Hindi naman si Luke ang nakatama sa kaniya. I'm still a girl. I don't hit to kill, alright? Though medyo nakukunsensya ako dahil naibuhos ko yata ang inis ko sa bahay sa palo ng mga bola kanina kaya halos magtumbling ito sa buhanginan.
Pero at least di na siya makapag-inarte ngayon. And didn't she asked for the game?
Okay, fine! Sorry! Haist...
Nakunsensiya rin ako kahit papaano. Sana di magmarka permanently. A week will be worth it.
"After this, everyone can have your free time. Let's all meet at seven here for bonfire and dinner," instruction ni Sir Luke.
Marahil ay ayaw nito ng ingay o maistorbo dahil lasing din s'ya kagabi. But in fairness sa mga palo n'ya kanina...
He looks like a pro. Parang ako.
Rhyme, di ba?
Kahit lasing kagabi ay nauna itong nagising kanina. Nakita ko na lang s'yang nagja-jogging. Like he said, the first thing he does in the morning is to work out.
My kind of guy.
"Ameera, are you not feeling well?" tanong ni Sir Luke.
Napalingon ako kay Ameera. Halos di pa nga nito nagagalaw ang pagkain n'ya.
"Okay lang po ako, Sir," matamlay nitong sagot.
Nagulat ako nang hawakan ni Sir Luke ang noo ni Ameera.
Are they really that close? Haist!
"May gamot ako sa bag. Let's go get it."
Nahihiyang umiwas si Ameera sa hawak ni Luke.
Nakakainis! Sarap pitikin ang kamay.
"Di na, Sir. Masakit lang po ang ulo ko. Excuse me." Tumayo si Ameera sabay paalam na pupunta lang s'ya ng hotel para puntahan si Mamang.
Nagtataka akong sinundan s'ya ng tingin. Something is unusual... familiar ang ganitong reactions ni Ameera.
Nagulat ako nang magtagpo ang mata namin ni Luke na ngayon ay katabi ko na. Nakatingin kasi ito sa akin.
"Aren't you gonna follow your friend?"
"No, Sir," I said immediately.
Tumaas ang kilay nito na parang di makapaniwala sa sagot ko.
"Trust me, Sir. Umalis s'ya dahil gusto n'ya mag-isa," I confidently said.
Sumulyap ako kay Alec na yumuko lang after tumingin sa direction ni Ameera at umiwas sa tingin ko.
"Sir Alec, dito pa, oh, may dumi," turo ko habang papalayo sa mesang niligpit nito mag-isa dahil sa penalty n'ya.
Lumabas ang pangil nito at parang gusto akong sakmalin. Wala kasing tumulong sa kaniya dahil sabi ni Sir Luke...
"What's the use of his penalty? He'll take care of that."
"What a mess... Fighting!" pang- asar ko bago umalis.
Nagmuwestra ito na parang babatuhin ako ng basahan kaya umatras na ako. Nagbelat pa ako habang papalayo, hahahaha!
Mabilis akong naglakad papunta sa direction ni Sir Luke. I made sure na may distansya akong naka-set sa pagitan namin. Makita man n'ya ako ay di n'ya iisiping sinusundan ko s'ya.
Biglang lumingon si Luke kaya mabilis akong nagtago sa puno.
Saan ba s'ya pupunta?

BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong (-edited)
RomanceAng magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay...
16- In a Mess!
Magsimula sa umpisa