"Ano? Paano nangyari 'yun?!"
Umiwas ng tingin si Elize sa akin habang nagsasabit ng buhok sa tenga.
Kaninang papasok kami ay napansin ko ang bulletin board. Nakapaskil doon ang list ng mga g-graduate this May. At dahil wala namang tumitingin ay lumapit ako.
Kaya pala inilalayo ako ni Elize ay dahil makikita ko ang pangalan namin doon.
"Ano... Sponsor! May nag-sponsor sa ating para makatapos na," sagot nito.
"Sponsor?" Hindi kasi kapani-paniwala.
"Oo, 'yung company natin. Inalok ako kung gusto na natin maka-graduate na. Tama! 'Yun nga! Para mag-full-time na sa office," ngisi ni Elize na kaduda-duda-duda!
"You mean si Luke sponsor," diretso kong sabi.
Tinitigan ako ni Elize na parang iiyak na.
"Hindi nga?" tanong ko ulit.
"Best, huwag kang magalit. I tried to tell you mula nu'ng araw na magpunta kami rito, promise! Kaya lang di ko alam pa'no sasabihin," natataranta nitong sabi. "Sige nga, kung ikaw ang nasa lugar ko, pa'no mo sasabihin 'yun? Ang hirap kaya."
"Ah, basta. Ano na lang ang iisipin ni Luke?" panic kong sabi. Parang nagkakahangin na yata ang tenga ko.
"Ayaw n'ya nga ipaalam eh," sabi nitong kumakagat sa kuko n'ya.
"Kakausapin ko si Luke," naiinis kong sabi.
Ano naman ang dapat kong sabihin sa kan'ya?
"Bakit n'ya ba kasi..."
"Ameera, don't get it the wrong way. Alam kong nasabi ko 'yun one time while we're talking pero I never told him to do anything like that. Basta that morning ang sabi n'ya samahan ko s'ya and babayaran n'ya ang subjects natin para makaakyat this month. That's all!"
Napatingin ako kay Elize na yumakap sa akin.
"Ano'ng gagawin ko?" tanong ko sa kan'ya.
"Call your parents and announce the good news?" suggest n'ya.
Napabuntong-hininga na lang ako.
***
LUKE
White. Ameera's favorite color.
Naglakad-lakad pa ako sandali. Nasa loob kami ngayon kasama ng ilang head ng department store for inspection.
And right now, nasa ladie's wear kami.
Lumapit ako sa isang mannequin to check the clothing of the dress. Napansin ko ang isang white blouse with silver linings.
I think it's better in gold.
"Elize, what do you think—"
"Excuse me, Sir... Your secretary is not with us," sagot ng isang manager.
Lumingon ako sa kanila. He's right.
"Go ahead, I'll just make a call," utos ko sa kanila.
Mabilis akong nag-dial ng number ng aking mabait at masunuring secretary.
"Hello?"
"Where are you?" I asked in creased forehead.
"Kailangan n'yo ba 'ko Sir? "
"Didn't I tell you to come down here in the dept store? May pag-uusapan pa tayo."
"Puwede po bang mayamaya konti? Tapusin ko lang po itong unang utos n'yo."

BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong (-edited)
RomanceAng magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay...