AMEERA
Humihikab akong lumabas ng kuwarto. Maaga pa pero bumigat na ang pakiramdam ko dahil sa gamot ko.
"Ano'ng ginagawa mo?" Humikikab akong lumapit kay Alec sa sala.
"Nagd-drawing lang," sabi niyang natatawa.
"Bakit nakakatawa?" Umupo ako sa sofa sa may likuran n'ya at automatic siyang sumandal sa binti ko.
Parang nasusuka na naman ako.
"Wala lang. Para kasi akong bata."
"Patingin nga..." Kinuha ko ang papel na inabot ni Alec sa akin. "Ano 'to?" Iniiba-iba ko ang angle ng papel.
"Upuan."
Nagtatanong na tingin ang binigay ko kay Alec nang tingalain ako nito. Ayan na naman ang pag-ikot ng sikmura ko.
Hindi ako attracted sa kan'ya. Hindi.
"Siyempre mero'n 'yan sa gitna," paliwanag nito.
Huminga ako nang malalim bago isinoli ang papel sa kan'ya. Nagkaka-chest pain na ata ako.
May kinuhang picture si Alec. Isa itong maliit na playpalace.
"Gusto ko 'yan," excited kong sabi. "Gawa ka ng swing na kaya ako, ha?" Excited akong umupo sa tabi n'ya.
"Maganda ba?"
Tumango ako.
"Lalakas ang mall natin dahil d'yan." Nagpatuloy itong mag-drawing.
"Alec, 'yung seryoso... paano ka napunta sa company?" tanong ko.
"Nag-apply nga ako."
"Weh," sabi ko.
"There's a lot more than you see, right?" natatawa nitong sabi.
"Okay..." suko ko.
Nagulat ako nang biglang humarap si Alec sa akin. Dahan-dahan akong umusog palayo.
"Tulungan mo 'ko," sabi nito.
"Saan? Gawa mo na, ah."
"Be like Luke."
"Eh?"
"Kontrabida 'yun. Kontrahin mo 'ko."
"Grabe ka," natatawang comment ko.
"Gagawin nu'n lahat makontra lang ako," sabi niya ulit.
Napangalumbaba ako. "Bakit nga parang mortal kayong magkaaway? Magkakilala ba kayo?" curious kong tanong.
"Hindi ba obvious?" Humarap siya at tumitig sa akin.
"A-ano'ng ginagawa mo?"
"Titigan mo 'kong mabuti," sabi nitong kumagat sa labi at nagpungay ang mata.
Kahit nakaka-palpitate ay natawa ako sa naisip ko.
"Alam mo na?" ngiti nito.
"Bading s'ya at di mo s'ya pinatulan?" hula ko.
"Anak ng— Ikaw..."
"Eeeiiiii!"
Kiniliti niya ako kaya napasandal ako sa sofa.
"Hindi sabi ako namamakla..." hinihingal na sabi ni Alec.
Napatitig ako sa nakangiti nitong mga mata. "Okay, okay... Tama na..." sabi ko habang itinatago ang init ng mukha ko.
Awkward pero hindi ako kumontra nang ipulupot niya ang kamay sa likuran ko para maiupo ako nang maayos.
"What I mean is mas guwapo ako at ayaw n'yang patalo..." rason ni Alec. "Siguro nga bading," bulong n'ya.

BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong (-edited)
RomanceAng magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay...