抖阴社区

16- In a Mess!

5 2 0
                                    

AMEERA

Napakamot ako ng ulo dahil iba na naman ang tono ni Elize. Parang hinahamon na naman nito ang mundo. Dire-diretso itong naglakad papunta sa grupo namin na naglalaro ng volleyball.

"Ms. Sin."

Hindi ko napansin ang nakaupong si Sir Luke. Nalampasan ko pala ito.

"Hi Sir, may kailangan po kayo?" Lumapit ako sa kaniya.

"Nakadalaw ka na ba sa inyo?"

"Yes, Sir. Thank you po."

"Look... About last night. I'm sorry-"

"You let them score? Come here!"

"Eeeeeiiii, hahaha!"

Lumingon ako sa sumigaw at tumili.

Si Lyzza. Hinahabol ito ni Alec at kapansin-pansin ang daring na bathing suit nito.

Naabot ni Alec si Lyzza at nadapa sila pareho. Tumatawang umupo si Lyzza at parang humiga sa dibdib ni Alec. Huminto ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon mga oras na ito.

"Ms. Sin, are you okay?"

Nagtagpo ang mata namin ni Alec. At kahit ano'ng sabi ng utak ko na umiwas ng tingin ay di ko nagawa. For a second nawala ang ngiti nito pero mabilis na nagbalik ang hitsura nito na parang hindi ako nakita.

'Yung maganda kong panaginip mula kagabi ay napalitan ng isang masamang bangungot ngayon-ngayon lang.

"Ms. Sin, I said are you okay?"

Hindi. Hindi ako okay.

****

ELIZE

"Ameera..."

Hinatak ko ito sa gilid habang busy ang lahat.

"Bakit?" malamya nitong sagot.

"May nakain bang dikya si Alec habang lumalangoy kayo kanina sa dagat?"

"Wala namang mga dikya sa ganitong lugar," walang gana nitong sagot.

"Eh bakit parang may kati sa buong katawan? Kulang na lang tinta ng pugita ang lumabas sa puwitan ng Lyzza na 'yun," naiirita kong sabi.

"Hindi ko alam. Pabayaan mo s'ya," patay na reaction ni Ameera.

"Let's eat!" tawag ni Peter na naghahain sa long table.

"Let's play some more!" maarteng reklamo ni Lyzza. Mukhang nag-e-enjoy ito sa landing penalty ni Alec tuwing magkakamali s'ya.

"Sure! Let's play!" sigaw ko.

Nagtapon ako ng tingin kay Ameera na sa wakas ay tumingin sa akin, bago ako nagpagpag ng mga kamay. Ipinusod ko ang buhok ko at inayos ang sabrina cover-up ko habang naglalakad papunta sa harap ng net.

"Partner tayo!" Alec suddenly volunteered.

"Ay hindi, Sir Alec. Magkampi kayo si Ms. Lyzza. Mukhang good vibes kayo today, eh," pasaring ko na ikinakunot ng kilay ni Alec.

"Eh, sinong kakampi mo?" tanong n'ya.

"Syempre 'yung katapat mo," sabi ko.

And there he is.

"Sir Luke! Hinahamon ka ni Sir Alec, oh!"

Humarap si Luke mula sa may ihawan kung asan nandoon si Ameera at kausap n'ya.

"No, thanks," tanggi nito.

"Sino puwede? Baka ma-boring lang daw siya kay Boss," tudyo ko.

Tumingin si Luke sa direction ni Alec as Alec dropped a bomb stare at me.

The Right Kind of Wrong (-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon