抖阴社区

                                    

🎵This is not your ordinary, no ordinary love... I was not prepared enough, to fall so deep in love...

Napatingin ako nang tumunog ang bago kong ringtone. Ito 'yung kantang tumutugtog sa backstage nang maging kami ni Alec. Ito na ngayon ang kantang laging naririnig ng tenga ko.

Lumitaw ang picture ni Alec.

Hinayaan ko lang itong mag-ring. Hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman akong pagkailang ngayon sa pagitan naming dalawa.

"Ang mawala ka. 'Yung lang ang puwede kong maging dahilan para di ako magsabi ng totoo."

Kumirot ang ulo ko na tumingin sa labas habang naalala ang sinabing 'yun ni Alec.

****

ELIZE

"Nandito kami sa 4th floor. Oo, malapit sa nurse's station."

Pumasok na ako sa kuwarto ni Luke after ibulsa ang telepono at nag-ayos ng mga gamit.

"What are you doing?"

"Gising ka pala. Uuwi na ako," I said as I walk towards him.

Inilagay ko ang kamay ko sa noo n'ya to check kung may lagnat pa rin s'ya.

I don't understand kung bakit hanggang ngayon ay nilalagnat pa rin s'ya. Clear naman lahat ng laboratory results n'ya. Walang infection.

"Are you gonna leave me now? Pagod ka na ba?" he said weakly.

Kagabi pa.

"Hindi naman kita basta iiwan, Sir. May papalit lang sa 'kin. Mas magaling mag-alaga 'yun," I said casually.

"Ang sabihin mo, ayaw mo na talaga." Humarap ang mukha nito sa may bintana palayo sa direksyon ko. "It's alright. Sanay naman akong nag-iisa."

"Auwtssuuu... Nagdrama pa," di ko napigilang biro. "Sige na, huwag maarte. Iidlip lang din ako, Sir, para mabalikan kita agad."

Tumalikod ako pero hinawakan ako ni Luke at pinigilan.

"Can't you sleep in the couch? Malapad at malambot naman du'n. May AC. Hindi rin naman ako maingay," masungit na sabi nito.

"Na-miss ko 'yan," smile ko. "Sir, may magbabantay naman sa 'yo, eh," ulit ko.

"Sino ba? Pauuwiin ko lang 'yun," nakakunot-noong sabi nito.

"Weh..." dare ko.

Alam ko namang once na makita n'ya si Ameera ay mao-occupy na s'ya at di na n'ya ako kakailanganin.

Binawi ko na ulit ang braso ko pero hindi n'ya ito binitiwan.

"Talaga bang pagod ka na?" ulit n'ya.

"Hm, okay lang naman pero... S'yempre kagabi pa 'ko gising. Umuwi lang ako saglit para maligo tapos pagbalik ko antaas-taas pa rin ng lagnat mo," reason out ko. "Na-stress ang ganda ko," biro ko.

"Can't you really sleep on the couch?"

Ano ba'ng problema nya't ayaw n'ya 'ko pauwiin? Naaliw na yata sa pagb-beybi ko sa kan'ya. Sinabi ko lang na bati na kami eh, abusado much.

"Fine. Go home," suko n'ya.

Gumilid na ito patalikod ng tuluyan sa akin at parang natulog na ulit.

"Nagtatampo ba ang boss baby? Grabe 'yan..." sabi ko sabay kiliti sa tagiliran nito.

"Tsk!"

I saw him twitch and bury his face on the pillow. Natawa ako.

"Awtsuu, awtsuuu... Babalik din agad ang yaya ganda..." lambing ko dito habang kinikiliti ang tenga n'ya.

The Right Kind of Wrong (-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon