抖阴社区

23

2.3K 92 100
                                    

"Ba't ka ganito?"

Napapikit ako nang marinig 'yung boses niya.

Hindi ko alam kung may lagnat pa rin ako o ako lang talaga 'yung mainit, pero the fact na ito 'yung unang beses na kinausap niya ako after one week? Potek.

"Why do you keep on getting yourself hurt just because of your recklessness?"

Medyo paos 'yung boses niya. Hindi ko alam kung dahil pagod siya o may tinatago siyang kung ano. Either way, hindi ako tanga---may bumabagabag sa kanya.

Huminga ako nang malalim, pilit kumakalma kahit hindi ko naman alam kung bakit kailangang gawin. "Ano bang gusto mong marinig, ha?" Mahina kong sagot, hindi magawang lingunin siya. "Sorry?"

Tahimik.

Hindi ko siya nakikita, pero ramdam ko 'yung presensya niya sa tabi ko. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Pag dating naman sakin, lagi siyang may banat, laging may sinasabi. Pero ngayon? Ni isang hininga, wala akong marinig.

Naiinis ako.

Sa kanya.

Sa sarili ko.

Sa pagitan naming dalawa.

Pumikit ulit ako, kahit na parang bumigat lalo ang pakiramdam ko.

Hanggang sa may marinig akong mahina pero malinaw na tunog---ang paglagay niya ng isang mangkok sa lamesa.

"Stop wasting your energy sa mga walang kwentang bagay," mahina niyang saad.

Napangisi ako kahit na ang bigat na ng ulo ko. "Ano ka ba?" Pilit kong iminulat ang isa kong mata. "Doctor?"

"If I were one, matagal na kitang ginamot sa katangahan mo."

"Ang gago."

"Shut up and eat."

And then, Before I could process it all, a hot spoon came close to my lips.

"'Di ako gutom," pilit kong sabi, tinataboy 'yung kutsara. Pero mas mabilis siya, hinawakan niya 'yung braso ko at pinigilan akong lumayo.

"Creu," mas mababa ang tono niya ngayon, pero mas may bigat. "You passed out in class. Kumain ka."

Mas lalo akong nainis.

Na-guilty.

Na kung ano man 'tong nararamdaman ko ngayon.

A week of ignoring each other, tapos ngayon, ganito na naman? Parang normal lang? Parang hindi kami halos magpatayan sa patigasan kung sino ang unang bibigay?

Parang hindi siya galit. Parang hindi ako nasaktan. Kainis.

Muli akong napabuntong-hininga. "Kaya ko nga---"

Sinubukan kong umayos ng upo, pero kingina, biglang umikot ang mundo ko.

Mabilis niya akong sinapo sa balikat bago pa ako tuluyang bumagsak. "Yeah, clearly."

Napatikom ako ng bibig.

Tumingin ako sa hawak niyang kutsara. May bahagyang iritasyon sa mukha niya, pero nasa mata niya 'yung pag-aalalang hindi niya kayang itago.

With a deep sigh, I begrudgingly opened my mouth.

Narinig ko pa talaga ang mahina niyang pag hinga. Parang gusto niyang magkomento pero pinili na lang niya nalang manahimik.

The moment Sylas placed the spoon in my mouth, I knew I fucked up.

Hindi dahil masama 'yung lasa---hindi nga, e. Actually, it tasted warm. Comforting. Parang may effort. Parang... hindi lang basta binili sa labas.

Strings Of Perfection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon