抖阴社区

32

1.7K 75 34
                                    

TW: Mention of Scars, Derogatory Remarks, Emotional Distress

---

Hindi ko na maalala lahat ng nangyari, pero isang bagay ang sigurado ako---sinundo ko si Soul.

At putangina, muntik ko pang sakalin sarili ko sa stress.

Walang hiya kasi ‘tong gagong ‘to, nawala pa! Sinira ba naman ‘yung cellphone niya! Literal na inunahan pa ako sa pang-aasar ng tadhana. I almost lost my mind trying to track him down, pero syempre, hindi ako papayag na hindi siya makuha.

Alam kong gaano kalala ‘yung pinagdadaanan niya sa bahay nila. Kaya the moment I got an opportunity to take him away, I grabbed it without hesitation. Risky? Oo. Pero mas pipiliin kong ipagsapalaran ‘to kaysa magsisi na wala akong ginawa.

At hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa desperadong disguise niya.

From gangsta to hot nerd real quick?! Tangina, nadaya ako ro’n.
Pero kahit magbago pa ng look si gago, I’d recognize him anywhere.

Kaya pagdating ng first day ng Grade 12, hindi ko maitago ‘yung hype ko.
Makikita ko na ulit baby ko.

Nag-uusap naman kami sa phone---text, tawag, video call, all that cheesy shit---pero iba pa rin pag in person.

The moment we arrived at school, hindi ko mapigilan ‘yung ngiti ko. Para akong bata na makikita ‘yung paborito niyang laruan ulit. Napansin ko rin ‘yung expression ni Soul---suspicious. He was looking at me like I was acting weird. Pero kita rin sa kanya ‘yung kaba.

He was nervous. And fuck, I understood why.

Pero bago pa kami makapasok sa building, biglang may commotion sa hallway.

May nagsisigawan. May nagkakagulo.

What the actual fuck---

Si Kyan!  At isang random-ass dude na hindi ko kilala, parehong handang makipagpatayan.

“What the fuck is going on?!” Soul hissed.

I shrugged. "Taena, chismis." I said grabbing Soul’s arm and walking straight near the commotion.

Kilala ko si Kyan. He’s not the type to start a fight without a damn good reason. Kaya kung napunta siya sa ganitong estado---ganito ka-putok ang butsi niya---then someone must've really fucked up.

Kita ko sa gilid ng mata ko na nagkakagulo na ang mga tao, may ibang napaatras, may ibang nagchi-cheer pa sa putanginang away na ‘to.

Soul clicked his tongue, crossing his arms. "This school is so ghetto, Leo. Like, first day pa lang may away na agad? Fuck, I hate noise. Let's go already!"

Mukha siyang hindi impressed, pero kita sa katawan niya ‘yung tension. Yung hindi niya sinasadyang paghigpit ng hawak sa strap ng bag niya. Yung subtle na pag lunok niya ng laway. Alam kong may gusto siyang sabihin, pero hindi niya sinasabi.

Kyan, on the other hand---holy shit.

Literal na sumisigaw ‘yung katawan niya ng galit kahit wala siyang sinasabi. Chest rising and falling too fast. Fists clenched. Eyes burning.

I’ve seen Kyan mad before, pero ibang klase ‘to.

And just when I thought all hell was about to break loose---

A voice sliced through the chaos.

“Kyan.”

Tumahimik.

Lumingon si Kyan, and just like that, parang ibang tao na agad ‘yung kaharap namin.

His face softened. Tension drained from his body. Parang isang salita lang ‘yung kailangan para mawala lahat ng galit niya.

Strings Of Perfection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon