抖阴社区

Chapter 48

6.7K 368 100
                                    


Lyssam

"Mr. Sandoval." napalingon ako sa likuran nang biglang may tumawag sa akin. Isang babae na nakadress ng sobrang fit. Mahaba ang curly niyang buhok. Hirap na hirap pa siyang mag lakad palapit sa akin dahil ang haba ng suot niyang heels at medyo mabato rito sa site. Paniguradong siya iyong architect na sinasabi ni kuya.

Nang makalapit siya sa akin ay agad siyang ngumisi. Pulang-pula pa ang labi niya, hilaw nalang din akong ngumiti pabalik.

"It's great to finally meet you in person, I'm Kristen." nakangiting sabi niya. Nilahad niya pa sa akin ang kamay niya. Tumango ako at mabilis itong inabot pero agad ko ring binitawan.

"Nice to meet you. Thanks for coming out here... so ito na 'yong site na sinasabi ko. I've been looking forward to seeing what we can do with this place." sabi ko nalang at tinuro ang napakalawak na lupain sa harap namin. Malapit lang ito sa complex namin. Gusto ko lang dito magpatayo ng bahay dahil ang ganda ng view at payapa ang paligid.

"Ow... of course, I'm happy to be here, Mr. Sandoval. This site has a lot of potential... I can already see some great opportunities." Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumaas agad ang kilay ko at umatras palayo sa kanya.

"So, tell me... what's your vision for the house?" nakangiting tanong niya ulit sakin. Napabuntong hininga nalang ako at nilibot ang tingin sa buong paligid. Mahangin at sobrang tahimik, natatanaw rin ang magandang view sa left side.

"I'm thinking about something cozy and modern... I also want it to be spacious but not too big. I'm imagining a lot of natural light, and maganda ang view sa banda doon, so maybe some big windows... I also want to have some outdoor space, maybe a garden or deck area."

"You seem like someone who knows what they want... I like that." nakangising sabi niya. Hindi ko na siya pinansin. Nag patuloy lang ako sa pag sasalita kung anong mga gusto kong gawin sa ipapatayo kong bahay. Tumango tango lang din naman siya.

"Understood. I'll take some measurements and photos, and once I have a clearer sense of the site's conditions, I'll sketch out a few initial concepts. Then we can start talking about layout ideas and materials that fit the space." sabi niya. Tumango lang ako agad.

"Sounds good."

"We can meet again soon to go over the next steps. Para masiguro ko ring magugustuhan mo iyong design na gagawin ko." nakangiting sabi niya. Tumango lang din ako. "How about next day?" dagdag niya pa.

"Maybe next week." sabi ko nalang, busy nga ako sa mga susunod na araw dahil malapit na rin ang birthday ni Aela. Marami pa akong dapat asikasuhin.

"Okay, next week..." busangot na sabi niya. Hinawi niya pa ang buhok niya. Nag lakad nalang ako palapit sa kotse ko.

"I'll head out. Thanks again for coming. Just send over whatever you come up with. You can stay and take your time if you need to." pumasok na ako agad sa kotse. Kita ko namang tumango lang siya at kumaway pa nang paandarin ko na ang kotse.

Pagkatapos ko ngang makausap ang architect ay nag tungo muna ako sa complex dahil marami rin akong dapat kunin na reports. Iyon nga lang nong paalis na sana ako ay nakasalubong ko nanaman iyong architect na kakababa lang din sa kotse niya.

"Omg, what a coincidence, ikaw pala may-ari nitong nakuha kong apartment." Nakangiti niya pang sabi.

"Ah, yeah... enjoy your stay." walang ganang sabi ko nalang at nag patuloy lang sa paglalakad patungo sa parking lot. Narinig ko pa siyang nag sasalita at parang tinawag ako pero hindi ko na pinansin dahil kailangan ko na ngang pumunta sa ranch.

Pagod na pagod akong umuwi sa bahay, ginabi na nga ako sa rancho. Nang makapasok ako ay doon ko lang naalala na may lakad nga pala dapat kami nila Vira ngayon. Napasabunot nalang ako sa noo ko at dahan-dahang nag tungo sa kwarto ni Aela. Pag pasok ko nga ay kita kong tulog na ito.

Kunot noo ko lang na tinitignan si Vira na galit na galit na nakatitig sakin. Paniguradong galit siya dahil hindi natuloy ang lakad dapat namin kanina, pero may bukas pa naman. Hindi ko lang inaasahan na matatagalan ako.

Wala rin naman akong balak banggitin sa kanya ang tungkol sa pag punta ko sa site dahil ayaw kong malaman niyang mag papatayo na nga ako ng bahay. Isa pa, nag tatampo rin ako sa kanya.

"Galing ka sa rancho? Bakit sabi ng daddy mo nag punta ka raw sa complex?" nakahalukipkip na tanong niya. Tumikhim naman ako at agad na tumayo.

"Dumaan ako doon bago nag punta sa rancho." sabi ko nalang. Pinanliitin niya ako ng mata. Hindi ko alam pero mas nakakatakot pa siya kesa kay Mama.

"May kasama ka rawng... babae." mahinang sabi niya. Natigilan naman ako. Sino naman bang nag sabi nun? Agad kong nakagat ang ibabang labi at napaayos nalang sa buhok ko. Bakit ba tunog nag seselos siya? Akala ko ba kaibigan lang tingin niya sakin? May kaibigan bang ganyan mag tanong?

"Don't tell me you're jealous." humalukipkip din ako sa harap niya. Tumaas ang kilay niya kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Hindi ako nag seselos, bakit naman ako mag seselos?" madiin na sabi niya. Nanlilisik na ang mga mata niya sa akin ngayon. Natatakot ako pero kailangan ko ipakita sa kanya na naiinis din ako sa mga sinabi niya sakin kahapon.

"Hindi ka nagseselos? Then why do you keep looking at me like you want to punch me, Vira?" umangat pa ang gilid ng labi ko para mas maasar siya. Umirap naman siya sakin at agad na kinalas ang mga kamay niya mula sa pagkakahalukipkip. Nakatitig parin siya sakin kaya ganun din ako sa kanya. Nadidistract ako kasi... ang ganda.

"Kasi nakakainis ka. Sinabi mong aalis tayo pero hindi ka naman dumating. Buong araw nag hintay si Aela." mataray niyang sabi.

Tumalikod siya sakin para maupo sa kama katabi  i Aela. Napabuntong hininga nalang ako. Naguguilty ako dahil gusto ko naman talagang mag mall kami kanina, ibibili ko siya ng mga susuotin para sa pony riding niya.

"Bukas nalang tayo mag shopping." busangot na sabi ko. Sumulyap siya sakin at galit parin ang mukha. Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo at ganun nanaman siya sakin. Ang mga mata niya... masyadong nakakaligaw—nakakalunod. Napalunok nalang ako ng laway.

"Vira, nakakapagod na. Tigilan na kaya natin to... we've been doing this for a while now." sabi ko habang bagsak na bagsak ang mga balikat. Sa totoo lang, pagod na pagod na talaga ako sa larong to. Kumunot naman ang noo niya.

"Ano?"

"Pretending we don't have feelings for each other." agad na sabi ko. Alam ko naman sa paraan ng pag tingin niya sakin na may nararamdaman siya para sakin, bukod sa galit. Ayaw niya lang aminin. At alam kong meron talaga dahil... ganun din ako.

"Hindi ako nag pe-pretend." pag mamatigas niya. Ngumisi lang ako at humakbang palapit sa kanya.

Gusto ko na ngang matawa nang makita kong nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Sinubukan niya pang umatras pero di na niya magawa dahil bedside table na ang nasa likuran niya. Yumuko ako agad palapit sa mukha niya dahilan para manigas siya.

"It's funny how you say that when I can feel your heart beating faster, just from being this close, Vira..."

A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon