"Ngayon, di na talaga ako naniniwalang wala kang alam nang ginawa niyo 'yan!" turo niya ulit kay Aela. Masama ko siyang tiningan.
"What's your fucking point, Yiren?" iritang tanong ko. Natigilan naman siya at nakanganga akong tiningnan na parang ang bobo ko para itanong iyon.
"My point is... tanga ka." nag martsa agad siya patungo sa kusina para kumuha ng tubig. Mukhang naiistress na siya.
Dahil nga walang kwentang kausap si Yiren. Naisip kong dalhin nalang si Aela sa bahay. Nang makita kong tuwang tuwa sila Mommy sa kanya ay may naisip agad ako. Nag tawag ako ng mga tauhan para ayusin ang isa sa mga guest room dahil gusto kong may kwarto rito si Aela. Mabuti at nagustuhan niya naman ito.
Maliban syempre... kay Vira. Halata sa mukha niya na hindi siya natutuwa.
"Bakit mo ba ito ginagawa?" salubong ang kilay niya. Pabulong iyon kaya kailangan niya pang ilapit sa akin ang mukha niya para marinig ko ang sinabi niya. Sa sobrang lapit niya sakin ay di ko na maiwasang mapatitig sa mukha niya.
"Sammie." tawag niya sakin nang hindi ako agad nakasagot. Tumikhim ako at ginulo ang buhok ko. Iniwas ko ang tingin at nilibot nalang iyon sa buong kwarto. Sobrang colorful and cute nun.
"Kasi gusto ko nga and gusto ni Aela. She's so happy in here. It's like her dream came true, and I can't take that away from her." busangot na sabi ko sa kanya. Mas lalo lang nalukot ang mukha niya. Parang ayaw na ayaw niya talagang dito sila mag stay sa bahay.
Kung ganun, pwede naman kasi kaming magpatayo o bumili ng sariling amin. Ayaw kong manatili sila sa apartment namin dahil nadoon ang Eric na 'yon. Sobrang naiirita na ako sa presensya ng lalaking 'yon. Kahit sobrang lalim na ng gabi, sumusulpot parin siya.
"Kung may balak kang gawin ito bakit hindi nalang sa apartment namin?" inis na tanong niya.
"Ayaw kong nandoon kayo."
"At bakit?" taas kilay na tanong niya. "Pag mamay-ari mo iyon pero hindi mo nagustuhan?!"
"Hindi sa ganun, ayaw ko lang na doon kayo, may nakakairita." reklamo ko. Mas lalo lang siyang nag taka at hindi naman na siya umimik. Pinanood niya lang ulit si Aela. Ako naman ay... pinapanood siya.
"Hindi ako uuwi kung hindi uuwi si Aela, kasama ko." hindi ko na napigilan ang ngisi ko sa sinabi niya. Napangiwi pa siya nang makitang ang saya ko. Tumango lang ako agad.
"Good, malaki naman ang kwarto k—ang guest room namin." tumikhim pa ako dahil bakit ko naman siya patutulugin sa kwarto ko?! Tumaas pa ang kilay niya sa akin at pinaningkitan ako ng mata. Napalunok nalang ako ng laway.
"Anong guest room? Dito ako matutulog sa tabi ni Aela." nag lakad pa siya palapit kay Aela. Sinundan ko agad siya ng tingin at di ko na maiwasang mapanganga.
Kasya naman ang dalawang tao sa higaan ni Aela pero kung dito siya matutulog edi dito nalang din ako. First time kong makatabing matulog ang anak ko pero hindi kami kakasya kung tatlo kami dun.
"Dito rin ako matutulog." sabi ko agad. Gulat akong nilingon ni Vira. "Bahay ko 'to kaya ako mag dedesisyon kung saan ako matutulog." nakangising dagdag ko agad bago pa siya nag reklamo. Umiling lang siya, pagod na rin siyang makipag talo.
"Sa sahig ka." sabi niya na agad ikinabagsak ng balikat ko.
"May banyo ba rito? Saan ako maliligo at mag bibihis?" tanong niya naman sakin.
"Sa kwarto ko." agad na sagot ko. Natigilan naman siya at nakatitig lang sakin. Ganun din ako sa kanya. Ilang segundo rin kaming natahimik hanggang sa huminga na siya ng malalim.
"Sa guest room?" tanong niya sakin.
"Sira lahat ng banyo sa guest room." kinagat ko agad ang labi ko para pigilan ang matawa nang makita ko ang reaksyon niya. Hindi naman totoong sira talaga at mukhang hindi rin naman siya naniniwala. Nag lakad siya palapit sa akin at nagulat ako nang sabunutan niya ako agad.
"Fuck... Vira!" pilit kong inalis ang kamay niya sa buhok ko.
"Ginagago mo ba ako, Sammie? Pinaplano mo talaga lahat ng to." gigil na sabi niya. Binitawan niya naman ako agad kaya nakangiwi kong hinimas ang ulo ko. Tumayo nalang ako at kinuha ang iilang paper bags na nasa tabi lang ng kama ni Aela.
"Ano yan?" tanong niya nang iabot ko ito sa kanya.
"Namili na rin kasi ako ng mga susuotin mo." kita kong naningkit nanaman ang mga mata niya sa akin at parang sinusuri ako. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa paper bags na hawak ko.
"Hindi mo nga ito pinaplano." Sarkastiko niyang sabi. Nakagat ko nalang ang labi ko para pigilan ang matawa. Tumikhim ako at umiling, idedeny ko parin talaga. "Hindi." sabi ko nalang.
At dahil nga sarado naman ang lahat ng pinto sa guest room, napilitan nga siyang sa kwarto ko nalang maligo. Bumalik lang din naman ako agad sa kwarto ni Aela para bantayan siya. Tatlong taon akong wala sa tabi nila kaya ngayong nandito na sila—lalo na si Aela, gusto kong ibigay sa kanya lahat ng gusto niya.
Natutuwa ako tuwing nakikita siyang masaya, pakiramdam ko, bawing bawi iyong mga taon na hindi ko na alam paano sumaya. Ngayon... may rason na ulit ako para matuwa sa mundo. Akala ko habang buhay na akong malungkot.

BINABASA MO ANG
A Feeling I Couldn't Resist (Vexed Men Series #5)
RomanceLyssam "Sammie" Sandoval, a gay man, never imagined that a single night with his friend, Alvira Silvas, would change everything. Habang nilalabanan ang kalituhan sa kanyang kasarian, nahihirapan siyang harapin ang sitwasyon kaya naman iniwan siya n...
Chapter 40
Magsimula sa umpisa