抖阴社区

                                    

The game pressed on. Each point was a battle. Pati ako, hindi ko na namalayan kung ilang beses ko nang nakabanggaan si Sylas---arms brushing, backs colliding. Pero bawat beses na magtama ang mga mata namin, wala akong magawa kundi ngumisi. He'd just raise a brow, as if daring me to push harder.

Naging match point, 24-23, at kami ang lamang. I stood behind the line, bola sa kamay, habang tumatagaktak ang pawis ko sa noo. Sylas stepped beside me, voice low.

"Don't choke, Leo."

I scoffed. "In your dreams, Love..."

Nagsilbi ako nang malakas. Tumama ang bola sa kabilang side, forcing a bad receive. Xan set the ball high. Tumalon si Cielo para sa spike, pero na-block ni Sylas. Nag-bounce pabalik sa side namin, papunta sa akin. Nag-dive ako, barely getting it up. Kyan set the ball again. This time para kay Sylas.

Nagkatinginan kami saglit. His eyes glinted with something unreadable before he jumped, body arching midair, spiking the ball straight to the ground.

Game over. Panalo kami.

Bumagsak ako sa buhangin, hingal na hingal, pero may ngiti sa labi. Si Sylas, napaupo sa tabi ko, both of us catching our breath.

"Nice game," saad niya, voice softer this time.

I turned to him, chuckling. "Nice spike."

Pagkatapos ng intense game, halos lahat kami bagsak sa buhangin, hingal at pawis. Pero syempre, hindi pa tapos si Aki. Kinuha niya ulit ang bola, may kung anong kalokohan na naman yata na pumasok sa utak niya.

"Watch this guys! Pipitikin ko kayo sa ganda ng dunk ko!" sigaw niya, hawak-hawak ang bola na parang prized possession.

Nagkatinginan lang kami, natatanga sa trip niya.

"Dunk agad?" Umiling si Vault. "Let's see kung hindi ka sumemplang."

Aba, hindi nagpatinag si Aki. Tumakbo siya, full sprint, sabay talon sa ere.

Putangina.

Imbes na bola ang pumasok sa net, mukha niya ang dumiretso sa lubid. Tumama ang noo niya, tapos sumalpok pababa, sapul ang ilong. Bumagsak siya sa buhangin, hawak-hawak ang mukha niya habang gumugulong sa sakit.

"Gagsti!" Sigaw niya, napapahawak sa ilong. "Ang sakit..."

Agad kaming lumapit, halos sabay-sabay. "Dude, may dugo ba?" tanong ni Prim, halatang nag-aalala.

Si Cielo pa nga, lumuhod sa tabi niya. "Hey... Are you okay?"

Pero si gagsti, tumayo bigla, hawak pa rin ang ilong, pero sabay pinasadahan ng kamay ang buhok niya---'yung tipong mabagal na papogi effect habang nakatingin sa malayo, parang nasa music video.

"Tangina, ang sakit... pero pogi pa rin."

Nagkatinginan kaming lahat.

"...What the fuck?" bulong ni Sylas, nakakunot ang noo.

"Gago ba 'to?" Si Prim, napaatras, hindi alam kung mag-aalala o tatawa.

At parang hindi pa siya kuntento, bigla niyang inangat ang laylayan ng shirt niya, pinampunas sa noo habang binibigyan kami ng isang signature smoldering look---kahit obvious namang naluluha siya sa sakit. "Tangina... ang sakit... pero pogi pa rin, shit..."

"Bro..." Si Xan, nakatulala. "Are you genuinely insane?"

As if on cue, nag-slow body roll siya. Walang hiya, sumabay pa sa hampas ng hangin. At bago pa kami makapag-react, nagsimula siyang sumayaw ng Wet the Bed, ang mga kamay niya gumuguhit sa hangin na parang nasa stage.

Strings Of Perfection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon