Tilt
Paggising ko, wala pa rin ako sa totoong mundo. Nandito pa rin ako sa mundong flat at distorted ang logic. Alas singko nang umaga nang marinig ko ang kalembang sa kalapit na simbahan. Humihilik pa si Anxiety habang ako ay dilat na dilat na. Hindi ko muna siya ginising bagkus ay nagkusa na lang ako na pumunta sa kusina niya para magluto. Mayroong refrigerator doon na may laman na mga frozen na pagkain. Gusto kong magluto ng adobo kaya kinuha ko 'yung kalahating kilo ng karne. Kinuha ko rin 'yung ibang sangkap at nagsimula nang magluto.
So far, paggising ko, wala naman akong napansing kakaiba. Dahil alas singko pa ng umaga, base sa orasan ni Anxiety na nakasabit sa cabinet niya, medyo madilim pa sa labas. Hindi airconditioned 'yung bahay ni Anxiety pero ramdam ko pa ring 'yung lamig sa labas. Gusto ko ngang mag-jacket pero ayaw ko rin namang basta-basta na lang kumuha sa cabinet ni Anxiety. May hiya rin naman ako sa katawan ko kahit papaano.
"Lalalalala." Sinubukan kong kumanta habang nagluluto ako. Habang niluluto ko 'yung adobo, binabantaya ko rin 'yung ricecooker na nasa may paanan ko lang. Kumanta ulit ako at ginamit ko pa 'yung sandok bilang microphone ko. Maya-maya pa, biglang kumulog sa labas.
Napanganga na lang ako at nagpatuloy na lang sa pagluluto. Walanghiya. Ganoon ba kapangit ang boses ko para kumulog?
Noong natapos na ako sa pagluluto ng adobo, nagpunta ako sa may window tapos kumanta ulit. Ininis ko 'yung langit. Wala pang isang minuto, bumubos na ang malakas na ulan. Walanghiya talaga!
Nagising na si Anxiety. Binati niya ako ng magandang umaga habang humihikab. Tumayo na siya pagkatapos niyang magpahid ng laway at habang naghihilamos siya roon sa may lababo, tumambay ulit ako sa may window.
Dahil umuulan, hindi ko binuksan 'yung bintana. Bukod sa ulan sa labas, kita ko rin 'yung mukha ko sa reflection ng salamin. May suot pa rin akong mask. Sinubukan kong kunin ito pero ayaw talaga matanggal. Ano kayang totoong hitsura ko? Maganda kaya ako?
Kumain na kami ni Anxiety ng agahan at tuwang-tuwa siya sa ulam namin. Natuwa rin naman ako dahil na-appreciate niya 'yung niluto ko kaso nga lang, nagmukha ulit na parang gamot 'yung mga nakahain. Kahit na 'yung tubig e mukha ring gamot! At dahil 'di bagay sa akin na mag-inarte kasi walang-wala naman na talaga ako, pinilit ko pa rin na kumain.
Pagkatapos kumain, inihanda na namin ni Anxiety ang mga sarili namin. Tinamad akong maligo kaya naghugas lang ako ng buhok. Si Anxiety naman, tinamad na gumalaw kaya tinitigan niya lang ang sarili niya sa salamin. Kung ano ang suot namin kahapon, ganu'n din ang suot namin ngayon.
"Maganda ba?" tanong ni Anxiety. Ngumiti siya at umikot-ikot sa harapan ko. Tinutukoy niya 'yung damit niya.
"Medyo," awkward kong sabi at pinulupot niya na ang kamay niya sa braso ko.
"Ang galing mo talaga Memorie. Hindi ka plastic."
Bumungisngis siya noong humarap kami sa salamin.
May natanto ako bigla. Kaya siguro gustong-gusto ni Memorie 'yung mga taong prankang tulad ko kasi na-percieve niya bilang plastic yung mga tao sa paligid niya. Kaya 'yun rin 'yung dahilan kung bakit parang mga synthetic dolls 'yung paningin niya sa mga tao. Eh ako kaya? Bakit puro mga nakamaskara ang mga nakikita ko?
Paglabas naming pareho ni Anxiety sa apartment niya, sobrang liwanag na ng paligid. Gulat na gulat ako kasi nung nasa may likod pa lang kami ng pinto, rinig ko pa ang lakas ng bugso ng hangin at ulan sa labas.
"Umuulan pa rin. Magsuot tayo ng payong at kapote."
"Huh? Pero---" Natulala ako bigla sa sinabi ni Anxiety na umuulan pa rin. Tinapat niya lang 'yung kamay niya sa ere at sinabi niya na umuulan pa rin. Sinubukan kong itapat 'yung kamay ko sa ere pero hindi ko na nagawa nang bumalik na si Anxiety sa loob ng kubetang bahay niya. Pagbalik niya, pinasuot niya na sa akin ang isang transparent na kapote. Binigyan niya rin ako ng transparent ng payong. Noong tapos na kaming magsuot, nag-umpisa na kaming maglakad at manghang-mahanga ako kasi kahit wala akong nakikitang ulan at kahit sobrang liwanag na ng paligid ay pumapatak pa rin ang invisible na mga butil ng ulan sa ibabaw ng payong namin.

BINABASA MO ANG
MEMORIE IS A LIE
Science FictionAfter waking up in a ferris wheel cart with no memories, Memorie quickly realizes that she is in a parallel universe where everyone is a digital version of themselves. When Memorie wakes up in a ferris wheel cart with no memor...
抖阴社区 Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte