"Put---Bumalik ka rito!" Hinabol ko siya palabas ng building, nagpalitan kami ng sigaw at tawa habang palayo nang palayo.
"Hingal na 'ko, kupal ka," sabi ko nang huminto kami sa harap ng sari-sari store. Pinupunasan ko pa 'yung pawis ko. "Ano 'to, cardio session?"
Ngumisi siya, pinakita 'yung wallet ko at... inabot pabalik. "Congrats, you passed the test."
"Test ng kahibangan mo?"
"Hindi," sabay turo sa tindahan. "Test kung gaano mo 'ko mahahabol para sa ice cream. Libre ko."
Natahimik ako. Wtf.
"Ate, isang chocolate ice cream at... ube po!"
Napa kurap ako. Teka... ube? Kingina, parang biglang kumislap ang mata ko sa narinig.
Habang inaabot ng tindera 'yung order, tumingin ako kay Alkeign, hoping na ibibigay niya sa akin 'yung ube. Pero hindi. Sakanya napunta.
Napatingin ako sa ube ice cream na hawak niya. Putek. Para akong batang inagawan ng laruan. Ang sakit sa puso, taena.
Biglang ginulo ni Puyo ang buhok ko. "Why do you look like you're about to cry?" natatawa niyang tanong.
"Kasi paiyak na talaga ako! Akin dapat yang ube!" reklamo ko habang nakatingin pa rin sa ice cream niya. Ano 'to? Ang lapit... pero ang layo?
Nanlaki ang mata niya. "Ube enjoyer ka rin?!"
"Oo!" sagot ko at napasimangot. "Kanina mo pa ako pinapahirapan, tapos inagaw mo pa 'yung dapat na sa'kin."
"Di ko alam na pareho pala tayo ng trip," tumawa siya, bahagyang inangat 'yung ice cream. "Sarap pa naman nito. Pero sorry, akin 'to."
Napatingin ako sa chocolate ko, tapos balik ulit sa ube niya.
"Kalma sa pag titig, baka biglang matunaw," aniya, still grinning.
"Tsk. Ang daya mo," sabay subo ko sa chocolate ko. Hindi naman ako bitter... pero bakit parang ang unfair ng buhay?
"Next time, dalawa'ng ube bibilhin natin," biglang sabi niya. "Para walang iyakan."
"Next time? Wala ng next time oy!"
"Bro, after mo'kong habulin kanina?Destiny na 'to mismo," nakangisi pa rin siya.
"Destiny?," natatawa kong umiling. "Ang corny mo."
"Pero effective, 'di ba?" sumubo siya ng ice cream at nagpakitang-tao pa. "Ube supremacy. We're built different."
Tahimik kaming umupo sa gilid ng kalsada parehong kumakain. Hangin,lamig. Ice cream, matamis. Pero 'yung vibe... ibang klase. Damn.
"...Salamat," bigla kong nasabi. Hindi ko rin alam kung bakit. Tangina, ang cheesy ko don ah.
"Para saan?"
"Sa distraction mo," sagot ko, iwas tingin. "Huwag kang assuming, 'di ko na 'to uulitin."
"Noted," ngumisi siya. Pero kita ko kung paano nah twinkle ang mata niya. "Admit it, best distraction ever."
"Yeah. Siguro."
---
'Yung nasasaktan ka na nga pero tinitigan mo pa. Self-torture is my thing now, apparently.
Bitterness was practically radiating off me as I watched the two people boarding the bus. Sylas was even carrying Devina’s bag while they searched for their seat. Magkatabi pa talaga.
If Sylas could hear my thoughts right now, he’d probably say, "That’s just common decency." Sure. Common decency my ass. Still doesn’t make it less annoying to watch. Bakit ang unfair niya pagdating sa'kin?

BINABASA MO ANG
Strings Of Perfection
Teen Fictionbl This oh-so-not love story started when the laid-back, chaotic "walang magawa sa buhay" sparked a dating rumor with the ever-so-perfect "Mr. Know-It-All" student council president.