- Varsity player. Considered the most skilled person on their basketball team.
- Won several academic competitions, including the city-wide speech and debate tournament and the regional mathematics olympiad
- Named "Most Outstanding Student" by his school for his academic and extracurricular achievements.
- SSG president.
I don't know what's gotten into me, but I decided to do a research about him. Hiya pa talaga, lahatin mo na par.
Nakaka pang baba ah. Ang high eh, parang malabo kong malamangan.
Umirap nalang ako sa hangin at ni-clicked ang back button. Binuksan ko ang facebook app para sana humagap ng chismis, but the first thing that showed up when I scrolled down through my news feed was a post from my school's freedom wall.
Putang ina. Siya na naman?!
Kunti nalang i u-unfollow ko natong page nato. Freedom's wall ba talaga o fan page ng lalaking 'yun?!
Stolen picture ito ni Sylas na naka upo ito sa isang bench. Naka patong ang dalawang kamay sa kanyang hita habang nag seselpon.
I clicked the post.
KOL University Freedom Wall. 3 hours ago • 🌎
SYLAS STORM ELIUNOS APPRECIATION POST! isnt he so perfect? 🥺
and scrolled through the comments.
Ready akong maging bench para sAYO SYLAS ASDFGHJA
PA TAPAK NGA 😭
SANA BENCH NALANG AKO! GIVE ME A CHANCE SYLAS
Kunti palang yan sa mga uhaw na comments na nababasa ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa mga taong 'to. Weirdos.
At sus, di naman pogi ah. Medyo lang. Rate ko siya ng six over ten. Mabait na'ko n'yan ah?
Hindi ako mayaman na academic achiever, pero mabait naman ako. Kindness is a must!
Na pa ngisi ako nang may idea'ng pumasok sa utak ko. Tara, siraan ng reputasyon.
Agad kong pinindot ang shared photo, at pinublic ang default audience. Inang 'yan, ini-imagine ko pa lang mga trip ko sa buhay, natatawa ba ako.
Shinare ko ang post at cinaptionan ng "lol, idol nyo, nag papa-baby lang sakin."
Hindi pa talaga na kontento si tanga, ni-edit ko ang caption. "lol, idol nyo, nag papa-baby lang sakin. lika na bebe, i ki-kiss na kita na may tunog @Sylas Storm Eliunous 🥺💖"
Matapos kong ma share ang post, agad kong pinatay ang aking selpon at tumawa nang malakas habang hinahampas ang kawawa kong unan.
Hindi ako bading, at mas lalong hindi ko siya gusto! Given na naman na yun. Sira na lang talaga ang maniniwala d'yan.
Napa balikwas ako nang biglang mag ring ang phone ko. I hissed when I saw the incoming group video call on my screen.
Sigurado akong tungkol na naman 'to sa kagaguhan ko. Ano? Pupurihin na naman nila 'yung humor ko? Shit, nakakapagod na.
"Ano? Alam ko na, don't worry-"
"Ang kupal mo!"
"Tanga ka ba?"
"'Nong kagaguhan 'to, Leo?"
"You're insane, Leo."
Napabuntong-hininga ako nang may halong inis. Grabe, isa-isang mura talaga? 'Di ba puwedeng sabay-sabayin nalang para mas mabilis ang impact?

BINABASA MO ANG
Strings Of Perfection
Teen Fictionbl This oh-so-not love story started when the laid-back, chaotic "walang magawa sa buhay" sparked a dating rumor with the ever-so-perfect "Mr. Know-It-All" student council president.