抖阴社区

044// Journal

10 3 10
                                    

MAY 12| 21:28

Too much happened in a day. Here's the summary:

● As much as I want to keep (his) "I love you", 'di pwede dahil baka aksidenteng malaman ng magulang ko na nag-uusap pa rin kaming dalawa. 'Di ilegal yon pero nagmukha lang ilegal dahil ayaw ng mga magulang ko sa kaniya. Masamang impluwensya raw siya at hinihila ako pababa sa pag abot ko ng pangarap ko. Noon, hindi ko maintindihan dahil alam ko sa sarili kong kahit papaano ay na-i-inspire akong magsayaw para may maipagmamalaki ako sa kaniya st sa mga magulang ko mismo.

But now,... I am starting to think that he is like what my parents told me before. He is dragging me down.  Kailangan ko pang maghintay ng anim na buwan. Hindi ko alam ang rason niya pero pinili ko siyang pagkatiwalaan. Pumayag akong maghintay. Yes, the crazy thing is it is fine with me as long as he loves me and as long as I can keep him.

That, alone, made me lose my focus today. Hindi ako nakapag-concentrate sa pag-eensayo ko. At nadagdagan pa iyon nang mag-message si mommy sa akin. Her and their dreams for me.

Nakaplano na pala ang buhay ko. Ayos na sana eh, may future na ako. Ang kaso nga lang, puro sa pagsasayaw. Pagkatapos daw ng contest dito, sasali naman sa sa regional contest na nakita ni daddy kanina. The f--?? 'Di manlang hiningi ang consent ko at 'di manlang nagtanong kung gusto ko o hindi.

Nag-open up ako kay mommy tungkol sa pagkanta. May punto siya nung sinabi niyang mahirap palitan ang ginagawa ko kasi wala pa akong gaanong alam sa pagkanta. Pero nainis ako kasi ipinipilit niya naman ang pagsasayaw kasi pro na ako roon. 'Di niya yata alam na wala pa akong saroling desisyon noong bata pa ako kaya ako pumayag sa kagustuhan nila para sa akin. Ang alam ko lang noon ay bibigyan nila ako ng premyo at magiging proud sila sa akin kapag nananalo ako o nag-pa-participate sa mga aktibidad na may kinalaman sa sayaw. Pero ngayong matanda na ako, gusto ko namang gawin ang pagtugtog.

Dahil sa pagiging bad mood ko, ang ending, ginawa ko na naman ang tulad ng ginawa ko noon. Ibinunton ko kay Merilyn ang inis at sama ng loob ko.

● Inaamin kong may kasalanan ulit ako kay Merilyn kanina. Pero sa totoo lang, wala talaga iyon sa plano ko. Noong nag-chat ako sa kaniya, sumagi talaga sa isip kong tumalon sa 5th floor ng resthouse. Nakakapagod na, eh. Naisip kong unahan si Anonymous sa balak niya sa akin.

Pero dahil sa mga replies ni Merilyn, bigla akong nagdalawang isip. Nabahag ang buntot kong tumalon noong binanggit niya kung gaano iyon kataas. Bigla akong nalula kaya umatras ako at hindi na itinuloy ang balak ko. Nagpalipas ako ng oras sa labas para hindi na ulit maisip ang ganoong bagay. Parang may nag-udyok lang sa akin kanina dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Sa ngayon, medyo ayos na ako sa tingin ko. Tomorrow is another day so... let's keep fighting.

-D. L. Apostol

Hey, Mx. 67! (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon