JUN 25 | 15:17
Too much happened these past few weeks. Won't tell it in details but...
• Richan, that fckin' dummy, wasn't able to push through with the contest. Siguro dahil sa sugat niya o sa konsensya o kung ano. Idk if he deserves it or not. Magaling siya sumayaw, oo, pero hindi siya patas maglaro. But to be fair, dalawang beses niya akong niligtas. Niyakap niya ako nang 'di oras pababa ng stage. Lol. At sa sunog, umakyat siya sa bintana kasama sina Cesar at Allan para tulungan ako. Nagsuntukan sila ni Dave sa sa gitna ng mausok na resthouse. Nasugatan siya sa braso dahil may bitbit palang kutsilyo si Dave. Si Allan ang tumulong sa akin lumabas samantalang si Cesar ang tumulong sa kaniya. Sa huli, napilit nilang lumabas din si Dave at saka hinuli.
Takte, kaya pala ang galing mag-obserba ni Richan, galawang salarin pala. Anyway, wala na akong balita sa kaniya.
• I left the group TROPANIM. Yep, I did it a few days ago. Hindi dahil sa takot kay Anonymous (dahil sabi niya dati sasaktan niya ako kapag 'di ako umalis) kundi dahil sa akin mismo. Idk, sa sobrang bilis ng pangyayari ay 'di ko na masundan. Maski ako nabibigla sa ginagawa ako at 'di masyadong nakakapag-isip. I didn't regret it, though. I need some time to think about everything. I think I need space.
• I tested Merilyn again a few days ago. Actually I think that was a perfect opportunity to kill me. Pero sabi ni Manang Ji wala raw siyang dalang kahit anong armas pagkarating sa abandonadong bahay. It's either wala talaga siyang balak na patayin ako o may plano siyang iba. Whaterver, nakipagtulungan na ako sa kaniya para maresolba ang kaso ni Mary. Haven't found something valuable to the case yet.
• About Harvey's case, I had mixed emotions. Masaya ako dahil nagkaroon na ng hustisya sa wakas (hindi kasi naituloy ang pag-iimbestiga noon dahil walang pera ang biktima). Until the end, I still wanted to protect him. Ayoko siyang makitang nahihirapan kahit na alam kong nahihirapan siya dahil sa iba. Paniguradong wala siyang ideya kung gaano ko pinigilan ang sarili kong puntahan at kausapin siya sa police station.
• Nakausap ko na rin kahit papaano ang mga magulang ko. Naniwala na sila sa akin. Pero syempre pinagalitan pa rin nila ako dahil bakit ko raw pinagtakpan ang isang taong posibleng kriminal. Deserve ko. Maski ako natatangahan sa ginawa ko noon para lang masabing loyal ako kay Harvey. Won't do that again.
• Lastly, binisita ko si Dave sa kulungan kanina. Normal pa naman siyang mag-isip pero may mga pagkakataong mukha siyang baliw at kung anu-ano ang sinasabi. He's acting weird.
Pagkarating ko, nandoon din si Zai, fan ko at kapatid ni Dave. I tried my best to smile at her but she didn't smile back. May parte sa aking naiinis pero sinusubukan kong pigilan dahil hindi siya ang nanakit sa akin kundi ang kapatid niya. Noong makita ko silang dalawa, si Anonymous two ang unang pumasok sa isip ko. 'Di ko sila maiwasang paghinalaan. Nagtanong ako tungkol sa studio namin at sinabi nilang dalawa na alam nila kung saan 'yon dahil madalas silang napapadaan doon.
Habang magkausap kami ni Zai, hindi siya gaanong tumitingin at ngumingiti sa akin, malayo sa dati niyang ugali noong nagpakilala siya. Galit kaya siya akin at may balak na maghiganti dahil ipinakulong ko ang kapatid niya? Is she Anonymous two?
• My greatest questions as of now: Kung si Richan si Anonymous, sino naman si Anonymous two at anong pakay niya? At kung hindi nananakit si Richan at empty threats lang ang meron, ganoon din kaya si Anonymous 2?
• Will talk to my parents again. Iyon ang una kong aayusin dahil desidido na ako. Saka ko na pagtutuunan ng pansin yung iba.
-D. L. Apostol

BINABASA MO ANG
Hey, Mx. 67! (Part 2)
Science FictionA mystery/thriller epistolary. Sequel of Anonymous (1191212518) The search for Anonymous, also known as 1191212518, continues. Secrets unfold, lies revealed, trust tested, and love grows. Date written: 02/15/22 Date published: 02/25/22 - 04/02/22