抖阴社区

Chapter 46

8.3K 363 192
                                    


Lyssam

"Daddy... where's mommy?" nilingon ko si Aela sa backseat nang bigla siyang mag salita. Kita ko pang kinukusot niya ang mga mata niya habang humihikab. Paniguradong nababagot na siya dahil mag lilimang minuto na kaming nag hihintay dito sa kotse, wala parin si Vira!

Ang sarap naman ata ng usapan nila ng isang 'yon?!

"She's talking with a donkey, Aela." sabi ko nalang. Walang gana akong napasandal sa upuan. Ilang sandali pa ay kita ko nang nag lakad si Vira palapit sa sasakyan. Masama ko lang siyang tinignan hanggang sa pumasok na nga siya sa front seat.

"Anong klaseng tingin yan?" nakangiwing tanong niya sakin nang muntik ko na siyang mairapan sa sobrang badtrip ko. Nang maisara na nga niya ang pinto ay walang imik ko lang na pinaandar ang kotse.

"Sammie." tawag niya sakin pero hindi parin ako nakinig. Deretso lang sa daan ang tingin ko. Naiinis ako. Gusto kong magalit pero pakiramdam ko wala naman dapat akong ikakagalit—bakit nga ba ako nagagalit? Ano naman ngayon kung ang pangit na 'yon talaga ang gusto niya?

"Sammie..." tawag nanaman niya pero hindi parin ako umimik. "Bakit ka ba nagagalit?!" iritang tanong niya.

"I'm not." walang ganang sabi ko nalang nang hindi parin inaalis sa daan ang tingin.

"You're jealous..." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya pero hindi ko parin siya nilingon. "Nag seselos ka. Boyfriend ba kita?!" singhal niya sakin. Napatiim bagang nalang ako sa huli niyang tanong. Humigpit pa ang hawak ko sa manobela dahil sobrang irita.

"I'm not... but that doesn't stop me from wanting you like I am." madiing sabi ko. Kita ko sa gilid ng mata ko na natigilan siya. Ilang segundo rin siyang natahimik. Nag buntong hininga nalang ako.

"Wala ka namang karapatang mag selos." mahinang sabi niya pero narinig ko parin iyon. Sa gulat ay agad kong hininto ang kotse. Nagulat pa si Vira, napalingon ako sa likuran at okay lang naman si Aela kaya muli kong hinarap si Vira. Seryoso ko siyang tinitigan sa mata.

"That's exactly why I'm jealous... because you're not mine, Vira. Wala akong karapatan. I can't stand the thought of someone else thinking they have the right to be close to you. But I can't do a damn thing about it... kasi nga hindi naman tayo." pigil inis na sabi ko. Napaawang pa ang labi niya. Huminga ako ng malalim at pa-irap na binalik sa daan ang tingin. Hindi ko parin pinaandar ang kotse dahil naiinis pa ako.

"You said I'm not your boyfriend, it's a fact but it's also a choice... be mine then, give me the right to be jealous, Vira." napapaos na sabi ko. Hindi ko kailan man naisip na aabot ako sa puntong para na akong nag mamakaawa sa ganitong bagay. Kita kong gulat niya naman akong nilingon.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya. Napapikit ako ng mariin. Halos hindi ko na nga matanggap ang sarili ko nang sabihin ko iyon tapos gusto niya pang ulitin ko?! Iexplain ko?!

"Sabi mo... hindi ako mahirap gustuhin, gustuhin mo 'ko." madiin na sabi ko. Mas lalo lang nanlaki ang mga mata niya. Ilang sandali pa kaming nag titigan. Nag wawala na nga ang puso ko pero bigla siyang umiwas ng tingin at umayos ng upo.

"Hindi ko kayang magkagusto sa kaibigan ko." nakahalukipkip na sabi niya. Deretso sa harap ang tingin. Ako naman ngayon ang nakanganga dahil sa sinabi niya.

What the fuck?

"Then maybe it's time you stop thinking of me as a friend, Vira." taas kilay na sabi ko. Mahina naman siyang natawa. Sumulyap siya sakin.

"Hindi ako nagkakagusto sa bakla, Sammie..." sabi nanaman niya. Nag iwas pa siya agad ng tingin. Gusto ko nalang umiyak.

Tinitigan ko lang ang mukha niya, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Seryoso parin siyang nakatingin lang sa harap. Napatiim bagang nalang ako nang maramdaman ko na ngang tumulo ang luha ko. Naiyak na talaga ako! Agad kong pinahiran ang mukha ko at huminga ng malalim.

Sumulyap ako kay Aela sa likuran at kita kong nakatulog na nga ito kaya pinaandar ko nalang ulit ang sasakyan. Hindi na ako ulit nag salita at ganun din naman si Vira, hanggang sa nakarating na nga kami ng bahay. Agad na sinalubong ni Mama si Aela. Tuwang-tuwa nanaman silang makita ito kahit nong unang araw palang naman kami umalis.

Kita kong kinakausap pa naman ni Mama si Vira kaya nauna na anong pumasok ng bahay. Hinanap ko agad si kuya Larry. Kita ko naman siyang nasa living room lang habang nilalaro si Levi. Ngumisi nga agad siya nang lumapit ako.

"Nandito pala kayo ulit? Where's my pamangkin?!" luminga-linga pa siya sa paligid para hanapin si Aela. Naupo naman ako sa tabi niya.

"Kuya, do you know any good architects? I'm thinking about building a house." seryosong sabi ko. Naubo naman siya sa sarili niyang laway. Agad niyang binaba si Levi sa sahig at hinarap ako ng maayos.

"Anong sabi mo?!" gulat na tanong niya. Napairap ako at napasandal nalang sa sofa.

"Sammie... you own an entire apartment complex, with thousands and thousands of units, a gym, and a rooftop garden. And now you wanna build a house?" natatawang tanong niya. Irita ko siyang hinarap ulit. Hinampas ko pa siya dahil tumataas na ang boses niya at ayaw ko ngang may makarinig. Lalo na si Vira! Mabuti nalang at nasa labas pa sila.

"Kuya, that's business. This is personal. I want my own place." madiin na sabi ko. Napakamot naman siya sa batok niya. Sumulyap siya sa pinto kaya napatingin din ako roon. Kitang kita sa labas sila Vira na natatawang kausap si ate Donna at Mama.

"Ibabahay mo na si Vira? Kayo ba?" taas kilay na tanong niya. Halata sa boses ang pang aasar. Napapikit nalang ako ng mariin. Sinabunutan ko pa ang sarili ko dahil naiiyak nanaman ako sa tanong ba yan!

"Wala ka talagang kwenta." walang ganang sabi ko. Nawawalan na ako ng pag asang may mapapala pa ako sa kanya.

"You're really out here building a house before even building the relationship, Sammie?" humalakhak na talaga siya kaya agad ko siyang sinabunutan. Paano ba ibubuild ang relationship namin eh sinabi niyang ayaw niya sa bakla?!

"Pwede bang huwag kang maingay?!" naiiyak na sabi ko. Agad naman siyang tumango at agad na tinikom ang bibig.

Humalukipkip nalang ako at sumandal ulit sa sofa. Iniisip ko na noon pa na magpapagawa nga ako ng bahay para sa amin ni Vira, alam kong hindi siya papayag kaya hindi ko na sasabihing nag papagawa ako. Sasabihin ko nalang pag gusto na niya ako.

"I actually might know someone... may kapatid yong kaibigan ko na architect na ngayon. She's done a couple of nice residential projects." seryosong sabi niya. "I'll dig up her info and send it your way." dagdag niya pa. Tumango nalang ako at hindi na nag salita pa dahil pumasok na sila Vira.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon