Lyssam"How's the leasing firm going, Sammie? Is everything running smoothly?" tanong ni Papa. Walang gana akong tumango sa kanya.
Simula nong nakagraduate ako, pagkatapos kong hanapin si Vira na wala naman akong napapala... binigyan na nga ako ni Papa ng malaking responsibilidad, ako ang nag ma-manage ng residential leasing firm namin. Ayaw ko sanang tanggapin iyon dahil gusto kong sa ibang bansa na ako mag tatrabaho at titira kasabay nang pag hahanap ko kay Vira pero dahil ayaw nga rin ni kuya Larry ang business na iyon... wala na akong magawa.
"Any updates on Vira?" sumulyap ako kay Mama nang tanungin niya iyon. Dahan dahan akong umiling dahilan para malungkot nanaman siya. Kaming lahat ay tahimik na kumakain sa mesa.
Three years... three damn years ago ang huling nakita ko si Vira, simula nong umalis siya ay di na siya nawala sa utak ko. Dagdag pa na siya rin ang hinahanap ng pamilya ko. Ako lagi ang kinukulit kung nasaan na siya, kung bakit hindi parin nakikita hanggang ngayon, kung bakit hindi ko parin alam kung nasaan siya.
Halos linggo-linggo akong bumibisita kay Yiren para lang tanungin siya kung nasaan na si Vira. Nakakainis. Nakakainis dahil ganun parin ang lagi niyang sinasagot.
Sa loob ng three years na 'yon ay hindi niya sinasabi kung saang parte ng Hongkong ba pumunta si Vira. Kulang nalang libutin ko ang buong Hongkong, wala parin. Tangina. Para na akong mababaliw.
Simula nong umalis si Vira, sobrang tamlay na lagi ng mga araw ko. Kahit minsan ay nag kakasama naman kami ni Yiren, iba parin talaga pag kompleto kaming tatlo. Namimiss ko na 'yon. Hindi ko mapigilang maiyak tuwing naaalala ko ang masasayang araw na magkasama kami.
"The kid must be three by now." rinig kong sabi nanaman ni Mama. Napailing nalang si Papa na parang dismayadong hindi man lang nila ito nakikita.
"Babae kaya ang anak ni Vira? Sobrang blooming niya nong huli ko siyang nakita. I think she might be having a little girl!" nakangiting sabi ni Ate Donna. Nabaling sa kanya ang atensyon ko.
Baby girl?!
Mas lalong gusto kong maiyak dahil gustong gusto ko na talaga silang makita. May parte parin kasi talaga sakin na naniniwalang hindi pinalaglag ni Vira ang bata. Naniniwala akong hindi niya magagawa iyon.
Kaya mas lalong gusto ko siyang hanapin, gusto ko siyang makita, gusto kong makita 'yong bata, gusto ko silang makasama, gusto ko siyang makilala, at gusto kong humingi ng tawad sa mga sinabi ko noon.
Sobrang pinagsisihan ko talaga 'yon.
"May kalaro na sana si Levi ngayon." sabi naman ni kuya.
"Kalaro? Is it like... a horse?" kunot noong tanong naman ni Levi, kita kong muntik pang mabulunan si ate Donna.
"Kabayo 'yon." rinig ko namang sabi ni kuya.
Tahimik nalang akong nagpatuloy sa pagkain.
Ano kaya ang itsura ng anak ko—hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa salitang 'anak ko'! Hindi ko kailan man naisip na dadating ang araw na 'to... pero nasaan na ba kasi sila?
Kakagraduate nga lang namin ni Yiren. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong naiyak sa araw na 'yon dahil kaming tatlo dapat nila Vira ang sabay na gagraduate nun pero hindi nangyari... dahil wala si Vira. Nakakalungkot isipin.
Naiinis ako sa sarili ko. Kasalanan ko lahat 'to. Kung hindi lang ako putangina, hindi dapat nangyari 'to.
Alam kong bakla ako, ayaw kong isipin na iyon ang dahilan kung bakit sinabi ko kay Vira na ipalaglag ang bata, ayaw kong isipin na tinalikuran ko ang responsibilidad ko noon dahil lang sa bakla ako—hindi naman ganun iyon. Hindi ko na nga naisip na bakla ako sa gabing may nangyari sa amin. Putangina talaga!

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...