抖阴社区

30

2.2K 111 121
                                    

"Hoy, SyLeo! G na! Nakikipaglaro 'yung Mapanghe Gang!" Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni Aki. Ampota, parang may megaphone sa bibig.

I snorted, brushing off the imaginary dust from my shorts as I stood up. "Anong SyLeo? Saan mo na naman nahagilap 'yan?"

Ngumisi si Aki, parang may itinatagong kalokohan. "Sa school's freedom wall? Gagsti, it was wild there, bro! 'SyLeo lubog' ani pa nila!"

Napapikit ako saglit at huminga ng malalim. "Tangina, wala kayong magawa sa buhay."

Narinig kong may na bulunan sa likod. Lumingon ako at nakita kong nakatalikod si Sylas, pero halatang pigil na pigil 'yung tawa. Pinanliitan ko siya ng mata, at nagkunwari naman siyang busy sa pag-stretch ng braso niya, kahit wala namang laban na mangyayari.

"Uy, tara na nga," singit ni Kyan, umiling habang tinitingnan si Aki na hindi pa rin tapos sa kakatawa. "Nandun na 'yung kabilang team."

Pumwesto na kami sa court----ako, Sylas, at Cielo sa likod, tapos sina Aki, Kyan, Xan, at Prim sa harap.

"Leo, ikaw na mag first serve!" sigaw ni Aki, hawak-hawak ang bola at mukhang ready na makipagbakbakan.

Ngumisi si Kyan. "Maghanda kayo. Batak mag serve ng bola 'yang si Leo. Parang may galit na kinikimkim, ampota.."

"Baka may pinaghuhugutan," singit ni Prim, sabay sulyap kay Sylas.

Nagtaas lang ng kilay si Sylas at nagkunwaring busy sa pag-aayos ng tuhod niya. Ako naman, napailing na lang, kinuha ang bola, at naglakad papunta sa likod ng court.

Bago ko pa ma-serve 'yung bola, naramdaman kong may lumapit sa tabi ko. Sylas.

"Don't miss," bulong niya, mababa ang boses.

Napangisi ako. "Watch and learn, Eliunous..."

"Oh, I'm watching."

Nag-bobounce ang bola sa kamay ko habang pinagmamasdan ang kabilang team. Ramdam ko sa hangin 'yung tension o baka sa utak ko lang dahil sa presensiya ni Sylas sa tabi ko.

I spun the ball around in my hand, making sure I got the perfect grip. Tumingin ako saglit kay Aki na nakapwesto sa harap, mukhang hindi pa rin over sa "SyLeo" moment kanina. Tangina niya talaga.

"Leo, focus," narinig kong sabi ni Kyan, halatang nainip na.

Huminga ako nang malalim, bago nag-bend ng konti at nag-serve ng malakas. Tumama ang bola sa kabilang side, forcing them into a bad receive. Agad akong pumwesto sa likod, eyes locked on the ball.

The rally went on---mabilis, intense, at bawat galaw, may kasamang sigawan galing sa mga kupal. Sylas was sharp, eyes focused, every block and spike precise. Syempre, hindi ako magpapatalo. May isang beses na sabay kaming tumalon para sa bola, halos magka-bunggo kami sa ere. Pagbagsak namin, naramdaman kong dumampi ang braso niya sa akin.

"Watch your landing, Creu." Narinig kong bulong niya, low and teasing.

"Ulol, baka ikaw..." sagot ko, bago tumakbo pabalik sa pwesto.

Nang makakuha kami ng puntos, napasigaw si Aki, tumatalon-talon sa likod. "SyLeo tandem, gago! Hindi pa rin kumukupas!"

"Ulol, AkNeo tandem yata!" sigaw ko at pinakyuhan siya. Neo's face crumpled habang si Aki ay mas lumapad pa ang ngiti. Ganda ng trip sa buhay.

Habang nagpapalit ng pwesto, napansin ko si Cielo. Tahimik pa rin at halos hindi nakikipag-usap. Whenever he was close to any of us aside Sylas, it felt like there was an invisible wall between us. Sa isang rally, nagkasalubong sila ni ano sa pagtakbo sa bola, ampota, pareho ba namang umurong.

Strings Of Perfection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon