After kong mag-note for her, napansin ko ang ticket na nakadikit sa ulo ng tumbler. Napaisip ako.
Agad akong bumalik kay Ameera. "I have an idea. Every purchase has a corresponding ticket para sa playground. Bibili na sila. Galing, di ba?" Binunggo ko si Ameera.
I expected a moral support pero bumagsak ang ulo n'ya at automatic sinalo ng balikat ko. Sinilip ko ang tulog na mukha nito. Nagpigil ako ng tawa. It's just eight. Her meds are making her sleepy.
Natitigan ko na naman ang cute nitong ilong at labi. Even the shape of her chin looks cute to me.
Napapailing akong nagbukas ng laptop. Bumungad sa akin ang Paraiso Beach Resort.
Ang ganda ng lugar. Nakatayo si Elize na maarteng naka-pose habang nakaupo naman si Ameera at bagong gising na nakangiti. Nasa gilid sila ng arc sa may malalaking bato.
Dito ba naitulak at nalunod si Elize? Kung saan ko s'ya iniligtas at nag-promise na sasagipin ko s'ya palagi once mahanap ko s'ya ulit?
Six years ago, muntik din akong malunod at naalala ko ang pangakong 'yun kaya naging habit ko na ang pagpunta sa iba't-ibang resort.
To find her. And for my mom.
But I don't know what to feel about it, now that I know where it might be.
Nawala ang iniisip ko nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Sinilip ko ang payapang mukha ni Ameera at ayoko s'yang magising sa puwesto n'ya. Inasahan kong magre-react si Elize pero mas nagulat ako sa hitsura nito. Her face is gloomy and her shoulders are down.
"Okay ka lang ba?" tanong ko.
Dire-diretso itong naglakad papasok ng kuwarto at di ako pinansin. Maingat kong isinandal ang ulo ni Ameera sa sofa at tumayo para katukin si Elize.
"Elize, may nangyari ba?"
Hindi ito nagsalita kahit idinikit ko ang tenga ko sa pintuan n'ya, tahimik.
Humanda sa 'kin si Luke bukas!
***
AMEERA
Nagising akong nasa sala. Agad akong napatayo.
"Araaay..." Nahulog sa sahig si Alec na parang galing sa pagkakaupo.
Bakit ako dito sa sofa natulog? Dito rin ba natulog si Alec? Ang aga-aga, nakaka-blush.
Umiling ako't pilit ginising ang sarili.
"Alec, gising, may pasok pa," yugyog ko sa kaniya.
Nagulat ako nang makitang 7a.m. na. May meeting kami ng 9a.m. sa opisina!
Agad akong nag-ayos ng sarili. Natapos na akong maligo at mag-ready ng almusal ay nakahiga pa rin si Alec sa sahig.
Kumatok ako sa kuwarto ni Elize. Hindi ko na ito namalayang umuwi kagabi.
"Elize, gising na..."
"Good morning!" Kaaakyat lang nito galing sa labas at may bitbit na pandesal.
"Nag-jogging ka?" tanong ko.
"Antalino mo," nakangisi nitong sagot saka dumiretso ng kuwarto n'ya.
Lumapit ako ulit kay Alec at kiniliti siya. "Alec, gising na kasi..."
Tumagilid ito nang nakangiti at kinuha ang kamay ko. Muntik pa akong masubsob sa kan'ya.
"Kape..." tinatamad nitong request.
"Luh... parang bata 'to." Hindi ko na napigil matawa.
Lumabas ng kuwarto si Elize at umupo sa hapag-kainan.

BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong (-edited)
RomanceAng magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay...
9- Attraction
Magsimula sa umpisa