Bago pa may magprisinta, binitiwan na ni Luke ang hawak na mineral water at naglakad papalapit sa akin.
"Fine."
Yes!
"Miss Elize, are you sure you know how to play?" tanong ni Luke
"There are things I'm not good at, Mr. San Diego, but this is definitely not one of them," I said habang inaayos ko ang bikini ko sa ilalim ng see-thru kong bandana.
Ayokong ma-expose mamaya kapag naglaro na kami. I just made sure na nasilip nila nang konting-konti lang, ang kahapon pa nila gustong pagpi-pyestahan na katawan ko. Gusto ko lang din ipamukha sa pugitang Lhyzza na 'to na di s'ya kagandahan at mas may karapatan akong maglabas ng kung ano mang ibinibilad n'yang parang talipapa.
"Three out of five, before we eat," Alec said. "Do you really play?" hamon nito sa akin.
"Do you?" I teased back and he smirk.
Medyo lumapit ako kay Sir Luke saka bumulong.
"If you really hate this guy, Sir, please, follow my lead."
Tinaasan lang ako ng kilay ni Luke. I never saw him play mula pa kanina. I'm not sure kung marunong s'ya.
"Can we bet?" tanong ko sa kakampi ko.
"Excuse me?"
"Can we bet?" ulit ko.
"Whatever," masungit na sagot nito. "Make it quick. My skin's getting burned."
Aba... Eh di, wow.
"Sabi ni Sir ang matalo, magliligpit ng pinagkainan," parang bata kong sabi.
Tumawa nang malakas si Alec na sinundan ng high five ni Lyzza. Lalo akong nairita.
"Sure, sige. You get to serve first," mayabang na patol ni Alec.
I wanted to smirk at him pero hindi ako nagsayang ng oras at agad nag-spike ng bola. Malakas ko 'yung pinabulusok kay Ursula sa kabilang net. I was targeting her face pero dahil walang warm up ay sa ulo lang ito tumama. But it's okay since she stumbled down.
"Aw!"
"Lyzza!" Alec yelped, attending to her.
"Oops... did it hurt?" I asked as we ran closer to them.
"Seriously? " Alec reacted to me.
"What? Di ko sadya. But it's a score right?" I kinda awkwardly confirmed.
Tumingin ako kay Luke. Nakapamewang lang ito at tumango. Mukhang di rin apektado sa nangyari sa kalaban.
"One-zero," Luke plainly said. "Can you still play, Miss...?" Nag-alangan itong magsalita.
Either hindi s'ya sanay maging concern or hindi n'ya alam ang apelyido ni Lyzza. Kakaiba!
"Mr. De Vera can do all the penalty since you're injured, you know," tuloy nito.
I bit my lip habang tumatalikod para di matawa. Ang sama ko ba?
Tumayo na si Alec at inalalayan si Lyzza. Tiningnan ako nito nang masama habang pumupwesto. Lalo akong nahamon.
Still, it's us who get to serve. Pinasa ko kay Luke ang bola.
"Hit him hard," pasimple kong sabi.
Tinapunan lang ako nito ng tingin pero hindi nawala ang talim ng glare nito at tumutok kay Alec.
And just as I expected, or let's say, I wished, pabulusok din ang pagtira nito na sa sobrang bilis ay tumama nang malakas sa may leeg ni Alec imbes sa braso nito dahil nauna itong tumalon kaysa sa pagdating ng bola. Tumalsik ulit patagilid ang bola.

BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong (-edited)
RomanceAng magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay...
16- In a Mess!
Magsimula sa umpisa