抖阴社区

                                    

"Elize, stop it!" warning nito kahit inilalaban ang kamay nang hindi tumitingin sa akin.

Kiniliti ko ito sa kilikili at napakisay s'ya. Sinalo nito ang kamay ko. Lalo akong naaliw.

Kikilitiin ko pa sana s'ya ulit nang mapatingin ako sa pinto. Nandoon si Ameera at tahimik kaming pinapanood.

"Stay here. I don't need anyone else-" Humarap si Luke at agad napatigil.

"Ameera, you're here." Tumingin ito sa 'kin at parang pinagagalitan ako na di ko s'ya sinabihan.

"Hi," nahihiyang kaway ni Meng nang di kumikilos sa puwesto n'ya.

"Pa'no, Sir? Uwi na 'ko? Meng, ikaw na bahala sa pasyente," ngiti ko kay Ameera.

Palayo na ako nang pigilan ako ulit ni Luke.

"Si Ameera naman ang nandito. Why can't you stay?"

Huwaaah... Is he really making me stay?

"Oo nga, Elize. Bakit di ka na lang muna dito magpahinga? Baka sa byahe ka pa mahilo. Hindi naman ako magtatagal. Launching ngayon ng playplace, di ba? Kailangan kami ru'n," nakangiting lapit ni Ameera sa amin. "Kukumustahin lang naman kita. Kayo," sabi nito kay Luke.

Humarap sa 'kin si Luke after ngumiti kay Ameera.

"Sige na nga. Magpapahinga lang ako du'n sa couch," naiilang kong sabi.

"Ano ba'ng nangyari sa 'yo?" dinig kong tanong ni Ameera. "Kumain na ba kayo?"

"Tapos na. Thank you for coming over. Is everybody talking about me?" Luke answered.

'Yun lang at busy na sila. Si Luke na parang may taning na kung magdrama sa akin kanina ay normal nang kausap ngayon.

Hay naku.

Itinabi ko ang gamit sa paanan at humiga ako ng patalikod.

"Elize, close the curtains. Para makatulog ka," Luke said.

"Okay lang ako, Sir. Huwag mo 'kong intindihin," I said tapos niyakap ko na ang sarili.

I focused on sleeping. Inaantok na 'ko. Inaantok na akooooo!

"Oh, saan ka pupunta?" I heard Ameera said softly.

Magtataka pa lang ako sa sinabi nito nang biglang umangat ang ulo ko at nasaksakan ng unan sa ilalim. Napadilat ako.

Sinalubong ni Luke ang tingin ko sabay tayo nito at isinara ang makapal na kurtina ng bintana. Nawala ang sinag ng araw.

"Eh ikaw, Sir? Thank you," sabi ko na lang.

Humiga ulit ako at inayos ang ulo sa unan. Amoy Luke pa ito. Hmmmp... Ang bango kahit walang ligo.

Bakit n'ya ibinigay ang unan sa akin?

Oh, Elize, huwag kiligin. Huwag mag-isip ng iba. Harot mo, unlimited!

"She was with me the whole night. We got trapped in the room because of the blackout," paliwanag ni Luke. "She's dead tired."

"Humiga ka na rin. Baka sabay pa kayong magkasakit n'yan," Ameera said.

"That's why she should stay here, she can get checked immediately."

Puwedeng kayo na lang ang magkumustahan? Nako-conscious ako!

"Tama. Huwag mo s'yang pauuwiin hangga't nandito ka. Dadalhan ko na lang kayo ng mga gamit n'yo mamaya. Okay?" gatol ni Ameera.

Tsk.

"Does she get sick easily?" tanong na naman ni Luke.

Tigilan mo 'ko Luke, ha! Matutulog na 'ko. Huwag mo 'kong usugin!

The Right Kind of Wrong (-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon