Lyssam"Tell me, Yiren. Alam kong alam mo." pagod na akong paulit ulit sabihin ito sa kanya.
Nakaupo lang siya sa sofa habang nag babasa ng magazine, may nakacover na towel sa ulo niya. Bagong ligo dahil sobrang aga kong pumunta rito para pilitin ulit siyang mag salita.
Ilang buwan na ang lumipas at malapit na ata akong masiraan ng ulo dahil hindi ko parin mahagilap si Vira. Hindi na siya bumabalik sa apartment niya, lumipat ba siya? Hindi na rin siya pumapasok. Pinahanap ko na siya sa buong lugar. Tumulong na rin ang pamilya ko sa pag hahanap. Lahat na ata ng koneksyon namin ay nagamit na. Wala parin si Vira.
Nasaan na ba siya?!
Dahil nga sa narinig ng kaibigan ni Rance na si Alejandra ang tungkol sa nangyari sa amin ni Vira ay nalaman na nga ni Rance ang tungkol doon.
Sa mga panahong iyon ay hindi pa ako handang sabihin sa kanya, natatakot akong iwan niya ako. Ayaw kong mangyari iyon pero kalaunan... inamin ko parin dahil alam kong hindi rin magiging maayos ang relasyon namin kung ipag papatuloy ko iyon nang puno ng kasinungalingan at sekreto.
Sobrang sakit, sobrang sakit na kailangan naming mag hiwalay dahil sobrang mahal na mahal ko na si Rance, pero sadyang iba lang talaga ang nagiging takbo ng buhay ko. Siya nga ang nakipag hiwalay sakin, alam niya rin naman na nangyari iyon bago maging kami.
Alam kong may responsibilidad pa akong dapat isipin kay Vira, hindi ko naman iyon nakakalimutan pero gusto ko paring subukang ayusin ang meron kami ni Rance. Pero mas ginusto niya paring tapusin iyon.
Wala na rin akong nagawa. Hanggang sa natanggap ko na nga.
Halos anim na buwan na ang lumipas simula nang mangyari iyon. Halos anim na buwan na rin akong namimilit kay Yiren na sabihin niya sa akin ang totoo kung sakaling alam niya kung nasaan si Vira. Sa tagal na rin kasing nawala si Vira ay napapansin kong hindi masyadong nag aalala o nag hahanap si Yiren.
Pakiramdam ko tuloy ay alam na niya kung nasaan ito at ayaw niya lang sabihin sa akin. Naiintindihan kong galit sila sa akin, kahit nga ako galit sa sarili ko pero kailangan ko parin talagang malaman kung nasaan si Vira.
"Where is she, Yiren? Tell me." madiin na sabi ko ulit.
Hindi naman na rin masyadong galit si Yiren sakin, nakikipag usap parin siya sakin sa ibang bagay pero pag dating kay Vira ang usapan ay hindi na siya nag sasalita o umaakto na siyang walang naririnig, gaya ngayon.
"Yiren!" ulit ko nanaman. Bumuntong hininga siya at walang ganahang bumaling sakin.
"You really wanna know?" mataray na tanong niya. Agad akong napairap.
"Six months, Yiren. I've been asking you the same question for six months, and now you're asking me if I want to know?!" inis na sabi ko.
"Fine! Nasa HongKong siya." agad na sabi niya, binalik niya sa hawak na magazine ang tingin. Napabangon naman ako at kunot noo siyang tiningnan.
Hongkong?! Paano naman siya napunta dun?!
"Bakit siya napunta sa HongKong?" takang tanong ko.
"Bakit mo pa ba siya hinahanap?" iritang tanong niya naman sakin. "Hahabulin mo siya? Para saan pa? Diba sinabi mo sa kanya na ipalaglag ang bata? Pinalaglag na niya!" dagdag niya pa.
Nanigas naman ako sa kinauupuan ko. Alam kong sinabi ko iyon kay Vira pero ayaw ko naman talagang gawin niya iyon. Ginawa niya ba? Pinalaglag niya? Hindi pwede... hindi niya naman siguro kayang gawin iyon.
Gusto kong umiyak.
Paano kung pinalaglag niya nga? Nasasaktan ako. Putangina. Sobrang pinagsisihan ko ang sinabi ko na 'yon. Hindi ko dapat sinabi 'yon. Hindi dapat siya umalis, gusto ko nang makita si Vira. Ang tagal na nong huli ko siyang makita, namimiss ko siya.
"Yiren please... stop joking." nanghihinang sabi ko. Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Nanginginig na rin ako sa kaba, hindi ko kayang isipin na pinalaglag nga ni Vira ang bata.
"Do I look like I'm joking?! Pinalaglag niya ang bata, nakahanap siya ng sugar daddy at sa Hongkong na sila nag stay." mataray niyang sabi. Napapikit nalang ako ng mariin.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Yiren. Nakakaputangina. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Napakawalang kwenta niyang kausap.
At dahil nga hindi naman ako naniniwala sa sinabi ni Yiren, umuwi nalang ako. Wala talaga akong mapapala sa isang 'yon. Lutang nanaman akong dumating ng bahay. Pag pasok ko palang ay bumungad na agad sa akin sila Ate Donna na karga karga si Levi.
Ngumiti ako agad nang makalapit na ako sa kanila. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Manang-mana siya kay ate Donna, kulot ang itim na buhok, hindi niya nakuha light brown na buhok ni kuya Larry kaya medyo nag tatampo rin iyon dahil wala man lang siyang napasa sa anak niya kahit lalaki ito, pero syempre love na love namin si baby Levi.
Nag paalam muna ako kay ate na mag maligo at mag bihis para pwede ko nang kargahin si baby, nang makabalik nga ako ay ako na ang kumakarga sa kanya.
Six months na si baby Levi. Habang karga karga ko siya ay hindi ko maiwasang maisip si Vira, six months na ang nakalipas... ibig sabihin ba nun, nanganak na siya? Pero taena naman! Sinabi ni Yiren na pinalaglag nga raw ni Vira ang bata.
Paano kung totoo?
Pero paano kung hindi?
Nanganak na siya? Hindi ba siya nahirapan sa pag papanganak niya? Sinong kasama niya? Okay lang ba siya? Healthy ba 'yong baby? Babae ba o lalaki? Anong itsura niya? Kamukha ba niya? Kamukha ko ba? Anong pangalan? Gustong gusto ko silang makita...
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Agad akong tumingala para pigilang tumulo ang mga susunod na luha. Pero ayaw talaga nilang papigil.
"Sammie? Sammie ayos ka lang ba?" tanong ni Ate Donna, tumango lang ako at binalik nalang sa kanya si baby Levi dahil nanghihina na rin ako. Napaupo nalang ako sa sofa at patuloy parin sa pag tulo ang luha ko.
"Ate... do you think Vira aborted the baby?" bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko, rinig kong napasinghap pa siya. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
"No. Paniguradong hindi magagawa ni Vira 'yon." agad na sabi niya.
Kahit alam kong walang nakakasiguro sa amin ay medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko kahit papaano. Kahit papano, may tao paring naniniwala na hindi iyon magagawa ni Vira.
Gusto ko na talagang patayin ang sarili ko dahil kung ginawa iyon ni Vira ay wala na akong ibang sisisihin kundi sarili ko. Hindi ko na nga mapatawag ang sarili ko dahil sinabi ko iyon.
"Don't worry, Sammie. Makikita rin natin si Vira. Alam kong nasa mabuting kalagayan din sila ngayon." bumuntong hininga nalang ako sa sinabi ni ate Donna.
Sana nga.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...