Umiikot na malaking bakal na yari sa gulong,
Dahan-dahan ang pag-ikot, hanggang sa rinig ko na ang bilis nito,
Ayoko na. Ayoko ko na, sigaw ko,
Ngunit hindi tumitigil ito,
Wala ako sa loob ng bahay, wala rin sa bubong,
Pagkalas ng mga bakal ay rinig ko,
Tama na. Tama na, aking bulong,
Hihingi sana ako ng tulong,
Ngunit hindi ko na nagawa sapagkat tumigil na ang pag-ikot ng mundo,
Ang pagtigil na nagbigay sa akin ng maraming tanong.
- - -
Tang*na!
Sino ba ako?
Alam kong isang malaking katangahan 'to pero hindi ko na talaga maalala kung sino ako!
Sa dinami-dami ng puwede kong kaligtaan, iyun pa talagang buong pagkatao ko!
Ang pangalan ko, ang pamilya ko, ang edad ko, mga kaibigan ko, kung saan ako pinangamak, kung saan ang bahay ko, hindi ko na maalala!
Natatandaan ko ang brand ng napkin na ginagamit ko, kung ano ang toothpaste na ginagamit ko, mga patalastas na napanuod ko, pero 'yung buong pagkatao ko, hindi ko na maalala!
Nagising ako ngayong umaga sa loob ng isang cabin ng isang ferris wheel nang hindi ko nang alam kung sino ako.
Hilong-hilo ako at gulong-gulo ang isipan ko na para bang nagpaikot-ikot ako ng sobrang bilis na naging sanhi upang mahimatay ako.
Nasusuka at naduduwal din ako. Kamuntikan na akong masuka pero nilunok ko lang pabalik 'yung umakyat na suka. May nalasahan pa akong fried chicken. Maasim nga lang.
Pagmulat ko ng mga mata ko, napapikit agad ako nang saktong tumama sa mga mata ko ang sinag ng araw.
Lumingon ako sa kabila, umayos ako sa pag-upo at napatingin sa labas. Kita ko ang buong syudad mula rito sa ibabaw. Ang mga gusali. Ang mga maliliit na bahay. Ang mga mga highways. Ang asul na asul dagat sa hindi kalayuan. At ang nag-iisang isla sa may bandang hilaga.
Natuwa ako sa nakita ko kasi nakakamangha naman talaga 'yung view mula rito pero noong napagtanto ko na nasa pinakaibabaw pala ako ng ferris wheel, bigla akong nagpanic!
"Tulong! Tulungan niyo po ako! Jusko po! Mamamatay po ako rito! Mommy! Daddy!"
Sa pagsigaw ko, biglang nagsiliparan 'yung mga malilit na ibon kanina lang ay mapayapang tumatambay sa metal rails ng isang signal tower. Binanggit ko rin ang katagang 'Mommy' at 'Daddy' kahit na hindi ko naman alam kung sino 'yung mga magulang ko.
"Tulong po! Please po! Maawa po kayo sa akin! Gusto ko pa pong mabuhay!" Jusko! Naiiyak na ako. Paano ba kasing napadpad ako rito sa pinakaibabaw? Na-kidnap ba ako? O baka naman pinag-tripan lang?
"Tulong po! Jusko! Hindi ko na kaya dito!" Ngumawa ako sa may bintana. At noong ngang medyo nawala 'yung balanse ng cabin, bigla akong napahawak sa bawat magkabilang dulo.
"Lord!"
Bigla akong napadasal nang wala sa oras. Sana hindi pa ako mamatay! Sana hindi pa ako---

BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
抖阴社区 Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte