抖阴社区

014// Journal

19 3 14
                                    

MAY 05 | 00:18

Midnight thoughts.

Sa tingin ko kanina yung unang beses na nagkaroon ng kwenta yung sinabi ni Anonymous, also known as Mx. 67. He's a creep but I can't help but to reply to him. Ang dahilan kung bakit nag-re-reply pa rin ako kahit na sandamakmak ang threats niya,... ewan ko rin. Alam kong red flag 'to kasi hindi dapat sumasagot sa potential killer. Kung ibang tao 'to, paniguradong naka-block na o kaya naman ay naisumbong na sa pulis pero ako kasi, hindi ko kaya. O baka ayaw ko lang talaga gawin.

And guess what? I even made an intro for Anonymous. The inner me is hoping that I can change his mind... like Harvey. Yep, lately ko lang na-realize na naaalala ko si Harvey sa kaniya. Siguro kulang din ako sa atensyon kay Harvey kaya nung nag-chat sa akin si Anonymous ay itinuon ko kahit papaano ang atensyon sa kaniya (kahit na pinapatigil ko siyang guluhin ako). Kahit pa alam kong delikado. Kahit pa alam kong masasaktan ko. What a fvckin' masochist.

Sabi nila malakas daw lagi ang intuition ng mga babae. Alam kong delikado 'tong ginagawa ko dahil hindi ko siya kilala at 'di ko alam ang kapabilidad niya pero malaks talaga ang kutob ko na 'di siya nananakit o pumapatay ng tao. Kasi ilang beses niya na akong tinakot pero ni isang beses ay hindi niya pa ako sinasaktan, physically. Mentally lang. O baka naghihintay lang siya ng tamang oras?

At pwede rin sigurong may crab mentality lang siya at gusto niya akong hilahin pababa. That could be the case. Pero dahil 'di ko pa rin talafa siya kilala, 'di ko tuluyang maialis ang takot ko. Takot pa rin ako na baka bigla siyang sumulpot sa harap ko at saktan ako. 

I don't fully trust my friends but I chose to believe his conditions. Sinabi niyang 'di niya itutuloy ang balak niya kapag nalaman ko kung sino siya. O kaya kapag nagback out ako. Ang posible lang mangyari ngayon ay alamin kung sino siya. That's hard, though. Lalo na't puno ng kasinungalingan ang mundo, at kasama na ako roon. Pwedeng magsinungaling ang mga kaibigan o kakilala ko na wala silang ideya kapag nagtanong ako tungkol kay anonymous. Ayoko namang harap-harapang buksan ang tungkol sa topic na iyon dahil baka may makarinig. At mas lalong ayokong mag-breakdown kapag umamin sila na sila nga iyon. I guess that's my weakness.

By the way, I will prolly write everything I know about the two cases here soon. So that whatevers happens to me, at least I'll die clean... or at least close to it. Bahala na kung makabasa.

And one thing...

Zenaida and Allan are out of the list. I'm sure of it. Habang ka-chat ko si Anonymous kanina, nakita kong hindi sila gumagamit ng phone. Silang dalawa na lang ang roommate ko ngayon dahil napagpasyahan ni Iris na lumipat ng room dahil sa takot na madamay kung sakaling totoo raw ang banta sa akin ng nagpadala sa locker room. Yep, ganoon siya ka-matatakutin. Tapos nagkusa si Dante na samahan siya, pati na rin si Cesar para balanse kaming tig-tatlo. Nasa 4th floor ang room nila ngayon dahil walang bakanteng silid sa malapit sa amin.

I'm a bit glad. At least nalaman kong totoo silang kaibigan. O kung hindi man, at least hindi sila ang tao sa likod ni Anonymous. At tungkol naman kay Cesar... hindi ko maiwasang maghinala pagkatapos sabihin ni Allan ang tungkol sa flashdrive. Madali lang naman gawin pero pinili niya pa ring hindi magpaalam sa akin. Mukhang close pa rin sila ni Katherine. Hindi ako tutol doon pero nainis lang ako kasi parang wala silang respeto. Alam kong galit na sa akin si Kath pero hindi naman siguro ganoon kahirap magpatulong kung kailangan talaga. Kaibigan ko pa rin naman siya pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Ngayon, hindi ko pa nakukumpirma kung sina Cesar at Anonymous ay iisa. Sa totoo lang, natatakot akong malaman ang totoo dahil may tiwala rin ako kahit papaano kay Cesar. At hindi pa talaga ako handa.

Ay si Merilyn pa pala roommate namin. Pero 'di ko alam kung siya si Anonymous o hindi dahil nakatalukbong siya ng kumot kagabi at nakatalikod sa gawi ko. Hindi na rin ako nag-abalang alamin ang totoo. Pero kung nagsasabi ng totoo si Anonymous, hindi nga siya si Merilyn. 'Di ko na talaga alam kung ano ang iisipin at paniniwalaan.

Pero paano kaya kung random stranger lang talaga? Paano ko malamaman ang totoo?

-D. L. Apostol

Hey, Mx. 67! (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon