Wala na nga akong ina, mawawalan pa ako ng ama kung sakali.
Bumuntong hininga ako at pa simpleng tinakpan ang ilong gamit ang aking palad.
Lord, please lang, I am not your strongest soldier.
Bored out of my mind, I decided to scan the room. And of course, my eyes automatically went in the direction of class Stem's. As if on autopilot, I started searching for Sylas.
I rolled my eyes and couldn't help grinning. Bigla akong na motivate makinig ah. Concentrate na concentrate ba naman habang nakikinig. Parang nilalanghap niya na lahat ng detalye na lumalabas sa bibig ni Miss principal. Amputa, basic rules at regulations lang naman sa school. Goody two-shoes, indeed.
Wala sa sarili akong napa lingon sa harapan. Fine, I'll try to listen.
Nasa uniform rules na si Miss Principal. Like last year, pipili siya ng dalawang students para gawing example kung pano ang tamang pag suot ng uniform.
Kung sa KOF University ka nag-aaral, you would know that being picked here is considered the greatest compliment. Dahil iyon ay tanda na malinis ka at maayos ka tignan. And let's face it, there's nothing more satisfying than being called neat and proper while wearing a uniform, 'di ba?
I wet my lips as I confidently scanned my uniform. May kunting kusot lang akong nakita, pero hindi naman yata to halata sa malayo 'di ba?
I looked up, confident smile was plastered on my face, readying myself to be called.
"Sylas, lika dito hijo..."
Napangiwi ako.
Putcha, Miss--- I think there's an error. Di 'yan ang pangalan ko eh.
I couldn't help but pout as I sourly evaluated Sylas' figure from the moment he stood up, that annoying smile still on his face.
He looked like he had just stepped out of a magazine in his perfectly pressed uniform, his hair trimmed to perfection. Even from afar, I could see his moist, pink lips and how they stood out against his olive skin tone. And that simple silver necklace he was wearing? It was accentuated by the small red gem in the middle, adding a touch of playfulness to his otherwise serious demeanor.
Amputa, fan 'to ng black clover. Halata.
A sharp scoff escaped my lips. "'yung kapogian niya, hindi man lang lumampas sa kapogian ko." Deadma to those people who says otherwise.
Pero puta, parang medyo napa lakas ka yata, Leo. Ramdam ko ang pag tingin ng ilang estudyante sa direksyon ko. Miss Principal, who was happily smiling kanina, bigla nalang umusok ang ilong nito sa galit.
"Sino 'yun?!"
Agad akong nag tago sa likod ng estudyanteng kumakain ng Mang Juan kanina. Puta, parang kinakabahan ako ng slight.
Medyo na kampante ako nang walang sumagot. Bumuntong hininga ako. Pero, bago pa man ako maka pag diwang, bigla na lang nag taas ng kamay si Miss Mang Juan.
Awtomatik akong napa tikip sa ilong. Confirmed! Hindi sa Mang Juan galing 'yung asim!
"Yes, hija?"
"Si Leo Livreun po 'yung nag sabi!" Sumbong ni Miss putok.
Yung kaninang galit na mukha ni Miss Principal, mas na galit pa nang makita ako.
"Mr. Livreun! Halika rito!"
Sari-sari ang reaksyon ng ibang estudyante, may na tatawa, meron ring na e-excite.
Kapag talaga may small interaction na nagaganap sa pagitan namin ni Sylas, parang mga ulol 'yung mga tao sa paligid namin. Parang nanonood lang pelikula e, tutok na tutok. May kasama pang tili 'yan minsan. Gago, pinanindigan talaga 'yung sinabi ko.

BINABASA MO ANG
Strings Of Perfection
Teen Fictionbl This oh-so-not love story started when the laid-back, chaotic "walang magawa sa buhay" sparked a dating rumor with the ever-so-perfect "Mr. Know-It-All" student council president.