AMEERA
"Are you ready?" bulong ni Luke sa akin.
Puno ng kaba at tension ang kamalayan ko. In-insist ni Luke na kailangan kong ma-experience ito, kasama ang pakiramdam. Hindi niya kasi pinakinggan si Alec na i-present na lang nang sabay ang overall project.
May mangilan-ngilang participants na di ko kilala ang tumitingin sa module nang pumasok kami sa loob.
Nasa kabilang side si Alec at Elize. Napagkasunduan ng kabilang grupo na si Elize na rin ang mag-present sa group nila para daw parehas.
Parehas ba 'yun?
Ngumiti si Elize sa akin at pinalalakas ang loob ko samantalang sigurado akong excited siya ngayon dahil pangarap ni Elize ang mga ganitong pagkakataon.
Iniupo ako ni Luke sa tabi n'ya. Everyone acknowledged his presence, as usual. Ni hindi ko alam kung nakangiti ako nang tumingin si Alec sa akin at nag-okay sign.
"Ms. Sin, focus on what you know. They will listen to you no matter what. I will be there to answer everything else."
Tumango ako. Naa-appreciate ko ang effort ni Luke. Malumanay kasi ito ngayon at considerate.
"Good afternoon, the presentation shall start in a few moment," announce ng spokesperson.
Nagsimula ang meeting sa mga concerns ng mall. Mabilis umandar ang oras.
"Let's go to our marketing and new project issue," the spokesperson said.
Naramdaman ko ang paghawak ni Luke sa akin. Mabuti na lang at nakaalalay siya ngayon dahil baka lumobo ang ulo ko sa hangin.
Patayo na kami nang naunang tumayo si Alec at Elize. Dumaan si Alec sa likuran ko at nag-abot ng inumin sabay bumulong ng, "Drink this now."
Tinanggap ko 'yun at diretsong ininom dahil sa kaba. Nakaramdam ako ng init sa lalamunan and halos maubo.
"What's that?" tanong ni Luke.
Hindi ko inaasahan ang ininom ko kaya di ako nakapagsalita. Gumapang ang init sa sikmura ko paakyat sa aking mukha.
"Good afternoon everybody, my name is Elize Del Valle. I'm here to present to you our group's proposal lead by our Special Project-in-Charge, Mr. Alec De Vera..."
Tahimik akong nakinig kay Elize. Hindi ko maiwasang mapabilib talaga sa best friend ko. Kung paano ito magsalita at makipag-eye-contact. Kung sana ay may lakas ako ng loob na kagaya niya.
Napa-paypay ako sa init ng pakiramdam ko.
Maraming tanong ang bumato kay Elize at boluntaryong tumabi si Alec sa kaniya para tumulong sa pagsagot.
"Commercial is not a new technique," komento ng isang investor.
"Excuse me, Sir," agad na sabat ni Alec. "Are you saying that it's not influential anymore?"
"What Mr. De Vera is implying, Sir, that it may not be new, but is still more effective than any marketing strategy," sabi ni Elize na may ngiti sa labi.
Nag-relax ang hitsura ni Alec dahil ang kasama n'ya ay kasing-confident at bright ni Elize. Biniyayaan din ng charm ang best friend ko para pakinggan at seryosohin. Sakto sa napaka-ikling pasensiya ni Alec para magpaliwanag.
Nagpalakpakan ang lahat habang nagsimulang manginig ang kamay ko. Nagulat na lang ako nang kunin 'yun ni Luke at ikulong. Lumingon ako sa kaniya. Kahit nagulat ay nakaramdam ako ng init at comfort sa pisil niya.
Nandito si Luke. Hindi n'ya ako pababayaan. Hindi niya papayagang di matuloy ang project na ito.

BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong (-edited)
RomanceAng magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay...