抖阴社区

10- Is It You

7 2 0
                                    

Sigh.

Higa sa kama.

Tayo.

Silip sa bintana.

Labas sa sala.

Baba ng bahay.

Abang sa gate...

"Makakatikim talaga sa akin 'tong babaeng 'to. Tatamaan din sa akin 'yung Luke na 'yun!" bulong ko sa sarili.

Lingon sa kanan... sa kaliwa... Aaaiiisssh!

Muntik ko nang masipa ang gate nang mapansin kong pababa ng hagdan si Elize.

"Ano'ng ginagawa mo r'yan?" tanong n'ya.

"Wala. Nagpapahangin." Tumingin sa relo ko.

"Inaabangan mo si Ameera?" sabi nito.

"Hindi."

"Tss..." sabi nito paglabas ng gate.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Sa tindahan."

"Gabi na. Ano'ng gagawin mo ro'n?" tanong ko.

"Bibili. Ikaw ba nanghihingi ka lang du'n?" pilosopo nitong sagot.

Sumunod ako sa kaniya nang hindi ito nagpatinag sa akin.

"Pabili ng soda saka po chichiria."

Sumandal ako paharap sa kalsada. Halos nine na ng gabi ay wala pa rin si Ameera.

"Gusto mo?" alok ni Elize sa akin ng chips.

"Ate, boyfriend mo?" tanong ng tindera.

"Inaasahan pa lang n'ya," sagot ni Elize sabay kindat sa akin.

Napailing ako.

Umupo sa bench si Elize. Sakto, baka maabutan namin si Ameera.

"Hindi ka dapat tumatambay kapag gabi na. Delikado," sabi ko.

"Hindi naman kapag mag-isa. Kasama naman kita, so okay lang," sagot nito.

Mayamaya'y niyaya ko na siya. "Tara na." Pansin ko kasing lahat ng dumadaan ay lumilingon kay Elize.

"Tara."

"Good evening, Elize," salubong ng isang mestisong lalaki sa kaniya.

Tumango si Elize at nagpatuloy ng lakad.

"Sandali," harang ng lalaki.

"Richard, huwag kang mangulit. Wala ako sa mood," sabi lang ni Elize.

Ah, ito 'yung manyakis.

"Ito naman, kuwentuhan lang tayo saglit," hirit nito.

"Next time," sabay hawi ni Elize sa kaniya.

Lumapit na ako't nagparamdam.

"Boyfriend mo?" tanong nito.

"Bakit, type mo?" pabalang na sagot ni Elize.

Siraulo 'tong babaeng 'to. Napakatapang.

"S'ya ba 'yung balitang ka live-in mo?"

"Excuse me," sagot lang ni Elize at planong lampasan na s'ya.

"Teka..." harang ulit ng lalaki. Manyakis nga.

I cleared my throat habang lumalapit.

Lumingon ang Richard at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tumawa ako nang nakakaloko. Chura!

"May sasabihin ka ba?" mayabang na sabi nito sa akin.

Lumapit ako sa kaniya. Maangas lang 'to dahil mas matangkad eh.
Umamba ako at nakakatawang napa-atras ito nang nakataas ang kamay.

The Right Kind of Wrong (-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon