抖阴社区

Chapter 2

8.4K 382 144
                                    


Lyssam

"Babe, should I pick you up tomorrow or what?" agad na tanong ko kay Vira nang mahinto ko na ang kotse sa tapat ng apartment niya. Hindi siya sumagot kaya lumingon ako sa kanya at kita ko ngang nakatulog na pala siya.

Nakagat ko agad ang labi ko para pigilan ang matawa, dali-dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa at mabilis siyang kinunan ng litrato. Nakaawang pa ang labi niya.

Napangiwi nalang ako sa sobrang pangit niya.

Natatawa ko itong sinend sa kay Yiren. Binalik ko lang din agad sa bulsa ang phone at agad na sinabunutan si Vira para magising siya. Nalukot ang mukha niya sa sakit at inis akong binalingan.

"Nandito ka na, bitch. Lumayas ka na sa kotse ko!" maarteng pag tataboy ko sa kanya, napakamot pa siya sa ulo niya at bumaling sa akin.

"Thank you!" kasabay nun ay ang pag halik niya sa pisngi ko. Ngumisi lang siya sakin habang diring diri naman akong pinahiran ang pisngi ko. Bumaba na rin naman siya agad ng kotse.

Pinag mamasdan ko siyang pumasok sa apartment niya, kumaway pa siya bago sinara ang pinto. Nang masiguro kong nakapasok na siya ay agad ko nang pinaandar ang kotse.

"Oh, where are you going ate Donna?" tanong ko sa asawa ng kuya ko, nakahawak ito sa tiyan niya habang dahan dahan na bumababa sa hagdan namin, mabilis ko siyang inalalayan.

Ate Donna is five months pregnant now pero medyo malaki na ang tiyan niya, maselan din ang pag bubuntis niya. Tatlong beses na siyang nakunan kaya naman ngayon ay ingat na ingat kaming lahat sa kanya.

"Gusto kong kumain ng watermelon eh." sabi niya agad nang tuluyan na nga kaming makababa ng hagdan.

"Where's kuya Larry?" tanong ko nanaman, sinusundan ko lang siyang pumunta sa kusina, ako na rin ang kumuha ng watermelon sa fridge kahit marami naman kaming mga katulong sa bahay.

"Umalis, may inaasikaso lang." sagot naman niya, tumango lang ako at nag umpisa nang hiwain ang watermelon, masaya niya naman akong pinapanood. Nang matapos nga ay inabot ko iyon sa kanya.

Excited na talaga akong makita ang pamangkin ko, sobrang tagal ko nang hiniling na magkaroon ng bata sa bahay namin dahil mahilig ako sa mga bata kaya naman sobrang saya ko nang malamang buntis na nga si Ate Donna.

Last week lang din namin nalaman na lalaki pala ang anak nila, babae paman din sana ang gusto ko pero ayos na rin iyon, ang importante may baby na sa bahay namin.

"Watermelon pala ang kini-crave ng pamangkin ko." nakangising sabi ko habang sinusulyapan ang tiyan niyang kasing laki na rin ng watermelon, natawa naman si Ate Donna.

"Oo... watermelon na may ketchup." nanlaki ang mga mata ko nang makitang nilagyan niya ng ketchup ang watermelon bago ito kainin. Napatakip pa ako sa bibig ko dahil muntik na akong masuka.

Holy moly?!

Hindi ko maimagine ang lasa nun! Pilit kong tinatago ang ngiwi at pandidiri ko dahil ayaw kong maoffend siya sakin. Tangina, seryoso ba 'yan?! Watermelon at ketchup? Kadiri!

"Paubos na ang watermelon, ate... I'll buy a lot tomorrow." nakangising sabi ko, iniiwasan ko nalang na sumulyap sa kinakain niya dahil baka masuka na talaga ako. Mas lalo lang din lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko.

"Ay gusto ko 'yan! Nasa tiyan palang si baby, spoiled na siya ng tito niya!" masaya niyang sabi na agad ikinabagsak ng balikat ko, pabiro ko siyang inirapan.

"Tita ako!" busangot na pag tatama ko sa sinabi niya, humalakhak lang siya at nilantakan nanaman ang watermelon na nilagyan niya ng ketchup. "Ay oo nga pala." natatawang sabi niya pa.

Masaya ko lang siyang pinapanood, kahit limang buwan palang sa tiyan ang pamangkin ko ay iniisip ko na agad ang mga gamit na bibilhin ko para sa kanya, hindi na ako makapag hintay!

Ayaw ko sa mga laruang panlalaki pero para sa kanya ay willing naman akong pumunta sa section na iyon sa mall. Bibilhan ko pa siya ng sobrang dami!

Excited na ako, pero ang tagal tagal pa nun...

"Good morning, nasaan si Vira?" takang tanong ko kay Yiren, maarte niya lang na sinusuklay ang buhok niya. Nag kibit balikat siya sakin na agad kong ikinatigil... ganun din siya.

Sabay pa kaming napatakip ng bibig.

"Don't tell me hindi mo siya sinundo?!" gulat na tanong ko, nakagat niya naman ang labi niya. Mukhang nag aalala. Natataranta niyang kinuha ang phone at kita nga naming three minutes nalang mag uumpisa na ang first subject.

"Omg, babe. I thought ikaw ang mag susundo sa kanya kasi ikaw naman nag hatid sa kanya kahapon!" busangot niyang sabi, nag papadyak pa siya at di alam kung lalabas ba ng room o ano.

"Exactly! That's why I didn't pick her up today dahil nga ako naghatid sa kanya kahapon!" nakangusong sabi ko naman. Naiistress ako, patay talaga ang gaga na 'yon pag na-late siya!

Bago pa kami makapag isip ni Yiren ng gagawan, may bigla nang humila sa buhok namin. Sabay pa kaming napasigaw sa sakit.

"Vira, aray!" sita ko kay Vira.

Binitawan niya naman kami agad, maagang maaga pa pero hingal na hingal na siya at pawis na pawis. Busangot na parang naiiyak na sa sobrang galit.

"Ang sasama talaga ng mga ugali nyo, hindi nyo man lang ako sinundo." padabog pa siyang naupo sa upuan niya. Parang nag tatampo. Nagkatinginan tuloy kami ni Yiren.

Wala kasi masyadong sasakyan na dumadaan sa kung saan ang apartment ni Vira kaya naman kung walang susundo sa kanya ay wala talaga siyang ibang choice kundi mag lakad nalang. Parang naguilty tuloy ako dahil umagang umaga haggard na agad siya!

"I forgot sis, pasensya na." busangot na sabi ni Yiren. Lumuhod pa siya sa harap ni Vira. Agad ko nalang na kinuha ang suklay at hairtie ko sa bag para suklayan si Vira dahil nag mumukha na kasi talaga siyan bruha.

"Mag hahanap na talaga ako ng boyfriend para may taga sundo na sakin." rinig kong sabi niya pa. Agad namang tumaas ang kilay ko habang natawa lang naman si Yiren.

Never kong naisip na magkakaboyfriend si Vira. Kahit college na kami ay parang batang kapatid parin ang turing namin ni Yiren sa kanya.

"Ay support kita diyan para hindi na kami ang kinukulit mo!"  natatawang bumalik si Yiren sa upuan niya ako naman ay patuloy lang sa pag tali sa buhok ni Vira.

Sa tagal naming magkaibigan... kailan man ay hindi nagka-boyfriend si Vira, hindi nga namin alam kung may nagugustuhan ba siya dahil hindi niya naman nababanggit samin.

"Sino bang nagugustuhan mo, I'll help you." nakangising sabi ni Yiren. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Hinihintay ko rin ang magiging sagot niya.

"Uh... si ano." hindi ko alam kung nag iisip ba siya o nag dadalawang isip lang na aminin sa amin kung sino ang gusto niya. Baka naman sobrang pangit kaya nahihiya siyang sabihin.

"Basta, kaklase lang natin, ayaw ko nang sabihin. Aasarin nyo lang ako eh." sagot niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Classmate natin?!" di makapaniwalang tanong ko. Tumango tango agad siya. Nag angat pa siya ng tingin sa akin kahit nasa likuran niya ako. Ngumisi siya ng napakalapad.

May gwapo ba sa room namin?!

"Is he pogi ba? I think wala namang masarap sa klase natin!" natatawang sabi ni Yiren. Tumango pa ako bilang sang-ayon. Mga mukhang aso ang kaklase naming lalaki!

"Ang gwapo niya kaya..." napangiwi ako agad nang marinig ko iyon kay Vira.

"Aray naman Sammie! Kalbuhin mo nalang ako!" reklamo niya, hindi ko namalayan na sinasabunutan ko na pala siya. Natatawa ko nalang na binitawan ang buhok niya.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon