JUN 10
Via Apostol
Fri 21:14
Via Apostol is calling...
(Vina, ano yung nabalitaan ko kay Ms. Largo? Totoo ba 'yun? Nasunog ang resthouse na tinutuluyan niyo?!)
Ma'am Apostol, si Merilyn po ito.
(Lyn, asan kayo? Asan si Vina? Kakausapin ko siya.)
Katabi ko po siya ngayon pero nagpapahinga. Pauwi na po kami d'yan.
(Totoo ba ang nabalitaan ko? Anong nangyari.)
Totoo po. Nasunog ang ilang bahagi ng resthouse, lalo na yung entrance. Pero sa kabila po sila dumaan, sa may bintana.
(Juskopo! Nasaktan ba si Vina? Nasugatan? Sabi ni Ms. Largo siya raw ang nahuli sa loob. Sinasabi ko na nga ba't hindi siya dapat pinayagang tumira pansamantala sa resthouse! Ang kulit talaga ng batang 'yan. Dapat nandito na lang siya sa bahay at nang mas ligtas siya at makakapag-focus pa.
Wala na po kayong dapat ikabahala dahil ayos lang po si Vina. Tinulungan siyang makalabas nina Cesar at Allan... pati rin daw po pala si Richan.
(Sinu-sino ang mga iyon?)
Mga kaibigan niya po. Sorry po kung hindi ko siya nabantayan nang maayos. Pero nahuli na rin po yung may pakana ng sunog.
(Ba't mo ba kasi siya iniwan? Alam mo namang 'yan na lang ang pinagagawa namin sa'yo.)
Inaayos ko po kasi yung mga gamit namin sa sasakyan. Sinabi rin kasi ng mga kaibigan niya na sila ang magbabantay habang natutulog siya. 'Di ko alam na maiiwan siyang mag-isa.
(Iniwan mo siya sa mga kaibigan niya habang natutulog?!)
Opo, ma'am. Sila rin yung tumulong sa kaniyang makalabas nang ligtas. Tsaka, ma'am, pwede mamaya na lang po tayo mag-usap pagkarating namin. Nasa byahe na po kami at nag-go na yung traffic light.
(O siya, sige na. Dito na lang tayo magusap. Ingat kayo sa pag-uwi. Sasabihin ko kay Manang Ji na magluto ng hapunan.)
Kahit 'wag na po. Mag-s-stop over muna po kami sa convenience store para kumain at magpahangin saglit. Uuwi na rin po kami pagkatapos.
(Sige, sige. Ingat kayo.)
Call ended.

BINABASA MO ANG
Hey, Mx. 67! (Part 2)
Science FictionA mystery/thriller epistolary. Sequel of Anonymous (1191212518) The search for Anonymous, also known as 1191212518, continues. Secrets unfold, lies revealed, trust tested, and love grows. Date written: 02/15/22 Date published: 02/25/22 - 04/02/22