抖阴社区

24 The Loser

3 2 0
                                    

ELIZE

"This is everything?" Luke said.

Tumingin ako sa paligid. Tinanggal ko ang stage, ang pa-banda, at pinabawasan ko ang bulaklak. Baka ma-allergy pa si Ameera. Nagkalat lang ako ng ilang petals sa white cover ng table.

"Yes, this is everything."

Lumingon ako sa maliit na mesa kung saan nandoon ang food. Pasta, cake, cookies, jelly candies, at fruits.

"Clearly gusto mong magka-diabetes si Ameera or gusto mong itago na lang n'ya habambuhay ang katawan n'ya sa kahihiyan but..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

Parq sa akin kasi ay nasu-sweet-an na rin ako sa kan'ya. Gusto ko lahat ang naisip niyang idea kanina. Kundi lang dahil nakuha niya 'yun sa internet ay uubra sa 'kin 'yung style n'ya.

Then it hit me, too.

Hindi ako si Ameera.

So there's that one most important factor. Kaya kailangan palitan lahat.

"Nakakapagod..." I said. Lumapit ako sa table nila at umupo.

"Napagod ka? I did the lifting," paalala ni Luke na umupo na rin sa tabi ko.

"Tumulong din naman ako, Sir." bawi ko. "Na-text mo na ba siya?" paalala ko.

"Yes, about fifteen minutes ago," he said.

"And?"

"She didn't reply."

"Ako na lang..." sabi ko habang dinudukot ang phone ko.

"Don't! It's a surprise remember?"

I sighed. Malay mo, umubra. Masunurin pa naman si Ameera.

We silently waited another five minutes. Ang awkward.

"Sisilip lang ako," naiinip kong sabi.

"Wait—"

Tumayo na ako agad para di na n'ya makontra.

May sumaging mga hugis sa paningin ko kaya mabilis akong naglakad palabas. Napatigil ako nang makita ko sila. 

Hatak-hatak ni Alec ang kamay ni Ameera na tumatakbo pasunod sa kan'ya. What are they trying to do? 

Tumatakas? Eksena lang sa pelikula?

"What are you doing here?"

"Doing mong mukha mo!" Agad akong humarap kay Luke sa gulat. Hindi ko namalayang sumunod siya. Lumingon ako sa direksyon ng escalator to check the two. Thank God, wala na sila.

  "Is she here yet?" Luke said na sumisilip sa labas.

"Wala pa, Sir. Du'n ka lang sa loob..." tulak ko dito. "Baka may makita ka— I mean huwag kang magpakita."

Kahit nagtataka, nakahinga ako nang maluwag nang makabalik kami sa Hall.

Pero teka... problema ito.

"She's suppose to be here. What's taking her so long?" aburidong sabi ni Luke. "I should just call her."

"Huwag, Sir," awat ko. "Ako na lang."

I tried to dial Ameera's number.

"Well?"

"Out of reach, Sir... Baka walang signal. Luma na kasi phone nu'n, sirain na."

Tumayo ako para kunin ang mga pagkaing inihanda n'ya para kay Ameera.

"What are you doing?" taka nito.

"Preparing your food."

"She's not yet here," he said, reminding me.

The Right Kind of Wrong (-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon