抖阴社区

25

2.1K 83 85
                                    

Katahimikan. Nakaka sakal na katahimikan.

At that moment, I swear all I wanted was to take my words back. But of course, you couldn't just do that, especially kung binatawan mo na.

I was preparing myself for the pain. Alam ko na. That silence says it all.

"Thank you," Mahina at hindi sigurado niyang saad. His voice was full of reluctance. Kingina, nabuhay lang yata 'to para hindi maging sigurado sa lahat, e.

"Thank you for liking me." Patuloy niya pa, as if what he just said wasn't enough to knock the hell out of me.

I know appreciation doesn't equal rejection, but let's be real---yan ang ibang paraan para i-reject ang isang tao without actually doing so. Sugar-coated rejection kumbaga.

"Time's up!" Napa kurap ako nang biglang bimungad ang nakakairitang ngisi ni Scar sa harapan namin. Awit, parang may 30 minutes pa kami kanina ah?

Naramdaman ko ang unti-unting pag tayo ni Sylas. Nanatili ako sa pwesto ko, nakatulala habang pino-proseso ng utak ko ang lahat ng nangyari.

Tumalikod siya at naglakad palayo. No explanations. No glance back. Nothing.

Nanatili akong nakatayo roon, para akong tangang iniwan sa ere. Ganun na lang 'yon? Kingina, ano? Balik nanaman sa hindi pansinan kasi may tangang nahulog?

Bakit nga ba ako umamin? Maling desisyon. Ano, for closure? To get hurt more directly? Ewan. All I know is, I wanted to run after him... perhaps, para makakuha pa ng sagot?

I stayed there, letting the silence swallow me whole. Sa dami ng tumatakbo sa utak ko, one thing stood out: ang bigat. My chest tightened with every passing second after Sylas walked away. Parang mas lalo akong nilulubog ng realidad.

Pucha, Leo... what were you expecting? That maybe, he felt the same? Dahil ba sa mga stolen glances niya noon? O 'yung mga sandaling akala ko may kung anong kami?

Huminga ako nang malalim, pilit binubura sa isip ko 'yung nangyari kanina. Ang bigat ng hakbang ko palabas ng jail booth. Sana tiniklop ko na lang 'tong nararamdaman ko at nilamon.

"Kung ako 'yan, di kita gaganunin."

Agad akong napalingon sa direksyon kung saan nang galing ang boses. Nandoon si Alkeign, naka-sandal sa pader malapit sa exit ng jail booth. Nakangiti siya ngunit may kakaiba sa tingin niya. There's a hint of... pity?

"Ano na naman?" tanong ko, pilit pinapanatiling matigas ang boses.

"Parang talo ka pa na nakita ako ah?" Nakangisi niyang saad.

"Talaga." Tumalikod na ako pero agad ding napa hinto nong nag salita siya ukit.

"Leo." Napa hinto ako. There was a certain tone in his voice that... I didn't expect.

"You know," he said, half-grinning, "you can play stone-faced all you want, but it's still written all over you."

He tilted his head, eyes glinting with something between mischief and concern. "Want a distraction? 'Cause honestly, I can't just stand here watching you walk around like heartbreak decided to pour all over you."

"Oa," irap ko, pero bahagyang napangiti. Konti lang.

"See? Your mood somehow lightened." Kumindat pa siya. "Pero... I can do better."

"Bakit parang ang shady ng pagkakasabi mo?"

"Like this." At bago pa man ako maka react, bigla siyang sumugod at dinukot ang bulsa ko.

"Hoy! Alkeign!" napasigaw ako.

Walang tigil ang pag tawa niya habang hawak ang wallet ko. "Babalik ko 'to... kung mahuli mo 'ko!" At ayun, tumakbo ang kupal.

Strings Of Perfection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon