"What do you want to eat?"
"Pareho sayo," I replied, still busy scrolling through my phone.
"Hoy!" Napatingin ako bigla nang agawin niya ang phone ko mula sa kamay ko.
"No phone at the table. That's disrespectful," saad niya at nilagay ang phone ko sa gilid malapit sa kanya.
"Eh anong gagawin ko?" reklamo ko, sinamaan siya ng tingin. "Para akong may kasamang bato dito na magically naging tao. Ang boring!"
Napansin ko kung paano siya tumigil sa pag galaw, then he turned to look at me, dead serious. "I'm boring?"
Lah.
Napakurap ako. "Uh... hindi naman boring na boring," I said quickly, trying to recover. "Pero alam mo na, parang masyado kang... seryoso. Isang tanong, isang sagot talaga. You sound like a damn robot."
"Robot?" he repeated, raising an eyebrow.
Nagkibit balikat ako, sumandal sa upuan. "Oo, yung parang programmed. Walang kalat, walang sablay. Kung may guidebook ang pagiging tao, parang ikaw 'yung nagsulat."
His expression didn't change, but I caught the way his lips twitched. Parang gusto niya tumawa pero pinipigilan niya. "So, I'm too perfect for you?"
Oo, tang ina. Pina alala pa talaga. Iiyak ako rito, tamo.
"Masyado kang stiff, Eliunous. Parang ngayon."
"Right now?" he echoed, tapos yumuko siya ng bahagya, nakapatong ang kanyang mga siko sa mesa. "What do you want me to do then? Tumambling dito sa cafeteria?"
Napahagalpak ako sa tawa. "Gagsti. Hindi gano'n. Pero baka naman pwedeng mas maging... tao ka..."
"Mas tao?" He shook his head lightly, but there was amusement in his eyes. "Fine. How can I be more human?"
"Ewan ko." I smirked, resting my chin on my hand. "Surprise me."
For a moment, he just stared at me, parang iniisip kung susunod ba siya o de-dedmahin na lang pinag sasabi ko. Then, he leaned back and casually grabbed the juice box on my tray. Yung akin talaga ang kinuha, ha.
"Hoy!" protesta ko.
He raised it in front of me and smirked. "Do I act more human? Borrowing your stuff?"
'to namang taong 'to!
I blinked, momentarily caught off guard. "Gagi. That's stealing."
"Technically, I didn't steal it," he countered, sipping from the straw. "Hiram lang."
"Mas tao na ba ako ngayon?" tanong niya ulit, eyes glinting with subtle mischief habang binaba ang juice ko sa tray niya.
I stared at him, half-annoyed, half-amused. S R S ba siya? "Piste, wag na lang. Nagiging pasaway ka lang, e."
"Pasaway?" He tilted his head slightly, smirking. "Boring na, pasaway pa. You really think highly of me, Creu."
"Mas mabuting bumalik ka na lang sa pag kain!"
Habang naka-focus ako sa pagkain at pakikipagtalo kay Sylas sa juice box na hiniram niya a.k.a. minarcos niya, nagulat ako nang biglang mahulog ang kutsara ko sa sahig. Malas pa sa malas.
"Hay buhay," I mumbled, yumuko agad para kunin ito.
Sakto namang sabay na tinaas ni Sylas ang kamay niya, stretching his back, causing his uniform to lift slightly. Hindi ko sana papansinin, pero napatigil ako nang makita ko ang bewang niya.
I feel like my world just... shattered.
There were scars---lines crisscrossing his skin, some faded, but others fresh, parang hindi pa ganun katagal na nangyari. Ang iba'y mukhang magaspang pa, halos pulang-pula pa rin.

BINABASA MO ANG
Strings Of Perfection
Teen Fictionbl This oh-so-not love story started when the laid-back, chaotic "walang magawa sa buhay" sparked a dating rumor with the ever-so-perfect "Mr. Know-It-All" student council president.