"Let's eat!"
Masiglang umupo si Elize sa puwesto n'ya.
"Sino'ng nagluto?" tanong ko.
"Ako," ngisi ni Elize.
Hindi biniyayaan si Elize sa gawaing pangkusina. Maaga kasi siyang nasabak sa pagt-trabaho. Ako naman ay maagang nababad sa pag-aalalaga kay Tatang kaya ako ang nag-aasikaso sa pagkain namin noon pa.
Lumabas si Luke mula sa kuwarto kaya agad akong napayuko.
"Still got headache?" tanong nito sa akin.
Umoo ako para rasunan ang pag-iwas ko sa kaniya. Lumipat ang mata ko sa kapeng lumapag sa harapan ko na dala ni Alec bago umupo sa puwesto n'ya.
Nagsipagsimula silang magsandok.
"Ikaw?" tanong ni Alec.
"Masama pa ang sikmura ko," alibi ko.
Ang totoo ay gutom na ako pero hinihintay ko ang reaction nila bago ako kumain. Pinanood ko ang dalawa kung sino ang unang susubo ng luto ni Elize.
"Cough!" Nauna nang naubo si Alec. Agad itong uminom ng tubig para malunok ang pagkain. Si Luke naman ay agad niluwa ang omelette saka uminom ng juice.
Yumuko ako para itago ang pigil kong tawa saka nagpunta ng kusina. Pagbalik ko ay wala na si Elize.
"Two minutes," sabi ko sa dalawa. "Linisin n'yo 'yang kalat n'yo sa mesa at umayos kayo kay Elize."
****
ELIZE
"Elize..." tawag ni Ameera. "Halika na, kakain na tayo."
"Ayoko, busog ako," maktol ko. Pinunasan ko ang luhang kanina pa nangingilid sa sobrang upset ko.
Nakakainis! Bakit ba di ako matuto-tuto sa pagluluto?
"Halika na, gutom na si Sir Luke. Di raw s'ya kakain hangga't wala ka."
Di raw kakain! S'ya nga ang unang lumuwa ng pagkain eh.
S'ya pa naman ang binigyan ko ng effort ngayong umaga. Kung hindi lang s'ya nabugbog bilang boyfriend ko. Hmp!
"Elize... masamang pinaghihintay ang grasya. Ay siya, sige ka, magagalit si Papa Jesus," pang-uuto sa 'kin ni Ameera.
Gumamit pa ng punto.Napabuntong-hininga ako habang tumatayo.
Isa pa 'tong anghel dela guardia ko, bakit kasi nagpakalasing! Napahiya tuloy ako. Haish!
"Elize..."
"Oo, nar'yan na-" Nahinto ako nang makita ang dalawang unggoy na nakatingin sa direksyon ko.
Tahimik akong umupo sa hapag-kainan.
Nagpakiramdaman kaming lahat bago unang kumilos si Alec na sumandok ng sinangag ko. Napansin kong nakahalo na doon ang Omelette.
Haist. As usual, naretoke na ni Ameera ang pagkain.
Sinulyapan ko si Luke at kumuha ng katiting na pagkain.
"Uhurm..." mula kay Ameera.
Alanganin nitong dinagdagan ang pagkain n'ya sa plato.
Sinilip ko sila habang sumusubo. Alam na ni Alec ang luto ni Ameera kaya nagtaka ako nang umubo ulit ito. Lalo tuloy hindi sumubo si Luke.
Hindi pa rin masarap?!
"Ump!" Tinakpan ni Alec ang bibig na parang masusuka.
Tinikman ko ang pagkain. Tinapunan ko ng matalim na tingin si Alec na biglang ngumiti sa akin.

BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong (-edited)
RomanceAng magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay...