"'doon lang' ? Di na gumagana sa'kin 'yan," umirap siya, halata na hinihintay ang matinong sagot.
"Anong gusto mong sabihin ko? Naglakad-lakad lang, huminga ng hangin, nag-isip kung paano 'di bumagsak sa buhay."
"Dafawk? kung paano 'di bumagsak? Eh 'di ka nga natututo sa mga pagkakamali mo," he scoffed.
"Valentine's Day ngayon, Kyan, ang bastos mo."
"Kahit naman hindi Valentine's bastos ako sa'yo," he deadpanned.
"Solid ka talaga,"
Siniko niya ko. "Tara na nga, mauna na 'ko sa hall. Wala ka namang ginawang kalokohan, 'no? Pagod na pagod na si Vault sayo."
Napangisi ako. "Ako pa? Masyado mo naman akong minamaliit."
"Tangina, 'yan nga 'yung nakakatakot."
Tinawanan ko lang siya bago naglakad pabalik sa hall. Kahit paalis na, ramdam ko 'yung tingin ni Kyan sa'kin, parang ina-analyze kung may tinatago ako.
Wala naman akong ginawang masama.
Kung may mabunot man mamaya, edi tadhana na bahala.
Pagkarating ko sa hall, puno na ng tao. Lahat may bitbit na bulaklak, chocolates, at kung anu-ano pang pang-V-day flex nila. May mga nagkukumpulan sa stage, at kita kong nag-se-set up na rin 'yung student council para sa song dedication event.
Pumasok ako na parang walang pake, dumiretso sa table ng tropa ko kung saan nakahilata si Aki, mukhang wala ring gana. Si Prim at Xantie, nag-uusap sa tabi. Si Vault at Rein, parang nagbabantay ng preso kay Aki.
"Hoy, anong trip mo ngayon?" si Prim, unang sumalubong sa'kin, nakataas pa ang isang kilay.
"Anong trip agad? Wala pa nga akong ginagawa," I scoffed, naupo sa tabi ni Aki.
"Tumahimik ka na lang," sabat ni Vault. "Basta 'wag kang gumawa ng eskandalo."
"Anong eskandalo? Ganyan naba kasama ang tingin mo sakin?"
"Sinabi mo pa."
Tawanan sila. Pati si Kyan na kararating lang, umupo na rin sa tabi ko.
"Anong oras na ba?" tanong ni Rein, kunot-noo habang nag-aayos ng buhok.
"Malapit na mag-start," sagot ni Xantie, nakatingin sa stage kung saan nagsasalita na 'yung emcee.
Napatingin din ako sa stage. Wala pa si Sylas.
'Di ko alam kung dapat akong matuwa o kabahan.
Kasi kung wala siya, edi walang makakarinig ng kanta na 'yon.
Pero kung nandito siya... baka mabunot.
And if that happens?
Lintek. Ewan ko.
Naramdaman ko ang pag siko ng katabi ko. "Nandyan na hinahanap mo! Kasama nga lang ang watermark niya." Bulong ni Aki.
Napangiwi ako habang sinusundan ng tingin si Sylas at Devina.
"Kalma ka lang diyan," pabirong bulong ni Aki, bahagyang natatawa. "Baka masunog mo si Devina sa tingin mo pa lang."
"Ulol," irap ko, pilit na inaalis ang tingin kay Sylas.
Pero ang hirap. Lalo na nang dumaan siya malapit sa amin, kaswal lang na naglalakad---walang kaalam-alam na baka mapili ang kantang nilagay ko.
Napakamot ako sa batok, sinusubukang wag magpahalata.
"Wala ka bang dedication, Aki?" tanong ko, nagbabakasakaling mailihis ang usapan.
"Meron. Secret kung para kanino," sagot niya, nakangisi. "Ikaw?"

BINABASA MO ANG
Strings Of Perfection
Teen Fictionbl This oh-so-not love story started when the laid-back, chaotic "walang magawa sa buhay" sparked a dating rumor with the ever-so-perfect "Mr. Know-It-All" student council president.