I sighed and rested my head on my hand, then took a glance at my seatmate na tahimik lang, nagsusulat. Then, my eyes caught something.
His hand was moving over a paper, and the moment I saw the flames game, natigilan ako.
Teka, ano? Sylas? Fi-ni-flames kami ni Sylas?
I couldn't believe it. I stared harder, making sure I wasn't just seeing things. Hindi ba't kaming dalawa nga?
At the same time, his eyes met mine. We both had that same reaction-terror. We both reached for the paper at the same time, pero syempre, mas mabilis ako.
"Hoy! Ibalik mo 'yan!" he snapped, clearly panicking.
I didn't even bother replying. I just scanned the paper again. Totoo nga!
Tatawa na sana ako nang makita ang resulta nito. Enemies. Enemies? King ina, this is rigged! Hindi ako papayag.
I ran a hand through my hair. "Dude, you didn't include our middle names, that's why. Pag in-include mo, iba magiging result niyan!"
Natatanga niya akong tinitigan, 'yong para bang ako ang pinaka tangang nakita niya ngayong araw.
He then muttered something under his breath and rolled his eyes.
So, he tried again.
I leaned back and waited.
Finally, matapos niyang isulat ulit, ibinato niya sa akin 'yung papel.
This time, I grinned.
"Married."
I smiled to myself, feeling smug as hell. Sabi ko na nga ba!
"Hoy, Livreun! Mang hiram ka nga doon ng walis! Para magka-ambag ka naman!"
Na-gulat ako sa biglaang sigaw ni Prim.
Irritated, I shot her a look. Ang talas ng bunganga, e pagiging bida-bida lang naman ambag niya. "Tch, tigilan mo'ko, Prim. Baka pag guguluhsnn lang ako ng mga fans ko dun..." I replied, half annoyed---half overconfident.
Prim immediately made a face. "Ulol, kala mo yata papatol mga taga-STEM sayo, no?!"
"Sabing ayoko nga e-" teka. STEM?!
Bigla akong ngumiti ng malaki, the mischievous grin spreading across my face. "Ah, sige, Prim! Ako na hi-hiram! Ganyan kita ka mahal!"
She narrowed her eyes, probably wondering what made me change my decision. Pero hindi ko na ito pinansin pa, agad-agad na akong tumayo para umalis mula sa upuan ko.
Oh, ano naman? Ano naman?
Alam kong tina-talk shit n'yo na ako sa utak n'yo. Bago n'yo 'yan ginawa, sana na isip n'yo man lang na nag mahal lang ako.
Pakarat na kung pakarat!
-
Agad na nalusaw ang ngiti ko nang sa halip na 'yong mabait na lalaki ang bumukas ng pinto ng STEM strand- isang babaeng naka-taas ang kilay at may maldita tingin ang bumukas. Gagi, para siyang saleslady na stressed na stressed na sa buhay. Katakot.
Pagkabukas ng pinto, kita ko agad yung postura niyang parang ang init ng ulo. Tumingin siya sa akin, tapos itinodo pa yung taas ng kilay, parang may malaking utang akong hindi ko pa nababayaran.
"Anong kailangan mo?" agad niyang tanong, kitang kita sa expression niya na nag mamadali siyang taposin 'to
I smiled, trying to act playful kahit may konting kaba sa dibdib ko. "Ah, hi, miss! Pwede humiram ng walis-"

BINABASA MO ANG
Strings Of Perfection
Teen Fictionbl This oh-so-not love story started when the laid-back, chaotic "walang magawa sa buhay" sparked a dating rumor with the ever-so-perfect "Mr. Know-It-All" student council president.