Alvira"I literally can't even... my brain just exploded! This is oh my gosh! I need to sit down, this is way too much to process all at once!" tahimik ko lang na pinapanood si Yiren.
Tulala lang ako.
"This is insane! You—pregnant by Sammie... Sammie doubting it's his! Your whole pregnancy being like some secret mystery, and now ate Donna's having the baby... what is even going on right now?!" sumasakit lalo ang ulo ko sa mga sinasabi ni Yiren.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sammie sa coffee shop ay wala na akong ibang ginawa kundi umiyak. Naubusan na nga ata ako ng luha, sumasakit na ang ulo ko, ang mata ko, ang katawan ko.
Gabing gabi na, dumeretso agad si Yiren dito sa apartment ko pagkatapos nilang mahatid si Ate Donna sa hospital. Galit na galit siya kay Sammie. Ako naman ay hindi ko na alam ang maramdaman.
Hindi pa rin pinoproseso ng utak ko ang nangyari, ang sinabi ng doctor ay parang panagihip lang. Nang mag usap nga kami ni Sammie kanina ay sobrang lutang ko, para akong robot na kinokontrol lang ng kung sino, natauhan lang ako nun nang marinig ko ang sinabi niyang ipalaglag ko iyon.
Kahit pa hindi ko inaasahan ito, hindi ko parin kayang gawin iyon. Hindi ko kayang ipalaglag... kahit parang hindi naman ako buntis, wala akong maramdaman sa tiyan ko pero hindi ko parin talaga kaya.
Hindi kakayanin ng konsensya ko. Kaya sobrang nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inaasahan na lalabas 'yon sa bibig niya. Nakakadismaya.
Naiintindihan ko naman kung ayaw niyang maniwala dahil kahit ako ay hindi rin makapaniwala pero dahil nga sa sinabi niyang iyon ay parang galit na tuloy ang naramdaman ko sa kanya.
Iniisip niya pang hindi siya ang ama.
Alam kong marami akong nakakasamang lalaki, sa school at sa bar pero walang ibang gumawa sakin nun... hindi ko hinahayaang may mangyaring ganun. Hanggang inuman lang sa bar at date ang mga lalaking nakakasama ko. Kaya nakakasiguro akong sa kanya, dahil kanino pa ba?!
"Sammie is gay and now may boyfriend siya... this is traumatizing, grabe! Four months?! Four months na kayong, oh my gosh and hindi nyo man lang sinabi sakin?!" napasandal nalang ako sa sofa ko at napapikit. Ayaw ko nang pakinggan si Yiren.
Iniisip ko na ang kung anong gagawin, kinakabahan ako, naguguluhan ako, wala akong maisip na plano, masyado itong biglaan, hindi ko inaasahan... ano nang gagawin ko?
"And what the heck?! Ang call-sign nating tatlo ay 'babe' and now it's got a whole different meaning for you two?!" agad akong napamulat ng mata nang sabihin iyon ni Yiren. Kitang kita sa mukha niya ang pandidiri.
"Tumahimik ka na nga sumasakit na ang ulo ko sayo. Umuwi ka na." inis na sabi ko sa kanya at pumikit nanaman, natahimik siya sandali at hindi ko na alam ang ginagawa niya. Sobrang nakakapagod ang araw na 'to.
"Hindi ako uuwi, Vira. Alam kong hindi ako makakatulog and nawoworry din ako for you." muli ko siyang sinulyapan at kita kong busangot siyang naupo sa tabi ko.
Gulat ko siyang nilingon nang hawakan niya agad ang tiyan ko, mabilis kong inalis ang kamay niya.
"Gosh... mas malaki pa 'yong tiyan ko pag busog kesa diyan." kunot noong sabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako. Putangina ang dami kong problema tapos ganito ang mga sinasabi niya?!
"Hindi ba naiipit ang baby—"
"Yiren!" agad na sita ko. Bumuntong hininga naman siya at sumandal nalang din sa sofa.
"Babe, panaginip lang ba 'to? I really can't believe it... bakit nangyari iyon? Saan... saan niyo iyon ginawa?!"
"Dito, sa sofa." pag bibiro ko kahit hindi ko naman talaga maalala iyon.
"What?!" agad siyang napatayo at hawak hawak ang dibdib niyang lumapit sa may pinto, parang handang handa nang lumabas ng apartment ko. Natatawa ko lang siyang tiningnan, umaakto pa siyang nasusuka.
"Dito?! Dito sa apartment mo?!" kulang nalang mahulog ang mga mata niya sa gulat. Walang gana nalang akong tumango. Kita kong napapailing siya, parang nakakita ng multo.
"No way! I'm leaving, I can't stay here. Oh my gosh! I'm leaving!" natataranta niyang sabi. Agad din siyang lumabas ng pinto. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil hindi na talaga ako masaya sa mga nangyayari ngayon.
Dahil nga umalis na si Yiren, naiwan akong mag isa... sobrang tahimik na ulit ng apartment ko.
Dahan dahan akong tumayo, agad akong humarap sa salamin. Hindi talaga mapapansing buntis ako, kung hindi doctor ang mismong nag sabi nun ay hindi ako maniniwala, hanggang ngayon nga ay may parte parin sa akin na hindi naniniwala.
Agad akong nag tungo sa kwarto ko, may natitira pang iilang PT doon na dinala ni Sammie sa akin. Two months na ang nakalipas simula nong huli ko itong ginawa dahil masyado akong kampante.
Pumasok ako sa banyo at nang sinubukan ko na nga iyon ay agad akong napapikit at tumulo nanaman ang luha ko nang makitang... dalawa na ang guhit nun.
Putangina. Totoo nga?!
Agad kong tinapon tinapon ang PT at nanghihinang lumabas ng banyo, pabagsak akong nahiga sa kama at napahagulhol. Ano na ang gagawin ko? Sa inis ko ay hindi ko na kayang magpakita kay Sammie. Naiinis ako sa kanya.
Gusto ko pa sanang iexplain ang lahat ng mabuti sa kanya pero dahil sa sinabi niya ay wala na akong balak kausapin pa siya ulit. Ayaw ko na siyang makita ulit.
Gusto kong umalis, gusto kong magpakalayo-layo... pero saan ako pupunta?
Halos isang oras ko nang iniyak lahat ng pwede kong iiyak. Hindi ako nakaramdam ng antok sa sobrang dami ng iniisip ko. Sigurado na nga akong aalis nalang ako. Mabilis akong bumangon at kinuha ang phone ko.
Ala una na ng madaling araw dito pero alam kong umaga o tanghali na sa Canada. Mabilis kong tinawagan si Daddy.
"Dad, can I go there? Willing na po akong tumira diyan..." agad na sabi ko nang sagutin niya ang tawag.
Natapos lang din agad ang usapan namin ni Daddy, masaya siyang pumayag na akong kunin niya pero hindi ko alam kung ganun parin ba ang mararamdaman niya kung malaman niyang pupunta lang ako dun dahil buntis ako at gusto kong magpakalayo-layo.
Agad ko nalang din na inayos at niligpit ang mga gamit na dadalhin ko.
Nag dadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Yiren ang tungkol dito, naaawa ako sa kanya dahil alam kong nag aalala siya sakin. Sasabihin ko nalang siguro sa kanya pag nakaalis na ako para siguradong hindi na niya ako mapipigilan.
Nasasaktan akong iwan siya... iwan sila, pero pakiramdam ko iyon ang tama. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mananatili ako rito, ayaw kong mang damay o makapurwesyo sa mga kaibigan ko. Alam ko rin na dadating ang araw na ka-kailanganin ko ng makakatulong sakin.
Ayaw ko ring makita si Sammie... naiinis ako sa kanya at ayaw ko ring masira sila ni Rance.
Mas mabuti pa nga sigurong iisipin niya nalang na hindi sa kanya ang dinadala ko. Wala nga rin dapat akong balak sabihin sa kanya ang tungkol sa pag bubuntis ko pero pinilit lang ako si Yiren kanina na umamin sa kanya.
Hindi rin naman kasi namin inaasahan na ganun pala ang sasabihin niya. Hindi ko inaasahan na hihilingin niyang... ipalaglag ko.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...