Hindi agad ako nakakilos nang lumitaw ang anghel na mukha ni Ameera. Halatang nagulat din ito at bahagyang napaatras. Tumunog na lang ulit ang elevator para magsara ay wala pa ring kumikilos sa aming dalawa.
"Wait," harang ko sa pinto.
I stepped inside and press the button.
Nagpakiramdaman kami sa loob. We only have nine floors at napakabilis lang nu'n.
Something is definitely wrong.
I look up at the display screen and it says 8th.
I should say something first.
"I-"
"Nag-"
Nagsalubong ang tingin namin ni Ameera nang sabay kaming magsalita. Namumula ang mga pisngi nito ngunit namumutla ang mga labi. Sabay din kaming mabilis na tumingin sa harap.
Napabuntong-hininga ako.
I look up again and the display says 6th.
"Ameera..."
"Alec..."
"Okay, you first," I said immediately.
"H-hindi... ikaw na," balik nito sa akin.
Hingang malalim ulit.
"Where have you been?"
"Kay Luke."
"Hindi mo ba nakita 'yung tawag ko?"
Ting!
Hindi na sumagot si Ameera dahil bumukas na ang elevator door.
"B-bababa ka na ba?" tanong n'ya.
"Oo."
Pinindot nito ulit ang 12th floor at tumingin sa akin.
"Susunod na lang ako du'n," sabi nito.
"Sandali lang."
Hinila ko si Ameera palabas ng lift at iginilid s'ya.
"What's wrong?" mabilis kong tanong.
"Alec, kailangan ka nila sa baba," paalala nito sa akin.
"Alam ko. Kaya sagutin mo ako agad. What's wrong?" I said in an edgy tone.
"Alec..." alanganing sagot nito.
"Sir!"
Naiinis akong lumingon kay Michael habang bumubuntong-hininga. Paakyat ito ng escalator at tila alam na alam na nandito ako ngayon sa puwesto ko.
"Hinahanap na po kayo sa ibaba," sabi nito.
Nagkatinginan kami ni Ameera bago ako totally bumitiw sa kan'ya.
"We'll talk later." Naglakad ako pababa ng escalator na hindi mapakali.
Fine. Tapusin na muna itong kalokohang 'to.
Dinukot ko ulit ang program. Ano na nga ba'ng sasabihin ko?
"Alec!"
Agad akong lumapit sa may gilid ng stage kung saan andoon si Mr. San Diego Sr.. Nagsisimula nang magsalita si GM na naging host ng programa.
"Where have you been?" tanong nito na umiikot ang mata sa suot ko.
"Upstairs," nasabi ko lang.
"Are you ready?" tanong nito na halatang di masaya sa hitsura ko.
I never had a problem with what I'm wearing anytime of the day. Kahit sino pa'ng haharapin ko. But right now I somehow feel less confident. And I can't put myself together. Napalingon ako sa may kabilang side. Sa may dulo ng mga taong nanonood, I saw Mrs. San Diego, silently watching.

BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong (-edited)
RomanceAng magkapatid na sina Alec and Luke, at ang mag-best friend na sina Ameera at Elize, ay nagkatagpo nang sila'y maliliit pa lamang sa isang resort na tinatawag na Paraiso. Little do they know, na ang pangyayari at naging maghapong laro nila noon ay...
33- Missing
Magsimula sa umpisa