglakas-loob na rin akong alamin kung sino siya bago mahuli ang lahat.

Harvey- Wala akong sinabi sa kaniya. Nag-send lang ako ng sexy pic ko galing sa gallery. JOKE. Bukod sa wala akong ganoong klaseng litrato,  matino pa akong tao. 'Di ko gagawin 'yon, maliban na lang kung masyado akong confident sa katawan ko o kasal na kami (kahit imposible). May tiwala ako sa kaniya pero nag-send na rin ako para sure. Sinabi kong gusto ko siyang makita. Potek, gusto kong sapakin ang sarili ko dahil doon. Kung kay Richan na idol ko ay ang taas ng pride ko, sa kaniya naman na gusto ko tapak na tapak na ako.

'Di ako nag-send ng isyu kay Harvey. Bukod sa wala akong mai-send na related sa kaniya, malaki rin ang tiwala ko sa kaniya na hindi siya si BSF. Minsan na nga lang siya mag-reply sa akin, uunahin pa kaya niyang gawan ako ng isyu? Imposible.

Jona- Sinabi ko lang sa kaniya na ayoko talaga sa kanila nina Mutya at iba pang "queens". Sinabi ko ring alam iyon ng mga kaibigan ko kahit hindi talaga dahil hindi naman totoo. Nag-"okay" lang siya sa akin at wala nang ibang sinabi. 'Di ko tuloh alam kung na-offend siya o walang pakialam.

Mutya- Dahil kami ang issue ngayon, sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa naging isyu naming dalawa noon. Nagsumbatan kasi kami noon dahil ginawa kong big deal ang aksidente niyang pagtatapon ng kape sa damit ko. Bad mood ako noon kaya nasigawan ko siya. Tho nagkabati kami in private, hindi pa rin napigilan ang pagkalat ng isyu.

So ayun na nga, sinabi ko kay Mutya na hindi ko pa rin nakalimutan ang nagawa niya noon (na sinabi kong 'ginawa').  Sinabi kong ayoko sa kaniya at ang pangit ng party niya. Sabi niya sa akin, "ayos lang. I understand. Sorry...blah blah." Bigla tuloy akong nahiya sa kaniha. Bawiin ko na lang bukas ang sinabi ko sa kaniya.

Genrick- Pinilit ko lang talagang magsabi ng kahit ano sa kaniya. Hindi kasi kami close kaya hindi ko alam kung saan magsisimula. Pero sa huli, sinabi ko na lang na ayoko ng resthouse na tinutuluyan namin. Mema lang kasi wala talaga akong maisip. Sinabi ko ring hindi lang ako sa kaniya nag-ra-rant para kung sakaling siya si BSF, hindi siya magdadalawang-isip na sabihin ang tungkol doon.

Sila lang yung pinadalhan ko ng mensahe. Gusto ko rin sanang i-message ang pamilya ko kaso naalala kong imposibleng basher ko sila. Ako lang naman yata ang pride nila kasi nag-iisang anak lang ako.

Honestly, I'm a bit thrilled about what will happen next. Gusto na ayaw kong may lumabas na isyu tungkol sa akin bukas. Kapag meron, that only means that my plan worked. Kung wala naman, mahihirapan akong bawiin ang mga sinabi ko and at the same time, baka matuwa ako dahil wala sa mga kakilala ko ang basher.

Kung sakali man,... ano kayang isyu ang lalabas tungkol sa akin?

-D. L. Apostol

Hey, Mx. 67! (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon