抖阴社区

9- Attraction

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi bakla 'yun," sabi ko.

Inirapan ako nito't ngumiwi ang nguso.

"Magdadala ka lang ng tambay sa mall. Mawawala ang class ng lugar at magmumukang palengke," may pagka-arogante kong tono.

"Excuse me, those tambays are our prospect costumers," depensa n'ya.

"How sure are you that they'll be consumers?" buwelta ko.

Naiinis na natawa si Alec. Pikon itong humarap sa akin.

"They'll enjoy the place so eventually, doon na mamimili."

"And if they don't?" kontra ko ulit.

"I will make them," mayabang nitong sabi.

"Yeah? How?" challenge ko.

Kumunot ang noo ni Alec at kahit natatawa ako, ginaya ko pati ang expression ni Luke na laging nakataas ang kilay.

"Hindi bagay sa 'yo," sabi nito.

Napahagikgik ako. "Sabi mo be like Luke? Di mo lang alam ang isasagot eh."

"Ampangit mo," sabi nitong ngumuso.

"Huwag mo kasi laging kinokontra at iniinis si Sir Luke. Kaya tuloy inaasahan mong tututol agad sa 'yo eh," mahinahon kong sabi. "Kung para sa kompanya, siguradong o-oo s'ya."

"Kampi pa," bulong nito.

Nangalumbaba ako at sinilip ang mukha n'yang nakatutok na sa papel.

"Uyy..."

Isinubsob nito ang mukha sa lamesita at tinakpan ang magkabilang pisngi. Ang cute-cute!

"Grabe, nagtampo... Tinutulungan nga kita ah." Lumapit ako sa may tenga niya at hinipan 'yun nang marahan.

"Stop it," sabi nito.

"Aychuuuuu..." lambing ko.

Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin. Halos magdikit ang mga ilong namin!

"Paano nga ba masisigurong magiging paying customers sila?"

Hindi ko naiwasang mahawakan ang sumikip kong dibdib. My god, hindi ako attracted sa kan'ya!

"Parang problem solving lang 'yan sa math." Umaayos ako ng upo habang nagpapakalma ng sariling dilemma.

"Ano ba 'yung unang mathematical question? Don't be shy..." biro ko.

Bumuntong-hininga si Alec saka tinitigan ang papel. "What is asked?"

"Correct. Di ba, paano mo masisigurong maging consumer ang gagamit ng playground na 'yan?" pauna ko. Siyempre 'yun ang madali eh.

Isinulat ko 'yun at saka iniharap sa kaniya

"What are given?" sunod niya. "'Yung playground, supermarket at department store."

Nag-take note ako para maging guide niya. Nakangiti siya sa akin nang tingnan ko siya kaya ako naman ang kumindat.

Idea niya 'to. Nag-a-assist lang ako. Hindi cheating 'yun. Besides, sabi nga niya, we are one group after all.

***

ALEC

"Pahiram ng laptop ha?" sabi ko.

Gumagana ang utak ko and I have to save it bago pa mawala.

Iniwan ko si Ameera'ng nakapangalumbaba habang nagsi-shade sa drawing ko.

Nakita ko ang mga notes sa tabi ng laptop. Nagustuhan ko ang idea niya about value card with a cause.

May puso talaga si Ameera.

The Right Kind of Wrong (-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon