Alvira"Oh, bakit busangot ka?" tanong ko kay Sammie. Pinapanood ko lang siyang lagyan ng hairpins ang buhok niya, kakatapos niya lang din mag retouch.
"Nasaan si Yiren?" tanong ko nanaman dahil di siya sumagot. Nag buntong hininga siya at malungkot na bumaling sakin.
"They're having a meeting. Nakakainis, ayaw niya akong ireto kay Rance! Pano niya ako manonotice?" busangot na tanong niya, maarte niyang binaba ang hawak na pocket mirror at parang naiiyak na tumingin nalang sa labas ng bintana.
Simula pa noon, gusto niya na talaga si Rance, kaso nga lang may girlfriend pa si Rance sa mga panahong iyon... pero ngayong hiwalay na ito at nalaman naming bakla si Rance, nababaliw na lalo si Sammie.
"Baka bet ka ni Yiren kaya ayaw ka niyang ireto kay Pres." Natatawa kong pang asar. Alam kong hindi naman ganun 'yon dahil pariho silang bottom at mas gusto nila iyong lalaking lalaki parin tingnan.
Nakangiwing bumaling ulit sa akin si Sammie at hinampas ako.
"Kadiri 'to. Hindi no, parang siblings na rin tayong tatlo!" umirap pa siya sakin na agad ko nalang nginisihan dahil gusto ko nanaman siyang pag tripan.
Pumangalumbaba ako sa harap niya habang titig na titig sa kanya. Kunot noo niya lang din akong tinitigan, hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon pero alam kong nandidiri na siya sa titig ko. Mas lumapad tuloy ang ngisi ko dahil gusto ko siyang asarin lalo.
"Ang gwapo gwapo mo pala talaga." halos pabulong kong sabi, agad nanlaki ang mga mata niya, tumayo pa siya para umatras sakin, kitang kita ko kung paano nanindig ang mga balahibo niya. Natawa naman ako.
"Ew, Babe! Don't fall for me, please. Seriously, no!" patili na niyang sabi, mas humalakhak lang ako. Kitang kita talaga sa mukha niya ang takot, taka, at pandidiri. Napapailing nalang ako, wala na talagang pag-asa 'to.
Tumayo nalang din ako na agad niyang kina-alarma. Nilibot ko sa buong room ang tingin, wala naman nang paki sa amin ang mga kaklase namin dahil kaming tatlo na ata ang pinakamaingay sa room. Wala ring pumasok na prof ngayon kaya sobrang gulo ng buong silid.
"May naisip ako." nakangising sabi ko kay Sammie, kunot noo niya lang akong tiningnan. Agad ko siyang hinawakan sa braso na ikinasigaw niya pa.
"Ang arte mo! May naisip akong gagawin para mapansin ka ni Pres." hinampas ko pa siya dahil ayaw niyang magpahawak. Pero dahil sa sinabi ko, nabuhayan agad siya.
"Ano?" takang tanong niya, hindi na ako sumagot at hinila ko na siya palabas ng room. Hindi na rin naman siya nag pupumiglas o pumalag, syempre tungkol na 'to sa crush niya.
Nang makarating na kami malapit sa building kung saan laging nag memeeting ang mga student councils, hinila ko si Sammie sa may mga puno, walang mga estudyante roon dahil class hours ngayon.
"Bakit tayo nandito?" takang tanong niya, nakangisi kong kinapa ang bulsa ko at agad na nilabas ang lighter at sigarilyo. Agad nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"Holy moly, Vira! Bakit may sigarilyo ka?!" madiin at mahinang tanong niya, luminga-linga pa siya sa paligid na baka may makakita. "When did you even start smoking? Where did you get that?!" dagdag niya pa.
"Hindi ako magyoyosi syempre... pero mag papanggap tayo." kumindat pa ako sa kanya na mukhang hindi niya naman ikinatuwa. Akmang sisindihan ko na iyon pero agad niyang pigilan ang kamay ko.
"I don't know what you're up to babe ha, but I think tapos na ang meeting nila, nag kalat nanaman ngayon ang student council! We're gonna get caught!" naiiyak niyang sabi na agad kong ikinatawa. Hinampas ko pa ang kamay niyang nakahawak sakin kaya nabitawan niya ako.
"Iyon nga ang plano! Pag nahuli tayo, mapapansin ka na niya." agad umirap sakin si Sammie nang sabihin ko 'yon. Busangot siya at bagsak ang balikat, umatras ako sa kanya nang akmang aagawin niya iyon pero mabilis ko na rin itong sinindihan.
"Gosh! Where did you get that? 'Yan ba mga natutunan mo kaka-bar mo, Vira?" mataray na tanong niya sakin, humalukipkip pa siya at tinaasan ako ng kilay. Nakangisi nalang akong tumango.
Nag bar ako kagabi at binigyan ako nito nong mga kasama ko, di naman ako naninigarilyo kaya tinago ko nalang. Balak ko sanang itapon pero naisip kong magagamit ko ito para matulungan si Sammie, hindi ko alam kung para ba mapansin siya ni Rance or para maturn off ito sa kanya. Win-win parin sakin iyon kahit alin sa dalawa.
Agad kong nilagay sa bibig ang sigarilyo nang makitang malapit nang mamatay ang apoy. Nanlaki naman ang mga mata ni Sammie, nauubo rin tuloy ako dahil hindi ko naman alam paano manigarilyo.
"I said stop it!" akmang aagawin na sa akin iyon ni Sammie nang bigla kaming makarinig ng boses.
"Sino 'yan?! Bakit amoy sigarilyo dito?!" nang marinig ko iyon ay mabilis kong tinapon ang hawak na sigarilyo at ang lighter.
Kita kong nanigas sa kaba si Sammie at may narinig akong mga hakbang palapit at di nag tagal... bumungad sa amin ang mukha ni Pres. palihim ko pang sinundot ang tagiliran ni Sammie para asarin siya pero mukhang hindi kilig ang naramdaman niya ngayon.
"Since smoking inside the school is a serious violation, I'm going to take you to the guidance office." iyon lang ang sinabi ni pres bago ito tumalikod samin. Nakagat ko nalang ang labi ko.
"Nababaliw na ba kayong dalawa?!" singhal ni Yiren samin nang makalabas na kami ng guidance office. Kakatapos lang namin masermunan doon at hanggang pag labas may sumisigaw parin?! Inis ko lang na binalingan si Yiren.
"Ginawa lang namin 'yon para mag papansin kay pres." walang ganang bulong ko kay Yiren. Tinuro ko pa si Sammie para magets niya agad. Kita kong napapikit ng madiin si Yiren at hinilot nalang ang noo niya.
Sabagay, sino bang hindi maiinis kung council VP ka tapos kaibigan mo mga gago.
"That's a very stupid move." agad akong napa-aray nang sabunutan ako ni Yiren. Mabilis lang naman iyon at bumuntong hininga nalang siya.
"Follow me to the gym... doon kayo mag lilinis." agad akong napalingon sa nag salita. Si Pres iyon, seryoso ang mukha niyang nilampansan kami, lumingon ako kay Sammie na busangot lang.
Naalala ko nga ang sinabi ng couselor kanina...
"For now, as a punishment for smoking on campus, you'll need to do campus clean-up. This is a way for you to take responsibility for your actions and contribute to maintaining a healthy and clean environment for everyone."
Alam ko namang hindi kami agad agad mapapaalis o masususpend dahil lang sa paninigarilyo pero hindi ko rin inaasahan na mag lilinis kami bilang kaparusahan! Akala ko warning lang eh!
"May gagawin pa ako, susunod nalang ako sa gym mamaya." sabi ni Yiren samin, tumango nalang ako at sumunod na kami ni Sammie kay pres.
Nakarating na rin naman kami agad sa gym. May mga binigay na walis at mop sa amin. Nilibot ko sa buong gym ang tingin at gusto ko nalang suntukin ang sarili ko sa mga pinagagagawa ko sa buhay nang makita kung gaano kalaki ang lilinisin namin.
"You may start now." sabi ni pres, nakatingin lang siya sa wrist watch niya. Sumulyap ako sa katabi kong si Sammie na titig na titig kay Pres. Pabiro ko pa siyang hinampas dahilan para mapanaling siya sakin.
"Where's my 'thank you'?" nakangising tanong ko, nag flip hair pa ako sa kanya para mag yabang na kahit papano may napala naman kami sa katangahan ko. Umirap siya sakin.
"Shup up, babe ha... hindi parin ako natutuwa sa ginawa mo." mataray na sabi niya.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...