"Hindi naman pero nu'ng maliliit pa kami, mero'n s'yang hika," patol naman nito ni Ameera.
Sige, ako ang gawin ninyong topic!
****
AMEERA
Pasimple akong lumingon kay Elize. Mukhang totoong tulog na ito after ng ilang sandaling kumustahan namin ni Luke.
Humiga na rin si Luke after kong mapakain. Sumilip pa ito saglit sa direksyon ni Elize bago humarap sa akin.
Napangiti ako sa reaction nila. Ngayon na nakikita ko na ang concern nila sa isa't-isa ay parang napapanatag ako.
"Ikaw ba mula't sapol, sakitin ka?" tanong ko.
"When I was young, yes. I was too thin and sensitive back then. That's why I enrolled to swimming at young age. To be fit. Why?"
Payat.
Bumaba ang mata ko sa balat niya. Hindi siya moreno pero hindi rin siya gano'n kaputi.
Bumalik ang tingin ko sa mata niya. Nakangiti siya pero hindi sa puntong gumuguhit sa kasingkitan ang mata.
Napailing ako.
"Wala. Nag-aalala lang," sabi ko.
"Don't worry. I'll be fine."
Ngumiti ako nang tapikin ni Luke ang kamay ko. Bigla kong naramdaman na kailangan ako sa ibang lugar at hindi rito.
"Kailangan ko nang bumalik sa opisina. Okay ka lang ba talaga?"
"Yes," sagot ni Luke sabay sulyap kay Elize. "Magpapahinga lang rin naman ako."
Tama. Marami pa akong gustong makita at malaman.
"Pagaling ka."
****
ALEC
"Sir, the program will start in fifteen minutes," tawag ni Michael sa akin.
Lumingon ako sa pintuan ng fire exit. Paano n'ya 'ko nahanap dito?
"Okay, I'll be there. I'm just making a phone call."
I look at my phone for the last time. I'm itching to call her again but I'm still hesitating. What if she intentionally ignored my call earlier? What does it mean? Bakit di man lang s'ya mag-text sa akin?
I glanced at the list of the program. I don't care what happens during or after it. I just couldn't care.
Tumayo na ako and prepared myself. I feel like I'm missing something but I can't figure it out. I walked out from the stairs and went to the men's room to check myself.
Damn it! Naka-casual wear lang ako! I'm only wearing my rockstar shirt, jeans and my chuck taylor shoes.
Dahil kina Ameera ako natulog, wala akong naisuot kundi ang natira kong labahin doon. Who would have guessed na magkakaroon ng ganitong kaarteng pag-o-open ang palaruan?
I will look like a joke on the stage.
Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng pagkakataon at kailangang sumabay-sabay sa iisang araw ang mga nangyayari sa akin ngayon.
How unlucky.
"Sir, baba na po tayo," tawag ulit ni Michael.
Nag-gesture ako para mauna na s'yang bumaba. Pumasok ako ulit sa office para mag-iwan ng note kay Ameera.
Let's Talk.
Dumiretso na ako sa elevator at pumindot ng down.
Ting!

BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong (-edited)
RomanceAng magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay...
33- Missing
Magsimula sa umpisa