抖阴社区

Chapter 40

8.3K 389 117
                                    


Lyssam

Nalibot na namin ni Aela ang buong mall, nakain niya ang mga gusto niyang kainin, syempre sinunod ko parin ang bilin ni Vira. Ngayon nga ay naisipan kong puntahan nalang namin si Yiren dala-dala ang mga pinamili naming laruan.

Hindi ko kasi alam kung bakit, masaya naman akong kasama ko ngayon si Aela, masaya akong nagkakabonding kaming dalawa, ngayon ko lang siya nakasama ng sobrang tagal, natutuwa rin ako dahil habang tumatagal mas nakikita ko talaga ang sarili ko sa kanya, kahit sa mga hilig at sa ugali.

Iyon nga lang... parang may kulang parin, masaya ako pero may lungkot parin. Diba ito naman ang gusto ko? Ang makilala ang anak ko, makasama siya—ngayong nangyayari ito ay pakiramdam ko may kulang parin. Naiiyak ako kaya pupuntahan ko na talaga si Yiren!

"Babe..." Naiiyak na sabi ko. Sumulyap ako kay Aela na abalang buksan ang mga laruan niya. Kunot noo lang akong tinignan ni Yiren.

"What happened?"

"Babe... bakit parang may kulang parin?" naiiyak kong sabi. Tumaas ang kilay niya sakin. Pabagsak akong naupo sa sofa at siya naman ay nakahalukipkip lang sa harap ko. Sinusuri ako ng mabuti, hindi ko alam kung nilalait niya ba ako sa utak niya o ano.

"Anong kulang?" takang tanong niya. Napabuntong hininga ako at inis siyang tinignan.

"That's exactly my question! I don't know either..." Busangot na sabi ko. Hindi nanaman umimik si Yiren, tinitigan niya nanaman ako na parang may hinahanap din siyang sagot sa mukha ko. Naiinis ako sa paraan ng tingin niya sakin dahil parang nandidiri na siya habang tumatagal.

"Nasaan si Vira?" biglang tanong niya.

"Umalis nga diba? Kasama ang putanginang Eric na 'yon. Akala ko ba hindi niya boyfriend 'yon?! Bakit lagi niyang kasama?!" hindi ko na napigilan ang inis ko nang maalala nanaman ang tanginang 'yon. Nagulat naman ako nang biglang humalakhak si Yiren.

Isa pa 'to... nakakabwisit din 'to. Umirap nalang ako sa kanya dahil parang mas lalo lang akong naiyak. Hindi talaga siya tumigil sa kakatawa kaya sinipa ko na siya.

"Tumahimik ka nga, ano bang nakakatawa?!" iritang tanong ko. Pigil na pigil naman siyang matawa ulit. Nakahawak pa siya sa dibdib niya at pilit pinapakalma ang sarili.

"Ikaw, ikaw Sammie, ang nakakatawa... I have no idea how you're getting out of this one, but it's gonna be interesting." ngumisi siya sakin at tinapik ako sa balikat.

"Pinagsasabi mo?" hindi ko talaga alam kung tanga o lutang lang ako o talagang ang layo lagi ng mga sinasabi ni Yiren sa mga pinag uusapan namin. Ano nanaman ba ang sinasabi niya? Hindi ko naiintindihan.

"If I kiss you now, would you be disgusted?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad akong napangiwi, napatakip pa ako sa bibig ko.

"What the fuck?! Malamang!" nasusukang sabi ko. Pinaningkitan niya lang ako ng mata at dahan-dahang ngumisi. Tangina, anong klaseng tanong 'yon? Kahit pareho kaming bakla ni Yiren nakakasuka parin 'yon!

"Bakit?"

"Anong bakit?!" napaayos pa ako ng upo dahil talagang tinanong niya pa?! "Of course kasi we're friends, friends don't kiss—" naputol ang sinasabi ko nang agad niyang ituro si Aela. Nag lalaro lang ito sa sahig. Anong meron?

"Pero pag si Vira ang humalik sayo?" taas kilay na tanong niya sakin. Natigilan naman ako at hindi agad nakasagot. Hindi ko alam kung bakit pero biglang nahirapan akong huminga nang isipin ko ang sinabi niya.

"Mandidiri... rin." sabi ko. Kahit...

"Oh! You're having second thoughts! Nafefeel ko!" umiling-iling siya na parang nababaliw na. Inirapan ko siya agad at napatitig nalang sa sahig. Alam ko ang ibig niyang sabihin.

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon