Kinasusuklaman ko ang Valentine's Day.
Nakakainis, nakakabanas, nakakairita---lahat na.
Oo na, masaya na kayo. Oo na, bitter na ako. Pero hindi pa rin magbabago ang katotohanan---hindi 'yan panghabangbuhay. Kukupas rin ang tamis niyan.
Mas lalo akong nawala sa mood nang makita ko ang hundreds of anonymous confessions sa bulletin boards.
"Para akong kandila sa buhay mo---unti-unting nauubos, nagbibigay-liwanag, pero sa huli, natutunaw lang."
"Akala ko 'tadhana' tayo, 'yun pala 'trahedya.'"
"Para akong exam sa buhay mo, hindi mo ako sineryoso, tapos ngayon, nagrereklamo ka sa resulta."
"Gusto kitang mahalin, pero parang traffic light ka, kada lalapit ako, bigla kang nagiging pula."
Napangiwi ako. Ang co-corny! Buti na lang wala akong ganito. Baka kung nagkataon, ganyan rin ako ka-cringe. Batak pa naman ako magmahal.
I rolled my eyes and was about to leave when something caught my attention. A section for song dedications.
A smirk formed on my lips as I stepped closer, scanning the sign.
> "Give a song you want to dedicate for that special person, and we'll sing it at exactly 4 PM. You are required to put who it's for, but it's your choice if you want to put who it's from. There are pieces of paper there. 抖阴社区 the form, roll it, and drop it in the vase."
I crossed my arms. So basically, confession pero may background music?
Tumingin ako sa paligid. Walang masyadong tao sa section na 'to. Most were busy gawking at the dramatic, cringey letters sa kabilang side.
My smirk deepened.
I reached for a small piece of paper, twirling the pen between my fingers. Kung may ginagawa kang katangahan, make sure na ikaw mismo ang mag-eenjoy.
And so, with a smug grin, I wrote down a song.
For: Sylas Eliunous
From: Leo Creu LivreunGigil akong tinupi ang papel, rolling it up before dropping it into the vase. Tingnan natin kung may pipili niyan.
Yes, I know there's a possibility na mabubunot 'yan, pero mas malaki pa rin ang posibilidad na hindi. Sa dami ng entries dito? It's practically impossible.
Random draw 'to. Walang may alam kung sino ang nagsulat ng alin. At kung sakali mang hindi mapili? Wala akong talo. Hindi rin ako malulugi.
Oo, gusto ko siya. Pero hindi ko ipipilit.
If fate wants us together, then it'll make it happen. Simple as that.
But if fate disagrees, then that's when I interfere. Anong hindi ipipilit? Ulol, ipipilit natin. Hindi ako papayag na walang kami sa huli. Ngayon na nga lang ako mag ka gusto ng ganito, hahayaan ko pa?
I dusted off my hands, shoving them into my pockets before walking away.
---
"Saan ka galing?" bungad ni Kyan, nakataas na naman ang kilay habang tinitignan ako na parang may ginawa akong kasalanan.
I shrugged, sabay shove ng kamay ko sa bulsa. "Doon lang."

BINABASA MO ANG
Strings Of Perfection
Teen Fictionbl This oh-so-not love story started when the laid-back, chaotic "walang magawa sa buhay" sparked a dating rumor with the ever-so-perfect "Mr. Know-It-All" student council president.