抖阴社区

                                    

His posture was so... him.

I clicked through his feed, but nothing was really standing out. Lahat puro school and 'yung mga leadership posts niya. Wala man lang nakaka gulat o nakaka sakit. Kala ko meron, e. But in that moment, I couldn't help but feel like there's more to him than this perfect facade.

Napaisip ako bigla. This is how it always is, huh? Laging may boundary. Laging may limit.

But... what if I tried crossing it for once?

Ulol!

Nag-scroll pa ako, walang direksyon, hanggang sa may isang post ni Sylas na tumama sa mata ko.

Sylas Storm Eliunous

Some storms feel quieter when you're around. Not sure if you noticed.

1.2k likes. 145 comments.

Natigilan ako saglit.

"Ha?" I muttered, tilting my head as I reread it.

Syempre tungkol kay Devina 'to. Sino ba namang hindi makakaramdam ng calm kapag siya ang kasama?

I let out a breath, trying not to think too much about it. Wala akong pakialam. King ina, sabing wala, e!

Biglang nangisay sa sakit.

Kakasabi ko lang kanina na kala ko meron akong makikita na nakakasakit---tinotoo mo naman, Lord.

I scrolled even further--- trying to find another clue to figure out who this post was really for, but damn, wala na akong ibang nakita.

Teka--- may Twitter ba 'yun? Baka dun naka-tambay?

Agad kong binuksan ang inaamag kong Twitter.

At first, I tried searching for his full name but didn't get anything. Sinong nag sabing susuko ako? I have my ways.

Paano ko hahanapin account niya? Syempre, I'll just stalk his friends!

Oh, ba't bigla kayong nag-take ng note?!

Buti na lang mutual kami ni Elian dito!

Napa-kamot ako sa batok nang makita ko ang five hundred plus na following ni Elian. Tang ina talaga nito ni Elian! Panira! Although bigla akong tinamad, stinalk ko pa rin ang following niya, just to satisfy my curiosity.

I was about to give up when a familiar name and profile caught my attention.

everliev_

Tsk. That name sounds too damn familiar.

And that profile picture--- it was the white cat from his ML profile. Pero ibang picture na 'to.

I clicked the profile, hoping to find more clues, pero king ina, it was set to private. Frustrating as hell. His followers and following were stuck at 10/10.

Ganito na ba talaga siya? If he was trying to make everything seem so... exclusive, it's working. I sighed.

Wala na akong choice kundi tumayo at maglakad-lakad. Tang ina, this guy's really doing the most with this whole mysterious vibe.

-

"Hanapin mo pitong putanginang pake ko!"

Kabanas 'tong si Aki, e. Kanina pa ako niyayayang mag-ML. Sabing magbabagong buhay na ako, e.

"Hintayin mo ang batas ng isang api, Leon!" Sigaw niya pa balik at pinakyuhan pa ako.

Hindi ko na siya pinansin. I mean, tangina, na u-urat na ako sa ML!

Strings Of Perfection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon