Lyssam"Yiren, please... nakikinig ka ba sakin?" inis na tanong ko kay Yiren. Walang ganang nag angat lang siya ng tingin sa akin na mukhang pagod na pagod nang pakinggan ako.
Nandito ako ngayon sa condo niya at ramdam ko ngang ayaw niya ako rito at wala akong pakialam. Kailangan ko ang tulong niyang planuhin ang tungkol sa proposal na gagawin ko kay Vira. Sila Vira naman ay nandoon lang sa bahay. Pupunta dapat akong complex ngayon pero mas pinili kong bisitahin nalang muna si Yiren.
"You're planning the proposal pero hindi nga kayo nag papansinan ngayon. Para kayong mga tanga." mataray na sabi niya sakin. Nag buntong hininga nalang ako ay napahilamos ng palad sa mukha.
Well, totoo naman. Hindi ko nga pinapansin si Vira, pero gusto ko lang naman magpalambing okay? Hanggang ngayon hindi niya parin inaamin na gusto niya ako. Hindi naman ako nag mamadali pero—gusto ko rin namang sabihing mahal niya ako no!
"Ano naman ngayon? Yiren, please help me... especially with the ring, where should I buy it? Sa ibang bansa?" nag iisip na sabi ko.
Baka mag taka si Vira kung bigla akong aalis. Ayaw kong malaman niya agad na mag popropose ako. Hindi ko alam kung anong brand ng singsing ang bibilhin ko! Marami akong kilalang brands ng jewelry kaya mas lalo akong nahirapang mamili.
Hindi sumagot si Yiren at tahimik lang na may pinipindot sa phone niya. Kanina pa siya mukhang malalim ang iniisip. Biglang nahagip ng mata ko ang mga singsing sa mga daliri niya. Sa aming tatlo nj Vira, siya ang pinakamahilig sa ganun.
At alam kong si Yiren ay hindi nag susuot ng mga basta-bastang alahas. Allergic pa nga ata siya sa mga accessories na bumababa sa isang milyon ang presyo. Alam kong marami siyang alam na mga brands at mas marunong siyang kumilatis ng mga ganun.
Agad akong napangisi at hinampas ang sofa dahilan para mag angat siya ng tingin sa akin. Mas lalo lang lumapad ang ngisi ko nang mag salubong ang mga mata namin. Tinuro ko agad ang daliri niya na ikinakunot ng noo niya.
"What jewelry brands do you wear?" agad na tanong ko sa kanya. Kita kong natigilan naman siya, ilang sandali pa siyang nakatitig lang sakin bago nag buntong hininga.
"Walang brand to. Nabili ko lang online—"
"Oh shut up." natatawang sabi ko sa kanya. Tumayo ako agad at nilibot ang buong silid, alam kong marami siyang mga magazines. Lagi ko siyang nag babasa ng mga ganun kung nandito lang siya sa condo niya.
Nang makarating ako sa isang shelf. Maraming nakalagay doon, iba't ibang sizes pa ng magazines. Kinuha ko ang isa sa mga iyon. Iba't iba ang brands lalo na sa mga damit, meron ding tungkol sa makeup, sa sandals, hanggang sa may nakita na nga akong tungkol sa alahas. Marami iyon at galing sa kahit anong brands pero mas isa doon na nakakuha ng atensyon ko.
"I'm sure ito 'yon. Parang nabanggit mo na to samin before." nakangising sabi ko. Parang isa ito sa mga paborito niyang brands.
Hindi naman nag salita si Yiren, sinusuklay niya lang ang buhok niya na parang wala namang paki sakin. Agad akong nag lakad palapit sa kanya at hinagis ang magazine na hawak ko. Nakuha naman nun ang atensyon niya at taas kilay na tumingon sakin.
"Samahan mo 'ko." agad na sabi ko.
Gusto ko siyang isama para matulungan niya akong pumili ng magandang singsing para kay Vira. Alam ko naman ang mga babagay sa kanya pero mas maganda parin kasi kung second opinion!
Kita ko namang nanlaki ang mga mata ni Yiren pero mabilis lang iyon. Umayos siya ng upo at tumikhim sabay iling-iling.
"Ayaw ko. I'm busy." sabi niya lang. Maarte siyang nag cross legs at pinag lalaruan lang ang mahaba niyang buhok habang nag s-scroll nanaman sa phone niya.
"Please, Yiren! Hindi talaga ako lalabas dito sa condo mo pag di mo ko sasamahan." pag babanta ko. Inis niya akong tinignan.
Ilang minuto ko siyang pinilit na samahan ako hanggang sa napikon na nga siya at pumayag nalang. Nakangisi akong pumasok sa kotse ko at kita kong pumasok na rin siya sa kotse niya. Nang paandarin niya iyon ay nakasunod lang ako.
Mahigit dalawang oras ata ang binyahe namin bago kami nakarating doon. Hindi ko alam—at hindi niya man lang nabanggit sa akin na ang layo pala ng company nun. Pero dahil nandito na kami ay bumaba na ako.
Bumungad sa akin ang napakalaki at taas na building. May malaking nakasulat doon na Zimo kaya alam ko na agad na iyon na 'yon. Lumapit ako sa kotse ni Yiren at kinatok ang bintana nang mapansing hindi pa siya lumalabas. Binaba niya naman iyon.
"Tara na." aya ko sa kanya.
"I came along just to bring you here, not to go in with you." umangat pa ang gilid ng labi niya. Agad ko siyang inirapan.
"I need your help sa pag pili ng singsing—"
"You know Vira better than I do, Sammie... you know that." madiin na sabi niya. Nag buntong hininga nalang ako.
Hindi na ako nakapalag nang isara niya ulit ang bintana ng kotse niya. Mas lalo lang akong na inis nang paandarin niya iyon paalis. So talagang sinamahan niya lang ako papunta rito? Literal?! Hindi niya ako sasamahan sa loob?
At dahil nga wala naman si Yiren, ako nalang ang pumasok doon. Pag pasok ko palang sa malaking glass door ay kitang kita ko na agad ang napakagalanteng paligid. Kung maaamoy lang ang yaman paniguradong ganito ang amoy nun. May mag kumikislap pa sa paligid. Malamig, sobrang linis, at halos madulas na ako sa sahig sa sobrang kinang.
"Welcome to Zimo. I'm Paula. May I assist you with something special today?" biglang sulpot ng isang babaeng naka lowpony tail, nakasuot siya ng black suit. Ngumiti siya sakin kaya ngumiti na rin ako.
"Yes, I'm here to buy an engagement ring." agad na sabi ko. Tumango naman siya at mas lalong lumapad ang ngisi.
"A momentous decision. Congratulations." sabi niya lang sakin. Ngumiti lang ako ulit. Tinaas niya ng kaunti sa harap namin ang kamay niya na parang sinabing doon kami papunta. Nauna na rin siyang mag lakad kaya sumunod lang ako.
"Tell me a little about her. What is she like?" tanong niya pa. Nilibot ko lang ang tingin sa buong paligid. Hindi ganun ka rami ang tao at kung meron man... halatang sobrang yayaman lang.
"She's everything." tipid na sagot ko sa kanya. Tumaas naman ang kilay niya pero ngumiti rin at tumango nalang.
"We have a beautiful selection that might be perfect for you. Let me show you a few options." sabi niya sakin at pumasok kami sa isang private room.
May mga pinakita siyang mga diamonds and stones, ang dami nun at agad na napaawang ang labi ko sa sobrang ganda. Pinasadahan ko lang ito ng tingin, lahat ay maganda, lahat ay babagay kay Vira pero may isang mas nakakuha ng atensyon ko.
"This one." turo ko sa isa sa mga iyon.
"It's an exquisite choice. The diamond is a D-color, flawless clarity, and it's part of a limited collection." nakangising sabi nong babae. Kinuha niya iyon at mas nilapit sa akin.
"May I?" tanong ko, tumango naman siya kaya hinawakan ko iyon. Tinitigan ko ng mabuti at masasabi kong sobrang ganda ng singsing na iyon pag nasa kamay ni Vira.
"Perfect. I'll take it." agad na sabi ko.
Tumango lang iyong babae at may pinipindot na kung ano sa hawak niyang tablet. May ilan pa kaming pinag usapan. May pinirmahan, at nang sa wakas ay maayos na lahat ay nag lakaf na ako palabas.
Bago pa ako tuluyang makarating sa may pinto ay nakita ko ang isang matandang lalaking nakasuot ng tiger colored na longsleeve, naka-buzz cut ang blonde nitong buhok. Base sa galaw ay bakla iyon—amoy na amoy ko siya at halata naman sa suot niyang high heels. Sa hula ko ay siya ang brand owner.
"Nana, Welcome!" nakangising bati niya sa papasok na babaeng naka long sheath dress na kulay blue. Hanggang balikat lang ang buhok nito.
Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa makalabas na ako. Nang makarating ako sa kotse ko ay muli kong tinignan ang hawak kong velvet box. Tinago ko iyon sa bulsa ko at nag maneho na pauwi.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...