抖阴社区

抖阴社区 Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

C H A P T E R 3

1.5K 41 14
                                    

Perception

Umayos ako sa pagkakaupo ko sa loob ng tren sabay tinakpan ang bibig ko gamit angd dalawang kamay ko. Dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko, pakiramdam ko, maduduwal ako. Ayokong sumuka! Ang dami ng pasaherong kasama ko rito sa loob ng tren!

Relax! Relax! bulong ko sa isipan ko habang nakatingin ako sa mga pasaherong nasa unahan ko lang. Nasa may buntot kasi ako ng tren nakaupo at kahit medyo nasa malayo ako, siksikan pa rin dito kaya hindi talaga magandang ideya na sumuka ako. Sana pala talaga, sumama na ako kay Mr. Emoticon! Kashungahan ko talaga eh! Pero hindi ako sure kung kashungahan ko ba talaga 'yun o sadyang ma-pride lang akong tao. Ayokong may tumutulong sa akin. Ayokong kaawaan. Ayoko magkaroon ng utang na loob.

Huminga ako ng malalim at pinilit na kumalma. Nagiging paatras ang takbo ng tren kasi gusto pang bumalik doon sa subway na pinanggalingan ko kanina. Kasi gusto ko pang balikan si Mr. Emoticon! Nakakainis!

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Noong naging kalmado na talaga ako nang tuluyan, huminto saglit ang tren, napundi ang mga ilaw at maya-maya pa...

"AAAAH!" Umabante na ang tren pero 'yun nga lang sobrang bilis naman ng pagtakbo nito. Sobrang bilis na tipong halos lumulutang na ako sa ere. Nakatagilid ang buong katawan ko at para talagang hinihila ako ng isang matinding puwersa. Sa lahat ng pasaherong nakaroon, ako lang ang nagkakaganoon. Mabilis ang takbo ng tren! Sobrang bilis pero lahat ng pasahero, maliban sa akin, ay kalmado lang. Ang iba, nagbabasa pa nga ng diyaryo. May nagkukuto rin ng aso nila na katulad ko, katulad namin, ay may suot ding puting maskra. May iba na nagbibilang ng split ends. May isang lola rin na parang inaantok na.

Kumapit ako nang maigi sa rail at maya-maya pa ay naramdaman kong pati panty ko ay mukhang nahihila na rin ng kung ano mang puwersa iyon. Nakakahiya!/

Nasa may dulo ako ng tren at paminsan-paminsan ay tinititigan nila ako na para bang walang nangyayari sa akin.

BAKIT SOBRANG BILIS NG TAKBOOO?!

"Jusko! 'Yung panty ko!" Wala na! Finish na! 'Yung panty ko, natanggal na talaga. Biglang dumikit doon sa salamin.

Pinamulahan ako ng mukha at nakita kong may mga pasaherong natatawa sa'kin.

Bakit ba ganito? Kung hindi paatras ang pagtakbo ng tren, sobrang bilis naman?!

Kumalma ulit ako.

Inhale. Exhale.

Tama! Sa perception ko dapat kino-kontrol ang mga bagay. Kagaya ng sinabi ni Mr. Emoticon, kung ano ang iniisip ko, ganoon din daw ang mangyayari sa mundong ito.

Nagawa ko na kanina na huwag nang maging paatras ang takbo ng tren kaya magagawa ko rin na pabagalin ito!

Relax! Relax!

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Nag-concentrate ako at maya-maya pa, biglang napundi ang ilaw at... bigla akong nalaglag sa ere!

"ARAY!" Bigla akong napahapo sa puwet ko. Ang sakit!

Tumitig ako sa mga pasaherong nasa unahan. Natatawa pa rin sila sa akin. Nakakainis! Tama bang pagtawanan nila ang ka-egnorantehan ko sa mundong 'to? Malay ko bang kung ano ang iniisip ko ay ganoon ding ang mangyayari sa paligid ko? Ang judgemental ha! Perfect? Perfect? FYI! Paraho lang tayong lahat na nasa purgatoryo!

Pero wait? Purgatoryo?

Tangina!

Tama! Nasa purgatoryo pala ako! Mommy! Daddy!

"Huminahon ka lang kasi." Bigla akong natigil sa pagdidileryo sa loob ko nang may babaeng lumapit sa akin. Doon ko lang din natanto na maayos na rin pala ang pagtakbo ng tren. Malumanay na at hindi na paatras. Hindi na rin mabilis na mabilis!

MEMORIE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon